Chapter Sixteen

402 16 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

NAPANGITI AKO habang nakamasid sa kanila mula sa balkonahe ng kwarto ko

"You look like an idiot"

Napatalon ako sa gulat at napalingon sa likod ko

"Kanina ka pa dyan?"

"Eavesdropping is rude"

Inirapan ko sya "Anong ginagawa mo dito? Kwarto ko 'to"

Lumapit sya sakin at kinorner ako. Napalunok ako ng nilapit nya ang mukha sakin

"A-ano nanaman ba, L-lucas?"

Nginitian nya ako at tumitig sa labi ko "I like it when you're calling me by my name. It sounds so sexy"

"Lumayo ka nga" kunwaring inis na sabi ko para itago ang pagkailang ko

"Your lips are inviting me again"

Napatitig ako sa mga mata nya at para akong hinihipnotismo ng mga ito. Hinila ko ang batok at naglapat ang labi namin. Agad akong napapikit at mas diniin ang labi nya sakin

Ramdam ko ang pagyakap nya sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya. Binitawan ko ang labi nya at tinignan sya sa mata

"I want you, Genesis. Be mine"

Napatitig ako sa kanya at nilingon sila Simon para ikalma ang sarili ko. Hinalikan nya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya

"Answer me, Genesis. Will you be mine?"

"Masyado kang mabilis" sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko

Kita kong titig na titig sya sakin "Am I? Kung masyado akong mabilis malamang nasa kama na tayo"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at hinampas sya sa braso "Bastos ka!"

Dinampian nya ng halik ang labi ko "I'm falling for you, Genesis. Will you catch me?"

Napalunok ako at nagbaba ng tingin na parang hinahanap dun ang sagot sa tinanong

"I will wait, Genesis"

Tinignan ko sya "Bakit ako?"

"I don't know. I want you and that's all I know" sabi nya at muli akong hinalikan

Bibitaw na sana sya pero diniin ko ang labi nya sakin at niyakap ang braso ko sa leeg nya. Binuhat nya ako at awtomatikong pumulupot sa bewang nya ang hita ko na parang may sariling buhay ang mga ito

Hinimas-himas nya ang hita ko na nakapulupot sa bewang nya habang patuloy na nakikipaghalikan sakin

Kusa akong bumitaw ng maubusan ako ng hininga at pinikit ng mariin ang mata ko. Tinignan ko sya at hinaplos ang pisngi nya "Sigurado kang maghihintay ka?"

"I will" seryosong sabi ko

Tumango-tango ako "Baba mo ako"

Umiling ako at nginitian ako "Ang gaan mo para akong nagbubuhat ng seven years ago"

Hinampas ko sya sa braso "Ibaba mo na ako"

"I like holding you like this. This is my favorite sex position" nakangising sabi nya

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at pinalo sya ng malakas sa braso "Ang pilyo-pilyo mo, ibaba mo na ako. Inaantok na ako"

"Can I sleep beside you?"

Agad akong umiling "Papagalitan tayo ni Simon"

Nangunot ang noo nya "Why? Is he your boyfriend?"

"Guardian. Ibaba mo na ako, wag kang pasaway"

Bigla akong hinalikan at bumuntong hininga "I should ask my employee's blessing? Tss! I'm his Boss" pagmamaktol nya

Natawa ako ng mahina at tuluyan nya na akong binaba

"I wish I could fire him"

Napairap ako at tinulak-tulak ang dibdib nya "Sige na balik ka na sa kwarto mo"

Bumuntong hininga sya at tinignan ako "Hindi ba talaga pwede dito?"

"Tsk! Wag kang makulit sa susunod papayagan kita"

Nagliwanag ang mukha nya "Talaga? Kailan?"

Nginisian ko sya  "Wag kang magtanong matuto kang gamitin ang common sense. Tsupi na!"

Umikot ang mata nya at mabibigat ang hakbang habang palabas ng kwarto ko na bumubulong-bulong

Hayy! Tsk! Parang bata akala ko nung una seryoso tsk tsk!

NAPATINGIN ako sa oras sa wall clock at bumuntong hininga

Actually hindi rin ako makatulog ng maayos, simula bata ako ganito na ako. Mas lumala lang last year. Kadalasan  four hours lang ang tulog ko, swerte na kung abutin ng five or six hours

Naghilamos ako at nagtoothbrush bago bumaba. Diretsyo ako sa kusina at naupo sa stool "Good morning po" nakangiting bati ko "Pwede tumulong?"

"Naku, iha. Nagbilin si Senyorito Lucas na wag kang pakilusin sa kusina. Heto oh, grape juice paborito mo raw ito" sabi ni Manang nilapag ang juice at isang sandwich sa harap ko

Napasimangot ako "Bawal po talaga?"

Umiling si Manang "Yari kami kay Senyorito kapag pinakilos ka namin, iha"

Dinampot ko ang sandwich at napatingin sa palaman. Peanut butter, allergic ako sa peanuts tsk!

Pinanood ko lang sila habang inuubos yung juice at nakasimangot na pumunta sa likod bahay. Nilublob ko ang paa ko sa pool at napangiti ng makita ako ang mga bulaklak sa paligid. Tumingin ako sa langit at marahang ginalaw-galaw ang paa ko sa tubig. Maganda dito, presko at napakatahimik

Bigla may tumabi sakin kaya napalingon ako at nginitian sya "Good morning"

"You always wake up early" sabi ni Kate at nilublob din ang paa sa pool

"Sanay na eh" palusot ko at nagkibit balikat

"You like nature too"

Tumango ako "Madalas kaming magpunta noon sa probinsya nila Mommy. Madaming puno, kitang-kita yung pagsikat at paglubog ng araw. Si Dad lagi kaming pinapasyal sa park para makapagbonding kapag may oras sya. Lagi kaming dinadala ni Dad sa mapuno at mahangin na lugar. Pareho kasi kami ng hilig ni Mommy"

"You had a happy family"

Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang isang pamilya tsk! Nginitian ko sya at nilahad ang kamay ko "Friends?"

Tinanggap nya yun at nginitian ako "Friends"

"Ganda mo lalo kapag nakangiti"

Pinaikot nya ang daliri sa dulo ng buhok na madalas nyang gawin "Thanks. Front ko lang ang pagiging masungit. You're beautiful too"

Napailing ako at nahihiyang ngumiti

"May dress ka na ba for the Mall Opening?"

Napatingin ako sa kanya "Kasama ba ako dun?"

"Oo naman. It's so boring here in the house kapag naiwan ka" maarteng sabi nya

Napakamot ako sa batok "Wala akong dress na dala"

Napangiti sya ng malaki at pumalakpak "Good thing. I always bring extras. Let's fit it para makita ko kung anong kasya sayo"

Kumunot ang noo ko at umiling "Wag na, hindi nalang ako sasama"

"Magtatampo ako" nakasimangot na sabi nya

Napatitig ako sa kanya at wala sa sariling napatango

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now