Chapter Forty Four

275 16 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

Kinawit ko ang braso ko sa batok nya at tumalon. Pinulupot ko ang hita ko sa bewang nya at pinalalim ang halik

Nawawala ako sa sarili at pakiramdam ko kaming dalawa lamang ang tao sa mundo. Nawala ang mga iniisip ko at natuon sa kanya ang atensyon ko

Ramdam ko ang paglapat ng likod ko sa kama at paghubad ng pang-itaas ko. Bumaba ang kamay ko sa dibdib nya at ang isa ay humawak sa kamay nya

Nais kong maramdaman na nandyan lang sya at hindi ako bibitawan. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil hinahayaan ko ang emosyon ko na nangibabaw kahit na alam ng isip ko na mali ito

Bumaba ang halik nya sa leeg at dibdib ko. Hindi ko manlang nalaman na wala na pati ang tumatakip sa dibdib ko

Hinuli nya ang isang kamay ko at hinawak headboard ng kama. Ang mga kamay nya ay nagpaikot-ikot sa katawan ko bahagya akong napapaliyad kapag pumipisil nya at minamarkahan ako

Mula sa dibdib ko umakyat ang labi nya sa leeg ko at patungo sa tenga ko. Kinagat nya yun dahilan para mapaungol ako ng mahina

"Say that you love me, Genesis..."

Napabitaw ako sa headboard at tinignan sya. Naghalo-halo ang emosyon sa mga mata nya ngunit nangingibabaw ang pagmamakaawa bagaman walang reaksyon ang mukha nya

"Genesis....say it"

Umiling ako ng dahan dahan. Napalitan ng sakit at lungkot ang mga mata nya ngunit hindi nagbago ang reaksyon nya

"M-mali 'to, Lucas" pigil emosyon na sabi ko at tinignan sya ng diretsyo sa mata

"I love you, Genesis. There's nothing wrong with that"

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa noo "Sa susunod na tayo mag-usap, iwan mo muna ako"

"But----"

"Please..." pagmamakaawa ko

Tinignan nya ako muna ako ng matagal at hinalikan sa noo bago umalis. Pagkasara ng pinto ay parang gripo na bumuhos ang luha ko at nagunahan sila sa pagtulo habang nakatulalang nakatitig ako sa kisame

I can't lose him. Mahal na mahal ko sya

"FOR OUR next move---"

Naupo ako sa sulok at pinanood si Kuya John. Hinilot ko ang sentido ko at pinaglayag ang isip ko sa kung saan. Mabilis akong tatanda sa sobrang pagiisip, daig ko pa College na namomoblema sa Thesis na ginagawa o kaya isa akong High School student na nagsasagot ng 300 items exam nang hindi nagreview tsk tsk!

"Genesis...."

Pinikit ko ang mata ko at malalim na bumuntong hininga. Kulang na kulang ang tulog ko, ala-singko na ako nakatulog at ala-otso ako nagising. Gusto kong magdamag na humilata pero hindi pwede

"Genesis"

Minulat ko ang mata ko at tinignan sila

"Are you okay?" tanong sakin ni Lincoln

Tumango ako at pilit na ngumiti "Bakit?"

"You're spacing out"

"Ayos lang---"

*BANG BANG BANG BANG BANG*

Natigil ako sa pagsasalita nang may nagpaputok ng baril sa labas

"Boss, sinugod tayo!"

Napatayo kaming lahat at bumunot sila ng baril

"Sasalubungin natin?" tanong ni Simon kat Lucas na papunta sa direksyon ko

"No, we're just a few. We need to go" sabi nya at hinila ako

Dumaan kami sa bacjdoor at tumambad samin ang iilang tauhan nila Lucas na lahat ay armado

"Get in" utos nya pagkarating namin sa tapat ng kotse. Agad naman akong sumunod at napatakip ng tenga ng makarinig ng malakas na pagsabog

"Hurry!"

Mabilis na pinaandar ni Simon ang kotse. katabi ko sa backseat si Lucas habang nasa shotgun seat naman si Kuya John

"Paano nila tayo natunton?" tanong ni Simon ng makalayo-layo kami

"Hindi kaya si Serenity?" tanong ni Kuya John

"No" mabilis na tanggi ko "Imposible yun. Hinahabol din sya"

"What about Aaron?" tanong naman ni Lucas

Mabilis akong umiling "Hindi nya ako ipapahamak, sa tingin ko wala satin. Baka may nagmamanman satin"

Inalala ko ang nakita ko noong minsang tumakas ako. Maaring ikaw nga yun pero kailangan ko ng mas matibay na ebidensya. Mahirap magbintang na walang pruweba baka ako ang masira

"But what if---"

"Lucas...." pagputol ko sa kanya "Hindi lahat ng kalaban noon ay hindi pwedeng maging tapat. Trust me because I trust them"

Wag kang magpapahuli sakin dahil kapag naabutan kita, hindi lang hirap ang dadanasin mo sakin. Impyerno ang mararansan mo. Konting ebidensya nalang, mapaparusahan na kita

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now