Chapter 43

661 29 5
                                        

"M-MAMA?" Gulat na ani Honey.

Nagulat talaga siya dahil sa biglaang pagkikita nila ng ina. Minsan lamang ito umuwi ng Pilipinas, kapag naman uuwi ito ay talaga namang may importante itong gagawin sa bansa.

"Honey, my dear! Why you look so shock? Am i really that beautiful?" Ani ng kaniyang ina habang naglalakad palapit sa kaniya.

"Shì de, wǒ hěn zhènjīng, shénm--"

"Cut that, Honey! Your Papa is not around, so cut that Chinese words of yours. My mind will blow out again." Anito habang kinukumpas-kumpas ang kamay nito at naglalakad palapit sa kaniya.

Nang makalapit ito sa kaniya ay agad siya nitong niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Why don't you study Chinese Language?" Tanong niya sa ina ng bitawan siya nito.

"I just don't want to, but i know a little, that's because your father keeps on pushing me to study that comma Chinese words."

"Comma? Why comma?" Natatawa niyang tanong sa ina.

"I'm just stating the fact, that Chinese people's letters were all made of comma in different directions. Am i right girls?" Anito at parang kinakasabwat ang mga kaibigan niya na ngayon ay katabi na pala nila.

"Yes, Tita is right, tsina." Ani Lyka.

"Yes, yes. Your letters is full of commas. Like, what the heck?" Maarting sangayon naman ni Denice.

Naiiling na nilampasan niya na lamang ang mga ito at nagtungo sa sala.

"Ano ang nangyari at bigla kang napauwi rito sa Pilipinas Mamá?" Tanong at umupo sa sofa.

"Because i want to tell you something interesting!" Sabik itong tumakbo palapit sa kaniya at umupo pa sa tabi niya.

"Interesting? Pwede naman itawag mo na lang iyan sa akin."

"No! This isn't just a simple thing, my dear." Anito.

"Okay? Tell me what is it?"

"Guess what." Pinigilan ni Honeg 'wag mapairap sa harap ng ina.

"What?" Walang buhay niyang tanong.

Dumating naman ang mga kaibigan niya sa sala. Habang naglalakad paupo sa sofa ay nakayuko at hindi tumitingin sa kaniya.

That's a little bit weird.

"I already found a man for you, my dear!" Malalaking mata na napatingin siya sa ina.

"Mama! Ano ba an--"

"Why? You are a certified no boyfriend since birth, my dear. I always wanted you to have a boyfriend but it didn't happen, even just once, so I'm the one who will move for you, my de-"

"Mamá, sa'yo--"

"Why? Is there any problem."

"But Ma--"

"What?" Putol muli ng ina niya sa kaniya.

Napapikit na lamang siya at napabuntong-hininga. Hindi niya inaasahan na ganito niya kabilis maamin sa ina ang pagkakaroon niya ng nobyo.

"I already have a boyfriend, Ma." Pagtatapat niya rito.

Nakatitig lamang ang ina niya sa kaniya na para bang sinusuri siya nito. Handa na sana siya magpaliwanag ngunit laking gulat niya ng bigla itong nagpakawala ng malalakas na tawa.

"Hey, why are you laughing?" Tanong niya rito.

"That was epic!" Anito na patuloy pa rin sa pagtawa.

"Ma! Would you please stop laughing?!" Sigaw niya sa ina dahilan para mapatigil ito sa pagtawa, ngunit kita naman niya ang pagpipigil nito.

"Honey, my dear. I already knew that you have a boyfriend. I just wanted you to confess right in front of me." Napatanga si Honey sa sinabi ng ina.

"P-paano m---" wala sa sariling napadako ang tingin niya sa dalawa niyang kaibigan na ngayon ay nakayuko at hindi makatingin sa kaniya. Napahilot na lamang siya sa kaniyang sintido.

Ah! Nakita pala nila ang nangyari kaninang umaga!

"Alam mo na pala e. So, hindi ka talaga umuwi para ipakilala ako sa isang lalaki?" She asked.

"Nope. I really have a man for you, but since you have now your boyfriend, i have to support you Honey, my dear." Napangiti si Honey sa sinabi ng ina at handa na sanang kausapin itong muli ng tumunog ang telepono nito. Tinignan iyon ng kaniyang ina, "oh? I'll just take this call." Anito at tumayo at naglakad palayo sa kanila.

Nang makaalis ang ina ay agad napadako ang masama niya'ng tingin sa dalawa niya'ng kaibigan.

"Kayo ba ang may boyfriend para kayo ang magsab---"

"H'wag mo kaming ganyanin tsina! May kasalanan ka rin! Hindi mo sinabing may boyfriend ka na! Nakakatampo ka!" Ani Lyka.

"Pero hindi pa rin tama na kayo ang magsabi kay Mama--"

"Edi quits na us!" Ani Denice.

Napahilot na lamang siya sa kaniyang sintido at tumayo na upang sana ay magtungo sa kaniyang kwarto nang bigla siyang itulak ni Lyla paupo muli.

"Hoy bee, you pala ang girl na sobrang nagpapa-curious sa akin ha! Di mo si-nay na, nabihag mo ang mag-cousin sa super singkit mong eyes." Ani Denice.

"Bahala nga kayo riyan!" Aniya at tumayo na.

"Wait lang Tsina! May tanong ako sayo!" Pigil sa kaniya ni Denice dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.

"Ano? Bilis! Matutulog na ak--"

"Alam mo bang naisip ko na bagay talaga ang lahi mo sayo. Dahil sa ginawa mong pagbihag sa magpinsan, isa lang ang masasabi ko na may koneksyon sa lahi mo." Ani Lyka.

"Ano naman iyon?" Nakakrus ang braso sa harap ng dibdib niya'ñng tanong.

"Edi, china all!" Anito at tumawa pa, sinabayan pa ito ng Denice sa pagtawa.

"Tigilan mo nga ako Lyka!" Aniya at handa na sanang maglakad muli ng tawagin na naman siya ni Denice.

"Bee! Me rin! Me rin!"

"Umayos ka Denice ah!" Pagbabanta niya.

"Anong called sayo, if mantika ka at nabihag mo ang mag-cousin" Tanong nito. Napaisip si Honey sa tanong nito.

"Ano?" Tanong niya.

"Edi, China oil!!" Anito at tumawa, sinabayan pa ni Lyka.

Naiinis na kumuha siya ng unan sa may sofa at ibinato sa dalawang kaibigan, and they ended up on pillow fight that night.

My friends. I'm to have them. Kahit mga gaga sila.

----------------GimmieFries-----------------

Captured Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon