Chapter Eight

474 22 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

ANG INIT! Nakalimutan ni Antimony buksan yung aircon tsk tsk!

Bumangon ako at nagpalit bago bumaba. Napakurap ako at napatingin sa mga tao sa sala

"S-simon....."

Napatingin sila sakin. Kinusot-kusot ko ang mata ko at nilibot ang paningin sa paligid "This is my house right? Nasa bahay pa naman ako diba?"

"Akala ko tulog ka na?"

Bumaba ako sa hagdan at tinignan sila "Ang dami nyo. Good evening" tinignan ko si Simon ng masama at kinurot sya sa tagiliran

"Aray! Bakit nanaman?!"

"Hindi mo binuksan yung aircon" sabi ko at inirapan sya

Nilaro-laro nya ang daliri nya na madalas nyang ginagawa at nagpeace sign sakin "Sorry, ikukuha kita ng tubig" sabi nya at pumasok ng kusina

"Miss Genesis, sorry if we came in without your permission"

Napalingon ako kay Mr. Lincoln "Ayos lang feel at home" sabi ko at ininom yung tubig na dala ni Simon "Nagugutom ako, luto ka"

Sarkastiko syang ngumisi "Matapos mo akong kurutin? Alila mo talaga ako no?"

Nginitian ko sya at yumakap sa bewang nya "Sige na, Antimony. Sausage lang, okay na ako"

Bumuntong hininga sya at inakbayan ako "Makakatanggi ba ako?" napangiti ako at inabot sa kanya yung baso "Lulutuan ko lang 'to, feel at home"

Pumunta na kami sa kusina at kumuha sya ng sausage sa fridge. Umupo ako sa stool at humalumbaba sa counter

"Trabaho ang pinunta nila"

Napatingin ako sa kanya "Hindi ko naman tinatanong pero boss mo yun tapos iniwan mo dun. Baka sisantehin ka nun"

"Hindi yan. Dalhan mo sila ng cookies at juices"

Tsk! Nautusan pa ako tsk tsk! "Okay"

Tumayo ako at naghanda ng cookies and juice. Nilagay ko yun sa tray at lumabas sa kitchen. "Magsnack muna kayo-----ay wait nagdinner na ba kayo?" tanong ko at nilapag ang tray sa center table

"Yes, early dinner. Thank you dito. I'm Miguel by the way"

Nakipagshake hands ako sa kanya at awkward na ngumiti "Genesis. Sorry if I didn't introduce myself formally yesterday. I'm Cyrille Genesis Angeles. Just call me Genesis hindi ako sanay na tinatawag akong Miss" sabi ko at tinignan si Mr. Lincoln

"Sorry, I'll just call you Genesis then" sabi nya na kinangiti ko

"That's better"

"I'm Anthony, pleasure to meet you"

Tsk! Isa pa 'to! Nakipagshake hands ako at tipid na ngumiti "My pleasure too"

"I'm Stefanie, Miguel's younger sister, Lucas and Lincoln's cousin"

"I know you, Simon keeps on talking about you"

Nanlaki ang mata na kinangiti ko "Really?" gulat na tanong ko

Tumango ako at inalala ang mukha ni Simon na parang baliw habang nagkukwento sakin tungkol sa kanya "Sa sobrang daldal nya parang buong buhay mo nakwento nya na"

Hinawi nya ang buhok na nakaharang sa mukha nya at inipit sa likod ng tenga "I hope it's all good thing. This is Katelyn, call her Kate and just call me Stef"

Napatingin ako sa katabi nya na pinapaikot ang daliri sa dulo ng buhok at nginitian sya "Hi Kate"

She just showed a fake smile

"I'm Lincoln, Lexie's father. Drop the Mister and we're good, Genesis"

Natawa ako "If you insist, Lincoln"

"He's Lucas..." turo nya sa katabi nya "Simon's boss, my older brother"

"Should I call you Boss Lucas?"

"Tss. Shut up" inis na sabi ni Lucas

"Nung sinabihan mo akong 'you'll make a move' ginanyan ba kita? Saka sa pagkakatanda ko, you and I needs to get to know each other"

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now