Chapter Forty Eight

276 13 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

Nalipat ang paningin sakin ng lahat ng sabihin ko ang pangalan na yun nang hindi nila inaasahan

"What are you saying, Genesis?" gulat na tanong sakin ni Stef

"Tama ako, diba?" tanong ko kay Sir Lucian

Bumuntong hininga sya at tumango bilang sagot. Ramdam ko na natigilan ulit sila. Sumandal ako sa pader at tinignan sila isa-isa

"Morrie, do you have anything to confess?" tanong ko na kinagulat nya

Napatingin sa kanya ang lahat at napayuko naman sya "I'm sorry, Gen. Hawak nila si Mason"

"Nabalik na ba sya?"

Umiling sya bilang sagot. Tinapik ko ang balikat nya "Ibabalik natin sya, may plano na ako"

"T-talaga?" gulat na tanong nya na kinataas ng isang kilay ko. Gulat na gulat tsk! "Thank you, Genesis"

Mason Gabriel Lawrence, anak nya. Kung tawagin ko ay Magnesium. Patay na si Gabriella, nanay ni Magnesium. Nine years old na sya. Pinalayas si Gabriella kasi maaga raw lumande tsk! Ginawa namin lahat para maisaayos ang panganganak nya pero wala eh, sumuko sya.

Nginiwian ko sya "Wag kang madrama, mas nakakagutom yan. Kumain muna tayo, sakitin ako tsk!"

"M-mom is a t-traitor" hindi makapaniwalang sabi ni Stef

Napalingon ako sa kanya "Nung nakulong ako dun sa kuta nila, may tinatawagan sila Ford. Hindi alam mo alam yun kasi lagi kang wala nun" baling ko kay Serenity at tinignan silang lahat bago magpatuloy "Tinatawag sya na Madame A pero nadulas ng isang beses sila Ford at natawag syang Fernandez. Akala ko nagkamali lang sya ng tawag, naisip mo maraming Fernandez sa mundo. Kinutuban na ako nung una pero napatunayan ko na si Miss Anna nga yun nang makita ko sya sa isang restaurant kasama si Mariano. Meron akong ebidensya at pictures na nakuha nung minsang lumabas ako"

"How did you went out? The guards didn't inform me"

Uh-oh. Dahan dahan kong nilingon si Lucas na masama ang tingin sakin. Nginitian ko sya "Tumakas ako hehe"

Inismiran nya ako na kinangiwi ko at binalik ang tingin kay Stef "Sorry kung ngayon ko lang nasabi, nung isang araw ko lang nalaman yun eh" sabi ko at napakamot sa ulo

Nilingon ko si Kuya John na masama rin ang tingin sakin kahit sila Kuya Miguel, Simon at Aaron. Mga OA tsk! Ayos lang nanaman ako, bakit kaya hindi ako kasing OA nila? Tsk! Kalalaking mga tao eh!

"Let's eat first. Sit down everyone" sabi ni Sir Lucian

Naupo ako sa pagitan ni Lucas at Kuya John. Kaharap ko si Simon na katabi si Stef sa kanan nya at sa kaliwa si Kuya Miguel. Katabi naman ni Kuya John si Aaron. Sama-sama ng tingin nila sakin tsk!

Sunimangot ako at nagpray muna kami bago kumain

"Hindi ko ba gusto ang mga nakahanda, Genesis? May peanut butter sandwich dyan" sabi ni Mama Anne.

"Allergic po ako sa peanuts" sabi ko at nginitian

"Pare-pareho pala kayo ni Miguel at Savier"

Tumango-tango ako. Kahit si Dad, allergic sa peanuts eh

"Kailan mo ba balak pakasalan si Genesis, Lucas?"

Biglang nasamid si Lucas at agad na napainom ng tubig dahil sa tanong ni Tita Mavel. Nilingon ko si Tita Mavel at nagkibit balikat.

"Eh ikaw Anthony, balak mo bang pakasalan si Coleen? Malaki na si Anton" sabi nya kila Anthony at Cole

"Nagpapakipot po si Coleen eh" sabi ni Anthony na kinagiwi ko

Pakipot naanakan? Tsk! Kaltukan ko kayong dalawa eh

"Torpe ka lang talaga" sabi ni Simon. Nagsalita ang hindi torpe.

"Genesis, I want you to marry my son right away para I will have mga apo na"

Napatingin ako kay Mama Anne "Po?" dun lang ako nagulat. Hindi sa kasal eh, sa 'mga apo'

"Maganda siguro na by the end of the month agad then go straight to your honeymoon. I want grandchildren, many of them"

Ano 'to pikot? Tsk! "Eh Mama Anne, hindi pa po namin napaguusapan yan eh"

"That's why were talking about it now, iha. I want it to be held in the church para romantic" tuwang tuwang sabi nya

Nilingon ko si Lucas na nakatitig lang kay Mama Anne at Sir Lucian na nakangiti na parang sumasang-ayon lahat ng sinasabi ni Mama Anne

"Oo nga, iha. Tumatanda na kayo, kailangan nyo nang magsettle down" sabi ni Tita Mavel

Twenty Four lang ako eh. Si Lucas lang yung matanda

****

CL's NOTE: Maikli po idez. Babawi po ako sa Christmas

2 Chapters Update po for this. My Christmas Gift. Hope you enjoy reading 😘

Lovelotz
-clazore_love

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now