Chapter 16

924 44 23
                                    

"BE MY girlfriend." napataas ang kilay ni Honey sa sinabi ng binata.

"Are you crazy?" Nangi-insultong aniya rito.

"Crazy over you." Napamaang siya sa sinabi nito.

Binanatan ba niya ako?

"A-anong sabi mo?" aniya.

"Wala. Sabi ko, you are my girlfriend for the whole week. That's final. Period." Ma-awtoridad na anito at tinalikuran siya.

"A-ano? H-hoy! Anong sabi mo? Ayoko! Hindi mo nga ako niligawan." Sigaw niya rito na animo'y teenager pa siya.

"Ligaw? Acting like a teenager? Huh?" anito.

"Baba--"

"Look, hindi ako nagreklamo ng gawin mo akong boyfriend mo kanina, tapos ngayon magrereklamo ka kapag sinabi ko sayong girlfriend kita. What am I saying is, take the consequence of what you have done earlier. Take the full responsibility, period." Natulala siya sa sinabi ng binata.

Boyfriend ko raw siya? Ayo--well, on my second thought, pogi naman siya. Boyfriend material. Choosy pa ba ako?

"Baby, we're going out later. Be ready." ani Kairus na ikinagulat niya.

"B-baby?" Gulat niyang tanong rito. Napalingon naman ito sa kaniya at naglakad palapit sa kaniya.

"Yeah, baby." Anito at dumukwang para bigyan siya ng halik. "Baby." Anito at umalis sa harap niya bago tumungo sa banyo.

"Baby?" Wala sa sariling saad sa sarili.

Hindi ko 'ata pagsisihan na magiging boyfriend ko siya.





"SAAN BA tayo pupunta?" Kanina pa niya ito tinatanong pero hindi siya nito sinasagot.

"Kairus!" Tawag niya rito.

"Mr.Camera Hater!" Tawag niya muli rito.

"Hey!"

"Hoy! Pansinin mo ako!" Aniya at hinampas pa ito.

"Kairus Hudson!" Tawag niya sa buong pangalan nito.

"Hey!" Naiinis na talaga siya. Hindi na niya alam ang itatawag rito. Pero may isa siyang naisip na itawag rito.

Itawag ko ba?

Huminga muna siya ng malalim bago lakas loob niyang tinawag muli ito.

"Baby?" Aniya.

"Yes, baby?" Agad lumukot ang mukha niya sa biglaang pagsagot nito.

Baby lang pala.

"Baby mo mukha mo!" Aniya at inirapan ito. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya rito pero hindi ito muli sumagot. Napairap muna siya bago ito muli tinawag. "Baby."

"Well, we're going to a place where we first met, baby." Anito, kasabay niyon ang paghinto ng sasakyan at nang tignan niya ang labas ay nakita niya ang restaurant na pamilyar na pamilyar sa kaniya.

Inalala niya kung saan niya nakita ang lugar na ito.

We're going to a place where we first met, baby. Agad siyang napatingin muli sa labas.

Eto ang lugar kung saan ninakawan niya ng litrato ang binata! Agad siyang humarap sa binata.

"Bakit dito? Anong gagawin natin dito?" tanong niya rito.

"Secret." Anito at bumaba, baba na rin sana siya pero pinagbuksan siya nito ng pinto.

Wow, gentledog.

Pumasok na sila sa restaurant, nang maka-upo sila ay agad na lumapit ang waiter sa kanila at kinuha ang order nila. Hinayaan niya na lamang ang binata sa pago-order habang siya ay maingat na binaba ang camera niya sa table.

Baka magka-gasgas ang baby ko.

"Bakit ingat na ingat ka naman sa camera mo?" Ani Kairus, di niya namalayan na tapos na pala ito mag-order.

"Baby ko kasi ito." Aniya at hinimas-himas ang camera niya.

"Baby? Ako lang ang baby mo. Basagin ko yan e." bulong nito na hindi niya narinig.

"Anong sabi mo?" tanong niya rito

"Nothing." Nagtaka siya dahil bigla na lamang nawalan ng emosyon ang tinig nito pero isiniwalang bahala niya na lamang iyon.

She set her camera and started to take photos of the beautiful scenery. Napaka-relaxing dito. Habang inililibot niya ang camera, biglang napahinto ang tutok ng camera niya sa harapan niya. Nakatutok ngayon sa binata ang camera niya. Kinuhaan niya ito kahit hindi nito alam.

Stolen shots for you baby.

"Stolen shots again? Really?" Nagulat siya sa biglaan nitong pagsasalita. Buong akala niya ay hindi nito alam na kinukuhaan niya ito ng litrato. Oh, how wrong she was. "Lagi na lang stolen shots. Pwede mo naman akong utusan kung anong gagawin kong pose. Kaya ko pang ipakita ang hubad kong katawan." Napangiwi siya sa sinabi nito.

"Ang halay mo!" Sigaw niya rito. "Akala ko ba ayaw mo sa camera? Bakit kinuha mo ako ngayon?" Tanong niya rito.

"I have my own reason." Anito. Tatanungin sana niya ang rason nito pero dumating na ang order nila.

Nang maayos na niya ang kakainin nila ay nagumpisa na silang kumain. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng may naglagay ng ulam sa plato niya.

"Eat that." Lihim siyang napangiti sa ginawa nito.

Sweet naman. Kina-career niya talaga ang pagiging boyfriend ko ah. Pero para sa akin gentledog pa rin siya!

----------------GimmieFries-----------------

Captured Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon