FROM: MY Fotografizophia baby♡
'Goodmorning baby, wait me up. I'll be there in a minute, muah <3.'
Natawa si Honey dahil sa message sa kaniya ni Kairus. Mas natawa siya lalo ng makita ang kajejemon-ang emoticon ng binata.
"Baliw na talaga siya." Aniya sa sarili habang nagto-toothbrush at nasa kabilang kamay ang cellphone.
Tinigil niya ang pagsesepilyo at rereplyan sana ang binata ng tumunog muli ang cellphone niya.
From: Conyo Denice (--_--)
'Bee! I know na nasa condo na you, shh ka lang to Lyka bungangera ah! Don't tell her na na-saw mo ako sa Bohol. Mate-tegi kasi me e.'
Natawa na lamang siya at hindi nireplyan ang kaibigan. Paano niya kaya siya magsisinungaling kay Lyka na hindi niya nakita si Denice sa Bohol? 'E nadulas na siya kahapon, pagkauwing pagkauwi niya.
"Ako inutusan mo'ng maglihim, alam mo namang galit sa mga sinungaling ang kaibigan mong iyon." Nababaliw na ani niya sa sarili habang nakatingin sa cellphone niya na para ba'ng si Denice iyon.
Napailing na lamang siya at hindi nireplyan ang kaibigan, sa halip ay si Kairus ang nireplyan niya.
To: My Fotografizophia baby♡
'Bilisan mo, ayaw ko ang pinaghihintay ako.'
She typed and enter the send button. Wala pang isang minuto ay tumunog muli ang cellphone niya at ng tignan niya iyon ay ang binata iyon.
"Priority ako? Tsk. Ang aga aga pinapakilig ako ng gagong 'to."
From: My Fotografizophia baby♡
'I'm already here, come here faster baby. I already miss you <3.'
"Hala! Totoo? Hindi pa ako nakakapagbihis e!" Reklamo niya.
Nagmumog muna siya bago tumakbo pagtungo sa kaniya'ng closet upang kumuha ng maisusuot. Buti na lamang ay ligo na siya.
She wore a simple plain white shirt and paired it with black denim shorts. Pinatungan niya ng sleeveless denim jacket ang suot. And then she fix her camera and put it on its bag. She put a little make up to look presentable before going to her shoe rack and pick a white balenciaga shoes. Napakamahal kaya ng sapatos na iyon. Ilang buwan niya rin sweldo ang pinanggastos niya roon.
Nang maayos ang sarili ay tumingin siya sa human size mirror. She fix her hair into ponytail style. When she's done doing that, she picked her bag and the bag of her camera.
Lumabas na siya sa kwarto at doon niya naabutan si Lyka na naga-almusal.
"Oh? Tsina? Aalis ka na? Ang aga mo 'ata? Wait lang hinta--"
"May sundo ako, kaya mauuna na ako. Bye!" Paalam niya sa kaibigan at dali daling lumabas na ng condo unit.
Alam niyang tatanungin na naman siya ng kaibigan ng napakaraming tanong bago siya nito paaalisin. Kaya habang maaga ay iiwan na niya ito upang h'wag na humaba ang usapan.
Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas siya ng condominium building nila. Buong akala niya ay hahanapin pa niya ang binata ngunit nagkakamali siya.
She immediately saw Kairus laying back at the hood of his car with crossed arms. He even wearing a shades making him looked so damn hot. His aura is strong too, especially when it comes to women. Nakikita niya ang mga babaeng napapadaan at lumalabas sa condominium nila na nakatingin sa bianata.
Tsk. Dukutin ko mga mata niyo e.
Agad siya'ng naglakad patungo sa binata. Habang papalapit siya ay napatingin sa kaniya ang binata habang suot nito ang mapangakit nitong mga ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/240495397-288-k724484.jpg)
BINABASA MO ANG
Captured Hearts (On-going)
Romance|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Ang pag-ibig ay katulad lamang din ng isang kamera. Sa isang pindot mo lang, titigil ang oras sa loob ng larawan na nakuha mo. Sa pag-ibig, kapag nakita mo na ang minamahal mo, titigil ang mundo mo. Sa k...