THE PLAN

271 13 2
                                    

SPECIAL CHAPTER TWO: THE PLAN

CYRILLE GENESIS POV

Nilaro ko ang ballpen sa daliri ko at malalim na bumuntong hininga

"Deep thoughts?"

Napalingon ako sa gilid ko at tipid na ngumiti "Hindi naman. Nag-aalala lang ako kay Mason. Tahimik masyado ang batang yun kaya hindi ko alam kung anong masakit sa kanya"

"Mahilig ka talaga sa mga bata"

Napangiti ako at tumango-tango "Mas madali kasi silang makausap, napakainosente nila"

"Parehas kayo ng sagot ng asawa ko noon"

"May asawa ka?" gulat na tanong ko

Tumango sya "Kinasal kami six years ago pero bigla syang nawala pagkapanganak nya kay Lexie"

"Anong pangalan nya?"

"Jamie Lalaine Chavez-Bustamante. Nakita ko sya nung Charity Ball pero hindi ko sigurado kung sya nga yun" sabi nya at napayuko

Tumayo ako at tinapik sya sa balikat "Paniguradong may dahilan sya kung bakit ka nya iniwan. Kapag nagkakita kayo ulit, tanungin mo sya at siguradong magpapaliwanag sya" sabi ko at umalis na

A WEEK BEFORE THE CHARITY BALL

Bumuntong hininga ako at napangiti ng makita syang nakikipaglaro sa mga bata sa ampunan

Jamie Lalaine Chavez. Lincoln Marco's Spouse. They got married six years ago. Stayed for five years in Russia. Lexie Jane Bustamante's Mother

Lumabas ako ng kotse at nilapitan sya ng matapos syang makipaglaro sa mga bata. Napalingon naman sya sa direksyon ko at agad ko syang nginitian

"Hi" bati ko sa kanya "You're Jamie Lalaine Chavez, right?"

Natigilan sya at nagaalinlangan na tumango "How did you know my name?"

"I know everything" nakangising sabi ko at umupo sa bench. Naupo naman sya sa tabi ko at nanunuring tinignan ako

"Who are you?"

"Cyrille Genesis Angeles, call me Genesis. I'm Lucas Bustamante's girlfriend"

Muli syang natigilan ngunit agad ring nakabawi "How's L-lincoln? Si L-lexie? Are they okay?"

Hinubad ko ang shades ko "Yes. They are fine but..." nilingon ko sya "I need you to do something for me, Mrs. Bustamante"

"What is it?" biglang sumeryoso ang boses nya

Inabot ko ang papel na hawak ko sa kanya at binasa nya naman yun. Unti-unting nagbago ang reaksyon nya. Mula sa seryoso ay nabahiran ng galit ang mukha at mga mata nya

"Mariano and Ford. What do you want me to do?"

Ang mga Mariano at Ford ang pumatay sa Mommy nya. I play dirty. I know but this is the way.

"Eliminate them. We're gonna do it together"

"What's the plan?"

Nginitian ko sya. Gotcha!

PUMASOK kami sa sikretong kwarto sa opisina ko sa kompanya at pinakita sa kanya ang nabuo kong plano

"Magpapanggap ako?"

Tumango ako at nginitian sya "I need an actress for the show at ikaw yun. Hindi kita ipapahamak, wag kang magalala. This must be a crazy risky plan but may makakasama ka sa loob. Marami kayo dun sa totoo lang"

"And then?"

"Kukunin mo ang loob nila. Tandaan mo, magpapakidnap ako. Kung ano mang gagawin nila sakin dun sa loob, wag mong pipigilan. Just watch"

"Baliw ka ba?" nanlalaking mata na tanong nya

"Nope. I just need to do this"

JL CALLING...

Sinagot ko ang tawag at napangiti "Hey, JL"

(Natanggap ako. They don't know that I'm a Chavez)

"Good then. Be a good actress, JL. Kailangan natin ng tiwala nila. That bastards should be bury six feet underground for what they did to my parents"

"GENESIS! SINONG KAUSAP MO?!"

Pinatay ko ang tawag at pinower off ang cellphone ko. Pinikit ang mga mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto

"Tsk tsk. Tignan mo nangyari sayo, pasaway ka kasi eh"

Naku naku Antimony. OA ka talaga kahit kailan. Bahala ka dyan bwisit ka!

(Si Tita Anne ang traydor)

Sinasabi ko na nga ba eh "Nandyan sya?"

(Yes. They are having a meeting)

"Keep gathering information, JL"

(Nagbago ang plano. Ikaw na ang target)

Bumuntong hininga ako "Inaasahan ko na yan. Anong plano nila?"

(Kinadpin ka ulit)

Napatango ako "Edi magpapakidnap ako"

(Genesis! Baliw ka talaga!)

"Seryoso ako, JL. Kapag nakidnap ako may back-up plan naman tayo diba? Sundin mo nalang yun tapos saka natin patutumbahin. Bye"

Owned By The DevilWhere stories live. Discover now