Chapter 23

777 39 10
                                    


NAPASIMANGOT SI Honey ng ibaba siya ni Kairus ng makapasok sila sa loob ng light house. Hindi pa nga sila nagsisimulang umakyat pataas pero binaba na siya nito.

"Bakit mo ako binaba? Kargahin mo ako hanggang sa makarating tayo sa itaas." She demanded.

"Wait up, ang bigat mo." Napataas ang kilay niya sa sinabi ng binata.

"For your information, sexy ako. I know to myself that I'm not heavy. Mahina ka lang talaga." Aniya at inirapan ang binata.

Tinalikuran niya ito at nagsimula ng umakyat sa hagdan. Kasinungalingan lahat ang sinabi niya sa binata. Ang totoo n'yan, alam talaga niya sa sarili niya na mabigat siya kahit sexy siya, ayaw niya lamang unamin dito dahil nahihiya siya.

As if hahayaan ko ang sariling kong mapahiya.

Nagsimula na siyang umakyat at ramdam niya ang presesya ng binata sa likuran niya. Nang ihakbang niya ang isa niyang paa sa hagdanan ay nawalan siya ng balanse kaya napahiyaw siya.

Napapikit na lamang siya at hinintay ang pagbagsak at paggulong niya sa hagdan ngunit ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nahuhulog kaya napamulat siya.

Doon niya nakita si Kairus na naka-kapit sa magkabilang braso niya na sinalo siya mula sa muntik niya pagkakahulog. Tumikhim siya at tinuwid ang tayo, ngunit nakahawak pa din ang binata sa kaniya upang alalayan siya. Iwinaksi niya ang kamay nito na nasa braso niya at binigyan ito ng matalim na tingin.

"Galit ako sa'yo!" Sigaw niya rito at tinalikuran ito bago simulan muli ang pag-akyat.

Hakbang lamang siya ng hakbang hanggang sa makaramdam siya ng pagod. Tumingin siya sa itaas kung hanggang saan pa ba ang aakyatin nila. Ganun na lamang ang pagkabigla niya ng wala pa sila sa kalahati ngunit pagod na siya.

"Ang taas naman nito, pagod na ako." Reklamo niya.

She stayed on there and rested her back at the staircase holder. She look at Kairus only to find out that he was staring at her.

"Baka matunaw ako sa titig mo" aniya sa binata.

Mukha namang natauhan ito at nagsimula muli sa pag-akyat. Buong akala niya ay lalampasan siya nito at iiwan pero hindi, how wrong she was?

Sa halip na iwan siya ay umupo ito na nakatalikod sa harap niya. Kaharap niya na ngayon ang maskuladong likod nito. Napakunot noong tinanong niya ito.

"Anong ginagawa mo? Pagod ka na rin?" She asked.

"Sakay." Maikling tugon nito.

"Ano?"

"Hop in my back."

"Ano? Anong s--"

"Damn woman! Sumakay ka--"

"Bakit mo ako sinisigawan!?" Singhal niya sa binata.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito bago siya malambing na kinausap muli.

"I'll carry you at my back, baby. Come on." Malambing nitong ani.

"Akala ko ba mabigat ako, bakit mo ako bubuhatin ngayon?"pagmamaktol niya.

"Because you're tired. I don't want to see my Chinese girl tired." Napakagat labi siya upang pigilan ang pagngiti sa sinabi ng binata.

Kinilig ako, onti lang.

"Sige na nga, mapilit ka e." Aniya at sumakay na sa likod nito.

She wrapped her arms around his neck, he stood up and slowly walk upward the staircase. He hold her two legs and wrapped it on his waist. Hinubad niya ang kamerang nakasuot sa leeg niya at isinuot iyon sa binata.

Captured Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon