BUONG maghapon nakasimangot si Honey dahil hindi niya nakausap o nakita ang binata ng hapon na iyon. Siguradong galit na ang binata ng mga oras na ito dahil hindi man lang siya nakapag-message dito dahil kinuha nga ng hinayupak niyang boss ang cellphone niya. Manghihiram sana siya ng cellphone sa mga katrabaho niya ngunit naalala niya'ng hindi pala niya memoryado ang numero ng binata.
Bwisit!
Buong maghapon lang siyang nagtrabaho habang nakasimangot, gusto niya ng maguwian dahil umaasa siyang baka hininihintay siya ng binata para sunduin o siya na lamang ang pupunta sa opisina nito para humingi ng tawad dahil sa hindi pagsipot kanina.
Ganoon na lamang ang saya sa puso ni Honey ng mag-ala-sais na at uwian na niya. Agad niyang niligpit ang gamit bago lumabas ng kaniyang department at tumakbo pababa ng building.
Lakad takbo ang ginawa niya dahil sabik na siyang makita ang binata na buong maghapon niyang hindi nakasama. How she missed him...
Nang makalabas ng building ay agad hinanap ng dalaga ang sasakyan ng binata. Ganoon na lamang ang pagbagsak ng balikat niya ng hindi niya iyon nakita.
"Hihintayin ko na lang siya. Baka late lang" pagkausap niya sa kaniya'ng sarili.
Naghintay ng ilang sandali roon si Honey at dahil ilang minuto na siyang naghihintay ay walang Kairus na dumating. Naisipan niya na lamang umalis na at magtungo sa opisina ng binata. Maglalakad na sana siya ng may sasakyang huminto sa harap niya. Napakunot noo siya dahil kilala niya ang may-ari ng sasakyang nasa harap niya.
"Boss?" Kasabay niyon ay ang pagbaba ng bintana ng sasakyan at bumungad sa kaniya ang mukha ng boss niya.
"Goodevening, Ms.Lao. Why you're still here? Your working time is done, right?" Anito na nasa loob pa rin ng sasakyan.
"Goodevening din boss. Aalis na rin po a--"
"I'll drive you home."
Ayoko!
"Hindi na po, kaya ko--"
"Ms.Lao."
"May hinihi--"
"Hop--"
"Okay lang po talaga. Mag pupuntahan pa po ak--"
"Could you just hop in? You're making me angry again, Ms. Lao!" Napaigtad si Honey sa pagsigaw ng boss niya na umalingawngaw sa paligid, bahagya pa siyang napa-atras.
"O-opo." Utal niyang ani at napipilitan na lamang pumasok ng sasakyan nito.
Agad nitong pinaharurot ang sasakyan paalis. Nakakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Walang sinuman ang nagbadyang basagin ang katahimikan hanggang sa makarating sila sa kaniyang condominium building. Napakunot ang noo niya.
Paano niya nalaman na dito ako nakatira?
"Here's your phone. Don't you ever use that during working time again." Anito na nakapagpabalik sa kaniya'ng ulirat.
"O-opo, thank you, boss." Aniya at kinuha ang nilahad nitong cellphone niya. "Sige po, baba na po a--"
"And you are also not allowed to go out when its time for your lunchbreak. You're only allowed to go out when you are with me." Anito na ikinagulat niya. Si Kairus ang gusto niyang kasabay!
"But bos--"
"No buts."
"Bos--"
"You may now go, Ms. Lao. I won't accept your complains, my decision is final." May diing saad nito.

BINABASA MO ANG
Captured Hearts (On-going)
Romance|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Ang pag-ibig ay katulad lamang din ng isang kamera. Sa isang pindot mo lang, titigil ang oras sa loob ng larawan na nakuha mo. Sa pag-ibig, kapag nakita mo na ang minamahal mo, titigil ang mundo mo. Sa k...