Chapter 33

767 33 6
                                    

SINULIT NILA ang mga araw na natitira habang nasa Bohol sila. Noong araw na nagaway sila dahil nagselos ang binata ay pumunta lamang sila sa iba't ibang lugar sa Bohol gamit lamang ang sasakyan ng binata. Hindi sila lumabas. Hanggang sa napagod sila kakalibot at umuwi na sila.

Ganoon pa rin ang nangyari ng mga sumunod na araw. Lilibot sila gamit ang sasakyan ng binata hanggang sa mapagod sila, doon na nga rin sila sa loob ng sasakyan kumakain.

Pero ngayong araw na ang huling araw nila sa Bohol. Kaya hangga't maaari ay gusto na talaga ni Honey masulit ang huling araw nila. Pinilit niya ang sariling maglakad. Medyo okay na rin naman ang pakiramdam ng pagkababae niya. Sinusumpong lamang ito ng kirot paminsan minsan. Pasalamat na rin siya dahil hinayaan ni Kairus magpahingaang pagkababae niya.

Kasalukuyang minamaneho ng binatang nasa tabi niya ang golf cart na sinasakyan nila patungo sa golf field. Naisipan kasi nilang mag-golf, 'eto ang gagawin nila para hindi siya masyado maglakad. At least naman daw ay mae-enjoy pa rin nila.

"Hindi ko mae-enjoy ang pag-go-golf." Reklamo niya.

"Why?" Tanong ng binata habang nasa harap pa rin ang tingin pero pagsulyap-sulyap sa kaniya.

"Hindi ako marunong mag-golf. Paano ko maeenjoy 'yon?"

"I'll teach you. Tinuruan nga kita paano subuin ang lollipop ko pag-go-golf pa kaya." Pilyong anito.

"Gago ka talaga!" Aniya at pilit tinatago sa binata ang namumula niyang mukha.

"Hey, are you blush--"

"Manahimik ka nga! Gago ka talaga!" Sigaw niya sa binata dahilan para tumawa ito.

"Gwapo ako."

"Tsk."

Hindi na niya kinausap ang binata hanggang sa makarating sila sa field. Bumaba na sila, habang naglalakad siya ay kinakalikot niya ang kamera na nasa leeg niya. Nais niyang kumuha ng litrato lalo na at maganda ang pagkakadesenyo sa golf field na kinalulugdan nila ngayon.

"Can you please put your camera down? Hawak mo na 'yan buong araw, hindi ka pa rin ba nagsasawa?" Reklamo ng lalaking katabi niya na siyang may bitbit ng golf bag nila.

"Bakit? Selos ka na naman sa baby ko. Lahat nalang pin--"

"I told you, your baby is only me. If you called that camera of yours baby again, in just a snap i will crash that camera of yours." Anito.

Hindi man lang siya nakaramdam ng galit sa halip ay kinilig pa nga siya.

"H'wag ka na magalit! Eto na bibitawan ko na oh." Aniya at binitawan ang kamera bago umangkla sa braso ng binata upang maglambing.

"Fine, kiss me first." Nahampas niya ang binata sa braso dahil sa sinabi nito. Tumawa lamang ang binata.

"Gago ka talaga."

"Why? Asan na ang kiss ko?" Inirapan niya ang binata at nilampasan na.

"Bahala ka diyan. Ikiss mo sarili mo!" Aniya at hinablot ang golf bag na nasa balikat nito bago naglalakad palayo sa binata.

"Hey!" Sigaw nito ngunit hindi niya nilingon ang binata sa halip ay inilabas niya na lamang ang gagamitin nila para sa laro nila ng binata.

"Hey, anong ginagawa mo?" Tanong nito ng makalapit sa kaniya.

"Nagaayos?" She sarcastically said.

"Do you know what are you doing?" Napangat ng tingin ang dalaga.

"Oo naman!" Buong pagmamalaki niyang ani.

"I thought you don't know how to play golf?" He asked.

Captured Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon