Chapter Ten

463 22 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV
---BATANES, PHILIPPINES---

ANG LAKING bahay tsk, hindi kaya ako maligaw dito tsk tsk!

Nalingon ko si si Simon na nakangiti ng malaki sakin "This is the rest house of the Bustamante Family, ang ganda diba?"

Bumuntong hininga ako at tumango "Maliligaw ako dyan"

"Gusto mo ng blueprint?"

Siniko ko sya sa tyan at inirapan. Napadaing naman sya at hinimas-himas ang tyan nya "Tinopak ka nanaman. Napagod ka ba, Gen?"

Tinignan ko sya ng masama "Baka ginutom mo ako, Antimony. Nalipasan na ako ng gutom dahil sayo, nakakainis ka alam mo yun?"

Parang natauhan naman sya at napangiwi. Nagpeace sign sya at naiilang na ngumiti "Sorry"

"Hindi pa kayo kumakain?" tanong ni Stef

Tumango ako "Oo. Sa sobrang OA nito ni Antimony, nakalimutan nya yung lunch namin sa bahay"

Kumunot ang noo nya "Sinong Antimony?"

Nginuso ko si Simon na nakatingin ng masama sakin "Simon Benjamin. Sb. Antimony sa Periodic Table of Elements"

"Tsk! Pauso ka nanaman, Genesis" nakasimangot na sabi ni Simon habang nilalaro ang mga daliri nya

"Matagal na kitang tinatawag na ganun, wala ka lang pang-asar sakin eh" nakangising sabi ko

Nginiwian nya ako at hinila papasok ng bahay. Ang ganda dito sa loob! White marble tiles ang sahig, napakalaki ng sala, 65 inches flatscreen TV, dalawang mahabang white sofa at katerno nito ang single soda sa magkabilang gilid at glass center table

"Maganda ba?"

Napaigtad ako at nilingon ang katabi ko. Si Lincoln "Oo, napakaganda" sabi ko at napatingin sa painting sa likod nya kaya napatingin din sya dun. Wala sa sariling nilapitan ko yun at napailing

Isang painting ng anghel na may puting pakpak sa kanan at itim na pakpak sa kaliwa. Sa likod ay isang napakalaking pulang buwan na sumasakop sa kabuuan ng anghel. Madilim ang kalangitan ngunit kitang-kita ang anghel na may napakagandang mukha at puting damit nito.

"Lucas saw that painting in a auction three years ago. Ang ganda diba?"

Tumango ako at ngumiti "Kilala mo ba kung sinong gumuhit nyan?"

Umiling sya "They didn't mention the name but they said it's a girl"

Napangiti ako at tumango "Ako ang nagpaint nyan. Napanaginipan ko ang isang anghel, kakaiba sya kasi wala syang mukha pero kitang-kita ang kulay pula nyang mata. Dun ko nakuha yung pulang buwan"

Gulat syang tumingin sakin "Painter ka?"

"Hindi lang painter, 4-time Ballet Olympic Champion. Ballet Instructor and a School Professor" singgit ni Simon

"Wow. Successful ka pala" sabi ni Lincoln

"Successful talaga" singgit nanaman ni Benjamin

Napangiwi ako "Successful ka rin naman"

"Nasan pa yung iba mong painting?"

"Sa Art Galle----"

"Oo nga pala! Meron din syang sariling Art Gallery malapit sa Ballet School nya" singgit ulit ni Antimony

"Wow! Maganda ka na, talented ka pa. Ano pang kaya mong gawin?"

"Yun lang nam-----"

"Nagpa-piano sya"

Tinignan ko ng masama si Antimony "Ikaw kanina ka pa singgit ng singgit! Busy ka diba? Hindi mo nga ako pinakain"

"Sorry na nga eh!"

Nagsalubong ang kilay ko "Galit ka? Ikaw na may atraso, ikaw pa galit?"

"Hindi na, Genesis. Anong gusto mong kainin? Steak? Pork Barbecue? Chicken Adobo with Pineapple? Beef Soup?"

Nginisian ko sya at bumuntong hininga "Gusto mo talaga pinapahirapan yung sarili mo 'no?"

Namutla sya "Dragon Fruit?"

Umiling ako na kinahinga nya ng maluwag "Strawberry na walang buto at pinya na dalawa lang ang mata, kaya mo?"

Sumimangot sya "Naglilihi ka ba?"

"Buntis ba ako?"

"Ang weird mo nanaman eh"

Nagcross arms ako at nginiwian sya "Weird ako? Oh sige, pink na apples, white na orange tapos avocado na walang buto. Good luck, Antimony"

"Let's eat" sabi ni Stef

Sumunod ako sa kanya kasi nagugutom na talaga ako tsk!

"You're weird" sabi ni Lincoln na sumasabay sakin

"Pinagtripan ko lang, mamaya meron na yan hehe"

Napailing sya "Ano pa kaya kapag naglihi ka?"

Kibit balikat lang ang sinagot ko

"Hindi kaya buntis ka?"

Napatigil ako at nilingon sya "Imposible yun. I never had sex with someone. Certified Virgin, NBSB and I have no interest with guys. Isa pa, meron ako ngayon"

"One night stand with a stranger, wala rin?"

Umiling ako bilang sagot

"Even Simon?"

"Hindi kami talo, he promised and he had to keep it"

Tumango-tango sya "Virgin huh?"

"I'm proud" nakangising sabi ko

"You should be. This way, Miss Virgin"

Napairap ako at sinundan sya

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now