Chapter Forty Six

277 15 0
                                    

CYRILLE GENESIS POV

Yakap-yakap nya ako habang nakaunan ako sa dibdib nya. Walang nangyari samin, mahirap paniwalaan pero nakapagpigil sya. Nakaligo na kami at nakapagpalit ng maayos na damit

Nirerespeto nya daw ako tsk! Tinikman, nirerespeto tsk tsk! Pero kahit ganun, thankful ako kasi tumutupad sya sa pangako nya kila Kuya John at sakin

"Pakakasalan mo naman ako diba?" tanong ko at tinignan sya

Nakangiting tumango sya at marahang hinaplos ang pjsngi ko "Kahit saang simbahan, Genesis. Kahit bukas kung pwede"

Dinampi ko ang labi ko sa kanya at dinikit ang noo ko sa pisngi nya "Promise me, Lucas. Ako lang"

"I promise" sabi nya at hinalikan ang buhok ko

Pinikit ko ang mata ko at niyakap sya ng mahigpit

"Why do I have a bad feeling?" napatingin ako sa kanya "Bakit pakiramdam ko mawawala ka sakin?"

Napailing ako at natatawang napairap "Praning ka rin minsan 'no?"

"My instincts never fails, Genesis" seryosong sabi nya

"Hindi ako mawawala..." pinakita ko sa kanya ang singsing ko sa kaliwang kamay na ibinigay nya "I promise, hindi ako mawawala sayo"

"Ano bang pinaplano mo?"

Napangiti ako at binaba ang kamay ko "Yung future ko na kasama ka"

"Tss." singhal nya at nagiwas ng tingin na kinangisi ko

"Wag ka masyadong kiligin"

"I'm not" mabilis na tanggi nya. Sinulyapan ko ang magkabilang tenga nya na pulang pula at mga labi nya na nagpipigil ng ngiti

"Denial. Wag kang mag-alala lahat ng plano ko nangyayari"

Natawa ako ng namula lalo ang tenga nya at bumangon. Umupo ako sa gilid ng kama at ramdam ko ang pagyakap nya sa bewang ko. Pinatong nya ang baba sa balikat ko at hinalikan ako sa pisngi

"Where are you going?"

"Tugtugan mo ako, naggigitara ka diba?"

Ramdam ko ang pagtango nya "Stay here. Kukunin ko ang gitara ko"

Napangiti ako at sinundan sya ng tingin ng tumayo sya. Pumasok sya sa closet at lumabas na dala-dala ang gitara nya. Umupo sya sa tabi ko nang nakabaluktod ang isang hita para nakaharap sya sakin

Nagumpisa syang tumipa sa gitara habang nakatingin sa mga mata ko. Pamilyar iyon, napakapamilyar ng tinutugtog nya

"Oceans apart, day after day
And I slowly go insane
I hear your voice, on the line
But it doesn't stop the pain
If I see you next to necer
How can we say forever"

Titig na titig sya sakin habang kinakanta ang mga linyang iyon. Malalim ngunit maganda ang boses nya, masarap sa pandinig dahil punong-puno ito ng emosyon

"Wherever you go, whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes or how my heart breaks
I will be right here waiting for you"

Hinalikan nya ako sa noo "I love you"

"I love you too" sabi ko at niyakap sya

ANNIE MARIE'S POV


I was about to knock when I heard a guitar strumming

"Oceans apart, day after day....."

Natigilan ako at sumandal sa pader. My son used to play that song ten years ago. I was shocked when he asked his Dad if he knew that song

Wala syang nagustuhan na ibang babae maliban sa batang niligtas nya 10 years ago and that's Genesis

Once a Bustamante marked you as his, wala ka nang kawala. They won't leave you alone kahit pa magtago ka sa dulo ng mundo

"Hey, what happened----" natigilan sya ng marinig si Lucas na kumakanta't tumutugtog

Tipid syang napangiti at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Lucian Zayn Bustamante, the Bustamante that marked me. I was fifteen when he marked me as his

Hindi sila matatawag na mga Bustamante kung hindi sila pilyo. Tulad ng mga anak ko na kapareho ng ama nila

"Wherever you go, whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes or how my heart breaks
I will be right here waiting for you"

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib ng asawa ko at niyakap ang braso ko sa bewang nya "My son found his girl, Lucian"

Ramdam ko ang paghalik nya sa noo ko "Lucas is a grown up man now. I'm so proud"

Cyrille Genesis, the name of the woman that my son marked. There's no turning back, iha. Face the reality and accept your faith

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now