THE PREPARATION

279 14 0
                                    

SPECIAL CHAPTER ONE: THE PREPARATION

CYRILLE GENESIS POV

"HERE IT is" sabi ni Anthony at nilapag ang blueprint ng Hotel sa mahabang mesa

"Marunong ka bang bumasa ng blueprint?" tanong ni Kuya Miguel sakin

Tumango ako at nilingon si Kuya John na kunot na kunot ang noo. Binalik ko ang tingin sa blueprint at saglit na pinag-aralan yun

"Here. Sa third floor ng building gaganapin ang event. This is the elevator and the third floor has a made-up mezzanine. Nandun ang CCTV Control Room ng buong Hotel. Cole and Anthony, dun kayo pupunta. Cole, i-connect mo yung system dun sa control van. Kuya Miguel from the van will give us locations..." nilingon ko si Morrie at Simon "Wag kayo sa parking space tumambay sa likod ng building dun kami lalabas"

Nilingon ko si Aaron "Don't make me regret trusting you again, Tito..." shet! Ang sagwa talaga! Tinignan ko si Lincoln "Stay alert kapag nandun na tayo and make sure your men are trustworthy baka pumalpak ang plano natin"

Tinignan ko si Lucas at Kuya John "Kayo din"

"Stef and Kate, ireport nyo kay Kuya Miguel kung ilan at kung saan nandun yung mga tauhan nila Mariano"

INAYOS KO ang dress ko at lumabas ng kwarto

"Oh my! You look so beautiful!" bulaslas ni Kate pagkababa ko

Inalalayan ako ni Kuya John. Tsk! Taas taas ng takong na 'to pwedeng makapatay ng tao! Hindi ako sanay syempre. Walang ganito nung nasa ballet class ako tsk tsk! Asar!

Nakasuot kasi ako ng long gown na kulay itim. Mukha akong aattend ng lamay tsk! Tanga lang, Genesis?! Lamay long gown?!

Medyo malalim sa dibdib at medyo mababa rin sa likod. Meron itong mahabang slit na umabot sa kalahati ng hita ko at nakasuot ako ng red seven inches heels para magmukha akong matangkad

Pano kaya ako makakatakbo nito? Tsk!

"Tsk! Sabi nang bawal eh!" reklamo ni Simon

Nilingon ko si Kuya John, Kuya Miguel, Aaron at Lucas na ganun din ang reaksyon

"Bagay naman ah" depensa ni Kate

Inismiran lang sya ni Simon bago lumapit sakin at sinuot ang earpiece sa tenga ko

"Pamatay yang suot mo, galingan mo sa arte mo..." nakangiwing sabi nya "Dapat may mababangasan ako"

Inirapan ko sya at humarap kay Kuya John at Kuya Miguel "May habilin din kayo?"

Ngumiti lang sila kaya nilampasan ko sila ng tingin at tinignan si Lucas

"Take care" sabi nya at hinalikan ako sa noo

Inayos ko ang coat nya at kinindatan sya bago kami umalis

This is it hooo! Tsk tsk!

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now