MADILIM ang mukha na pumasok si Kairus sa kaniyang kotse. Galit pa rin siya sa pinsan niya. Gusto niya ilabas ang galit niya ngunit hindi niya alam kung kanino. Naggigil na sinuntok ni Kairus ang manibela ng kotse niya.
"Damn you Paul!" Patuloy lamang siya sa pagmura at pasuntok sa manibela na para ba'ng pinsan niya iyon.
Napatigil lamang siya ng tumunog ang kaniya'ng cellphone hudyat na may message na dumating. His mood immediately lighten up and his lips automatically crept a little sweet smile when he saw who's the person behind those message.
Its his baby.
From: My Chinese baby<3
'Baby, sorry ngayon lang ako nakapag-message. Kinuha kasi ni boss ang phone ko. Sorry din hindi ako nakapunta sa lunch natin, hindi kasi ako pinalabas ni manong guard e. Babawi ako promise <3'
Kinagat ni Kairus ang ibabang labi ng makita ang text emoji ni Honey. It's a kissing text emoji. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya kahit na mas lalong nagalit siya kay Paul ng malamang gumawa talaga ito ng paraan para hindi sila magkita.
Kinalma niya muna ang sarili at inalala ang masayang ngiti ng dalaga na nagpagaan sa kaniyang loob. Napabuntong hininga siya at minaobra ang sasakyan. Napagawi pa ang kaniyang tingin kay Paul na ngayon ay nakatayo na muli mula ng suntukin niya ito.
That's what you've got for trying separate me and my baby.
Minaneho niya na ang kaniyang sasakyan patungo sa kung saan.
I need to see my baby.
NAALIMPUNGATAN si Honey ng may narinig siyang pagsigaw mula sa labas. Boses iyon ni Lyka. Agad siyang tumayo at tumakbo palabas. Muntik pa siyang nadapa dahil sa pagmamadali. Nakatulog kasi siya pagkatapos niyang magmessage sa binata ay nakaidlip siya.
"Ahh! Sino ka!? Anong ginagawa mo rito?! Tatawag ako ng pulis! Ahh! Tulong! Tulo--"
"Damn woman! Could you please shut up!" Agad nataranta si Honey nang makarinig siya ng boses ng lalaki.
Akyat-bahay? Ah!
"Lyka! Sino 'yan? Ah! Akya--"
"Baby." Natigil si Honey sa pagsisigaw ng marinig ang pamiyar na baritong tinig. Napatingin siya rito.
"Baby? Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong niya sa binata.
"Baby? Magkakilala kayo?" Anang boses ni Lyka.
Hindi niya pinansin ang kaibigan dahil pinagmasdan niya ang mukha ng binata. Halata sa mukha nito ang pagod na iniinda nito at nakita niya ang kung anong kislap sa mata nito na nagpakirot sa kaniyang puso.
What the hell happened?
She gave Kairus a knowing look, agad naman iyon naintindihan ng binata kaya nagsalita ito.
"I need you right now, baby." Anito na may pagsusumamo sa tinig.
She spread her arms like she's inviting him for a hug. He immediately walk towards her.
"Hoy! S-saan ka p-pupunta? Trespassing ang gin-- hoy! Bakit mo niyayakap si tsina?! Harassment 'yang ginaga--"
"Lyka, kilala ko siya." Pagpuputol ni Honey sa sinasabi ni Lyka bago hilain ang binata patungo sa kaniyang k'warto.
"H-ha? Paano? K-kilala mo siya? Hoy! S-saglit lang! Kinakausap pa kita! Tsina! Sino ang lalaking iyan? Tsina! Honey!" Patuloy lamang sa pagsigaw si Lyka ngunit hindi siya pinansin ni Honey.
Patuloy lamang sila sa paglakad hanggang makarating sila sa kaniyang kwarto. Inalalayan niya ito sa pagupo sa kama niya. Nang makaupo na ito ay siya naman ang umupo sa tabi nito. Tatanungin niya sana ito kung ano ang problema ng bigla itong humiga sa hita niya na ikinasinghap niya.
BINABASA MO ANG
Captured Hearts (On-going)
Romansa|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Ang pag-ibig ay katulad lamang din ng isang kamera. Sa isang pindot mo lang, titigil ang oras sa loob ng larawan na nakuha mo. Sa pag-ibig, kapag nakita mo na ang minamahal mo, titigil ang mundo mo. Sa k...