Chapter Forty Three

285 12 5
                                    

CYRILLE GENESIS POV

"P-pinsan?" halos hindi ko na mabanggit ang salitang yun dahil sa gulat. Para itong isang delubyo na nangyari sa harapan ko at hindi ko alam kung paano makakaligtas dito

Para akong nabingi at pinutulan ng dila habang pinukpok ng martilyo ang puso ko dahil sa sobrang kirot

Tumango si Stef at niyakap ako "I know, this is hard to accept pero magpinsan kayo"

Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Pinsan ko sya, si Lucas. Kapatid ko si Miguel at pinsan ko rin sya

TATLONG ARAW kong iniwasan si Lucas simula nang malaman ko ang bagay na yun. Hindi ko alam kung paano ko sya nagawang iwasan dahil nasa iisang bahay lamang kami. Madalas nasa kwarto lang ako at kung minsan naman ay nagsasagawa ng plano kasama si Kuya John

Nalaman ng MMF na bumaliktad si Serenity at pinaghahanap na sya ngayon. Alam na rin naman kung saan ang ibang kuta nila, isa-isa naming sinusugod. Syempre, hindi ako kasama kahit pa may alam ako sa bakbakan hindi ako pwedeng bumida dun. Idagdag mo pa yung pagka-OA nila Simon na halos ayaw akong palabasin ng bahay

Balik bahay kami dito sa bahay ni Lucas. Naglibot-libot ako kahapon at nandiro ako ngayon sa isang puting kwarto. Palagay ko ay isang training room dahil sa dami ng espada, may punching bag, target range, mga protective gears at ilang baril

Malaki ang kwartong ito dahil nahahati sa tatlo ang maari mong gawin. Iba talaga kapag mayaman tsk tsk!

Sa totoo lang, hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Stef. Tama sya, magpinsan pa rin kami at sa kahit anong paraan mo tignan ay mali ang namamagitan saming dalawa ni Lucas. Isang malaking pagkakasala

Kapag naiisip ko yub, naaalala ko ang mga ginawa naman. Yung panunuyo nya, abg mga matatamis nyang salita, yung unang beses na halikan nya ako, ang mga haplos nya at mga oras na muntik nang may mangyari samin. Higit sa lahat ang pagsagot ko sa kanya lahat ng iyon ay mali dahil magpinsan kami

Pero.....minahal parin namin ang isa't-isa. Hindi ko naisip ang bagay na iyon kahit na alam kong kapatid ko si Miguel

Wala sa sariling nagsuot ako ng protective gears sa mata at headphones. Inassemble ko ang baril at pinaputukan ang target. Iisa ang direksyon ng bala ko, sa iisang parte lamang ng katawan ng tao ang tinamaan sa target. Ang puso...

Gusto kong parusahan ang sarili ko dahil alam kong nagkamali rin ako. Nasasaktan ako kapag naiisip kong pinsan ko sya at nagagalit sa sarili ko dahil sana pinigilan ko ang sarili ko nung una pa lamang

Binitawan ko ang baril at hinubad ang nasa mata ko at tenga saka lumabas ng kwartong iyon. Mabilis kong tinahak ang direksyon ng kwarto na tinutuluyan ko at nagkulong dun

Sinandal ko ang noo ko sa pinto at nagpakawala ng malalim na buntong hininga

"How are you?"

Natigilan ako at umayos ng tayo ngunit hindi ko sya nilingon "Anong ginagawa mo dito?"

Pinigil ko ang sarili ko na lingunin at yakapin sya. Miss na miss ko sya sa totoo lang, gusto ko syang harapin at sabihing mahal ko sya

Naramdaman ko ang paglapit nya sakin at tumigil sa likod ko "You've been avoiding me, may I know why?"

"Yung tanong ko, Lucas. Sagutin mo"

"Face me, Genesis. I'll answer you"

Mariin kong pinikit ang mata ko at pinigil ang emosyon ko saka humarap sa kanya. Eksaktong pagkaharap ko ay sinalubong ako ng mga labi nya

Nanghina ang tuhod ko ngunit bago pa ako bumagsak ay pumulupot na ang braso nya sa bewang ko. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nakatugon na ako sa halik nya

Ang halik nyang iyon na walang kasing tamis. Ang halik nyang kaya akong pasunurin sa lahat ng gusto nyang gawin sakin. Ang halik nagpapawala ng katinuan ko. Ang halik na syang dahilan kung bakit nahulog ang loob ko ng tuluyan sa kanya

Ang halik na kung saan nagpasimula ng pagkakasala naming dalawa

****

CL's NOTE: I think I'll be MIA for days. Sorry guys. I don't know when will be my next update so this will be the last for this day

Hope that I can update tomorrow or the day after tomorrow. But I'll surely update in December 25 as a gift

Love you guys. Take care. Sleep well hehe

Lovelotz

-clazore_love

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now