Chapter Forty One

281 18 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

RAMDAM ko ang malamig na tubig na tumama sa mukha ko. Manggigising nalang tsk!

Minulat ko ang mata ko at nakita sila. Sila Ford at Mariano kasama si...Serenity Mondejar. Wala sya kagabi yung dalawa lang na bumugbog sakin

"Why is she here?" takang tanong ni Serenity dun sa dalawa

"Sya ang alas natin kay Bustamante, Serenity" sabi ni Mariano

"Dapat yung pakielamerang si Stefanie nalang" sabi ni Serenity

"Kasintahan sya ni Bustamante" sabi ni Ford bakla na kinagulat ni Serenity

"T-that's a good choice. Sa labas tayo mag-usap" sabi ni Serenity at nauna nang lumabas

Nakumbinsi kaya sya ni Aaron?

Mukhang hindi tsk tsk!

GAYA KAHAPON, tumunganga lang ako. Walang pagkain, ang yayaman, pagkain lang hindi pa maibigay tsk tsk!

Pangatlong gabi ko na dito. Ang hirap tanggalin ng hinayupak na taling 'to

Bigla akong nakaramdam ng presensya sa likod ko at hindi nga ako nagkamali dahil may tumakip na kamay sa bibig ko

"Don't make any noise. It's me, Serenity"

Tumango ako. Tinanggal nya ang kamay sa bibig ko saka tinanggal ang tali sa kamay ko

Bigla nya akong hinila papuntang pinto

"Itatakas kita" tanging sabi nya habang hinihila ako

"May narinig ka?"

Nagtago kami sa pinakamalapit na pader

"Gago! Wag kang manakot"

Tsk! Kalalaking tao, bahag ang buntot!

"Tara"

Nang makaalis sila agad kaming tumakbo papunta sa pinakamalapit na kotse at tinago nya ako sa compartment. Nice. Ano ako gamit?

Syempre, hindi na ako nagreklamo basta makaalis ako dito, ambaho dun tsk!

Mga ilang minuyo ang nakalipas. May narinig pa akong boses bago umandar ang kotse pero bigla itong tumigil sa hindi kalayuan

Sinubukan kong itulak pataas ang compartment pero may pumigil dun

"Shhhh! It's me. Dyan ka lang"

Napanatag naman ako at natahimik. Maya-maya umandar ulit ang kotse

ANG HABA ng byahe. Nagugutom na ako. Pagod na ako at kanina pa namamanhid ang paa ko dahil nakabaluktod ako dito sa compartment

Bumukas ang compartment

"Genesis!"

May biglang yumakap sakin ng mahigpit

Nakakasilaw yung liwanag tsk!

Sa amoy palang kilala ko na ang may yakap sakin. Si Lucas

Minulat ko ang mata ko at kumalas sa kanya "Ayos lang ako" sabi ko at lumabas sa compartment. Dahil OA sya, inalalayan nya pa ako

Tignan mo nga naman 'tong damit na 'to oh, kahit madumi maganda parin tsk!

Bumuntong hininga ako at hinarap si Serenity

"Thank you" sabi ko at nginitian sya

"I'm sorry" sabi nya at napayuko

"Tatalikuran mo na ba sila?" umangat ang tingin nya sakin at tumango na kinangiti ko lalo

Kumapit ako kay Lucas nang manghina ang mga tuhod ko at napapikit

"Why?"

Tinignan ko sya "Pagod na ko"

Lagnat nanaman 'to tsk!

SERENITY'S POV

Tinignan ko si Genesis na nakahiga sa kama, kinabitan sya ng dextrose ni Aaron, hinimatay sya kanina

I realized that Aaron's right. Kabaliwan ang ginagawa ko, namin. We're just ruining other people's life. Selling drugs was never good. Unlike them. Yes, they are doing illegal because they are eliminating people. Bad people. Wrong way but good in some way. Ang gulo diba?

Napangit ako ng makitang hinawakan ni Lucas Bustamante ang kamay ni Genesis. I saw the love. A strong one. Ang love na gusto kong maranasan

Ramdam ko na may umakbay sakin "Are you okay? Hindi ka ba nila nasundan?"

Nilingon ko sya. Aaron...the man of my dreams "Hindi sila maghihinala"

"I was worried" sabi nya at hinalikan ako sa ulo

Aaron is sweet but clingy. Simula kaninang pagkarating namin, halos ayaw nya akong bitawan and that's so sweet. Simula bata ako, sya ang lalaking pinangarap ko. Ang unang lalaking rumespeto at nagtanggol sakin

"Puro pacute, Mariano. Yung pamangkin mo, nakaratay" sabi ni Simon Arevalo

Kumunot ang noo ko at takang tinignan si Simon. Pamangkin? Sino? Napalingon ako kay Aaron "May pamangkin ka dito?"

Tumango sya at tinuro si Genesis na mas kinakunot ng noo ko

"Ganito yan. Step-brother ako ng Mommy nya so pamangkin ko nga sya"

Nanlaki ang mga mata ko at nasapo ang bibig ko

"Kapatid sya ni Jackson"

"What?" gulat na tanong ko

Tumango sila. Nilingon ko si Savier "I'm Mateo John Angeles. Genesis and Miguel's older brother"

Nilingon ko si Miguel Fernandez "Step-brother"

Napatango ako at nilingon si Genesis at Lucas "Ibig sabihin...hindi sila p-pwede" ramdam ko na napatingin sila sakin kaya nilingon ko din sila "If Genesis is Miguel's sister. Lucas and Genesis are cousins"

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now