Chapter Thirty Nine

273 11 0
                                    

LINCOLN'S POV

I FIXED my sniper gun and positioned myself. Sinilip ko sila Genesis mula sa telescope

Natigilan ako ng may mahagip akong pamilyar na pigura ng babae

Kurap kurap ako at tinitigan ang babaeng 'yun

Sya nga....

Jamie Lalaine Chavez...Lexie's Mom. My wife

Umayos ako ng upo at bumuntong hininga. Muli ko syang sinilip sa telescope ngunit wala na sya sa dating pwesto nya

She's the only woman who can turn my world upside down. Mahal ko parin sya

Mahal na mahal ko parin sya kahit iniwan nya kami...

AARON TIMOTHY'S POV

"SO WHY are we here?" tanong ni Serenity habang nakaupo sa kama

Bumuntong hininga ako at hinubad ang coat ko. Inabot ko yun sa kanya "I'm not here for pleasure, Serenity. Cover your legs"

Kinuha nya yun at binato sa kama "Look at me, Aaron. I'm beautiful, sexy and attractive. Ano bang ayaw mo sakin?"

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nya. She looks so sexy in her dress and she so beautiful tonight "Your attitude--yun ang ayaw ko sayo"

Serenity Mondejar, the most beautiful woman in my eyes. I fell in love with her at first sight but damn! I want her out of that Mafia!

Biglang syang lumapit sakin at hinawakan ang pisngi ko. Malapit na malapit kami sa isa't-isa, nararamdaman ko ang kaba na nararamdaman nya "I can change for you, Aaron. Iiwan ko ang organization para sayo"

Pinagtitigan ko ang mga mata ni Serenity. Inaaral kung totoo ba ang sinasabi nya o kasinungalingan lang. Umiling ako "Hindi ko yun iiwan para sakin, Serenity. That organization is your life"

She smiled at me "If you ask me to do it, Aaron. Gagawin ko, I will listen to you. Just love me the way I love you"

"Sigurado ka tatalikuran mo lahat?"

Tumango sya at mas lumawak ang ngiti sa labi nya

"Myembro ako ng Bustamante Mafia"

Natigilan sya at unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya. Bumagsak ang isang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko "W-what?"

"Sasama ka parin ba sakin?"

"B-bustamante? Kalaban k-ka?" hindi makapaniwalang sabi nya

"Babaliktad ka pa ba? Sasama ka pa sakin? Magsusumbong ka ba?"

"B-bakit?"

"Iiwan mo na ba sila?"

Napaatras sya "Traydor ka"

"Hindi tayo magkakampi, Serenity. Dahil kahit kailan hindi ako sumali sa kabaliwan nyo" mariin na sabi ko

"Aaron, how could you? Tinraydor mo si Tito!"

Umiling ako "Tapos na ang mga taon na nagbulag-bulagan ako, Serenity. Kung sasama ka sakin, ilalayo kita sa ganitong buhay"

Natahimik sya at napatitig sakin. Parang iniisip nito ang aking mga sinabi. Bumuka ang labi ni Serenity ngunit walang salitang namutawi sa bibig nya

Bumuntong hininga ako "Ihahatid na kita sa inyo, binibigyan kita ng tatlong araw para makapag-isip" sabi ko at inalalayan sya paalis ng Hotel

PINARADA KO ang kotse sa tapat ng bahay nila at tinignan ang oras sa relo ko

*kring kring*

Sinagot nya ang tawag, wala sya sa sarili

"Hello?...Ano?!" napatingin sya sakin at binaba ang linya "Why are you doing this?! Pinapabagsak mo ang organisasyon na tinayo ng pamilya natin!"

"Dahil ito ang tama." mariing sabi ko at bumuntong hininga "Ayoko nang gumawa ka ng masama. Tatlong araw lang, Serenity. Pagisipan mong mabuti"

Lumabas ako ng kotse at umikot para pagbuksan sana sya pero naunahan na nya ako. Inalalayan ko sya palabas dahil sa taas ng takong nya

Sinara ko ang pinto at hinalikan sya. Agad ko rin iyong pinutol at tinignan sya "Hihintayin ko ang tawag mo" sabi ko at umalis na

"I'm done" sabi ko at bumuntong hininga

STEFANIE'S POV

GAYA NG nasa plano, pumasok sila Kuya Lucas at Savier kasama ang mga tauhan namin. Naglabasan lahat ng batil ang tauhan ng Mafia

Nagsialisan ang mga bisita at nagkatutkan ng baril ang lahat kahit kami ni Kate nakatutok narin ang baril sa kanila

"Party wreckers? That's new, Bustamante...at kasama mo pa ang traydor na Jackson na yan" sabi ni Christopher Ford

"Party pala 'to, akala ko samahan ng mga plastik na tao" sabi ni Savier

Nagtiim ang bagang ni Christopher at tinignan kaming lahat "Napakarami nyo..."

"Marami rin kayo" sabi ni Kate

"Katelyn, you look so beautiful tonight..." nakangising sabi nya at pinasadahan din ako ng tingin "You too Stefanie...pero teka parang kulang kayo"

"We're actually complete, Ford. Wala ata si Mariano, nabahag na ba ang buntot" pang-aasar ni Kuya Zane

Mas lalong nagalit si Christopher "Patayin ang mga yan"

Agad akong napatakbo sa pinakamalapit na pader ng nagsimula silang magpaputok. Binaril ko ang pinakamalapit sakin sa braso at tagiliran saka sinipa ang isa sa mukha at binaril sa dibdib

"Go to the mezzanine, Stef. Help Anthony" sabi ni Kuya Miguel mula sa earpiece na suot ko

"Cover me" sabi ko sa mangilan-ngilan na tauhan namin malapit sakin at umakyat sa raas

Binabaril ko bawat makasalubong ko na tauhan ng kalaban na Mafia at pinuntahan sila Anthony sa Control Room

Ang dami!

Napatago ako sa pader nang may bumaril sa gilid ko

Shit naman!

Binaril ko ang bawat lumalapit sakin habang yung ibang tauhan na kasama ko ay nakabantay sa paligid ko

"Thanks Stef"

Bumalik ako sa hall

"-----o papatayin ko ang babaeng 'to?"

Oh no!

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now