"HEY, Honeypie.. Talk to me, please..." anang nagmamakaawang tinig ng isang batang lalaking nakikiusap na kausapin na siya ng batang Honey.
"Ayo'ko! I hate you! Lagi mo nalang ako inaasar!" Pagmamaktol ng batang Honey.
"Sorry na nga e. Binibiro lang kita." Paghingi nito ng tawad.
"Binibiro? E lagi mo nga iyon ginagawa!"
"Kaya nga sorry na, pansinin mo na ako. Bati na tayo. Please."
"Ayaw ko."
"Please..."
"Aya--"
"Bee! Why ang arti you naman! Nagsosorry na nga to you si Paul e. Why don't you forgive him na?" Anang tinig ng batang Denice.
"E ayo'ko e. Hindi kami ba--"
"Tsina! Manahimik ka nga riyan. Isusumbong kita kay tita kapag hindi mo pinansin si Pau---"
"Paul!" Napatingin si ang batang Honey sa sumigaw.
Isang grupo ng mga batang lalaki ang naglalakad patungo sa kanilang direksyon nila. Kung saan sila nakatayo. Tatlo ang mga batang lalaking palapit. May mga itsura ang mga ito ngunit sa isang lalaki lamang napako ang tingin niya. Sa batang lalaki na nasa gitna.
'Ang cute niya naman.' Puri ng batang Honey sa kaniyang isipan habang nakatingin sa lalaking hindi niya kilala.
May kakaibang naramadaman ang batang Honey sa kaniyang tiyan na para bang paru-paru ng lumapit ito sa kaniya.
'Bakit siya lumalapit sa akin?'
Tatanungin sana ng batang Honey ang lalaki ng bigla nitong kinausap si Paul.
"Auntie was calling you Paul. Kanina ka pa niya hinahanap. I'm pretty sure that Auntie will scold you again." Anang batang lalaki.
Napayuko ang batang Honey dahil sa hiya.
'Akala ko ako ang nilapitan niya.'
"Gano'n ba?" Ani batang Paul bago hinarap ang batang Honey. "Honeypie, kailangan ko ng umalis. Sorry ulit ha? Bati na tayo ha?" Pagpupumilit ng batang Paul.
Ngunit hindi nakatingin ang batang Honey kay Paul, sa lalaking katabi nito na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya.
'Ang cute niya talaga.'
"Honeypie!"
"H-huh?" Lutang na ani ng batang Honey.
"Sabi ko bati na tayo. Aalis na din ako kasi sabi ni Couz, tinatawag na ako ni Mommy." Bigay alam ng batang Paul sa batang si Honey.
"Okay lang. Sige, bati na tayo." Dahil sa sinabi ng batang Honey ay nakita nito ang pagliwanag ng mukha ng batang si Paul.
"Talaga? Yehey! Bati na kami!" Masigla nitong ani. "Sige na, aalis na kami. Laro tayo ulit bukas ah? Ba-bye!" Paalam nito.
"Ba-bye!" Nagulat ang batang Honey ng bigla siyang yakapin ng batang Paul, at dahil bata pa siya, hindi siya nagisip ng kung ano-ano.
Umalis na ang mga batang lalaki ngunit ang tingin ng batang si Honey ay nasa batang lalaking hindi niya nalaman ang pangalan.
'Ang cute niya..'
"May pinsan pala si Paul?" Anang tinig ng batang Lyka.
"Huh? Sino nagsabi?" Tanong naman ng batang Honey.
![](https://img.wattpad.com/cover/240495397-288-k724484.jpg)
BINABASA MO ANG
Captured Hearts (On-going)
Romance|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Ang pag-ibig ay katulad lamang din ng isang kamera. Sa isang pindot mo lang, titigil ang oras sa loob ng larawan na nakuha mo. Sa pag-ibig, kapag nakita mo na ang minamahal mo, titigil ang mundo mo. Sa k...