"PA-SECRET secret ka pa, dito mo lang naman pala ako dadalhin." Ani Honey ng makita niya kung saan siya dinala ni Kairus.
Nagsisinungaling lang naman siya. Ang totoo talaga n'yan ay nagandahan talaga siya sa magarang restaurant na pinagdalhan sa kaniya ng binata. Ayaw niya lamang aminin rito, baka kasi lumaki ang ulo.
Neknek niya 'no!
"Okay." Napataas ang kilay niya sa simpleng sagot na iyon ng binata.
'Yon lang? Okay lang ang sagot niya? E nilait ko nga siya.
Iginiya na siya ng binata papasok sa loob. Habang naglalakad sila ay hindi niya mapigilang magtaka.
"Saan ba tayo pupunta? Eto na ang mga upuan oh. Bakit hindi pa tayo umupo? Nagu--"
"Shh.. just wait." Anito sa kaniya.
"Hoy! 'Wag mo akong ma-shh-shh diyan ah. Wala kang karapatang putulin ang sasabihin ko. Ang ka---"
Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla na lamang siya nitong hinalikan. Malalaking matang tinulak niya ito.
Bakit dito? Ang daming tao. Mamaya nalang sa hotel!
Napailing si Honey sa kalandiang pumasok sa kaniyang isipan.
"Why did you pushed me?" Madilim ang mukhang tanong ni Kairus sa kaniya.
"B-bakit kasi dito? P-pwede naman mamaya sa h-hotel. Madaming tao rito." Utal na ani niya.
Biglang umaliwalas ang mukha ni Kairus sa sinabi niya. Ang kaninang madilim nitong mukha bigla na lamang lumiwanag. Inakbayan siya nito at iginiya siya papuntang elevator.
"Nadaan mo ako sa sinabi mong sa hotel na lang natin gawin. But I'm still mad at you. Aren't you proud of me? I'm your boyfrie--"
"Correction, one week boyfriend." Putol niya rito. Dahilan para dumilim muli ang mukha nito.
"Okay, one week relationship then. Can you please be proud for our one week relationship? Kasi ako, I'm proud of you. Even though we only have a week, I can shout in the whole city that you are my girlfriend. How about me? Aren't you proud of me? Am i not worth it as your boyfri--" pinutol niya ang sasabihin nito sa pamamagitan ng paghalik sa binata. Agad din naman niyang pinutol ang halik na iyon.
"Shut up. Of course I'm proud of you--in our relationship. Even though its just one week, nahihiya lang ako ipakita kasi nasa public place tayo." Aniya rito na nakatingin ng diretso sa mga mata ng binata.
"So hindi ka na mahihiya kapag nasa private place na tayo? Gano'n ba 'yon?" Anito na may makikitang kapilyuhan sa tinig.
"Gago!"
"Gwapo."
Napairap na lamang siya sa sinabi nito. Nang makapasok sila sa elevator ay agad nitong pinindot ang rooftop floor. Nakakunot ang noo niyang tinignan ang binata.
"Sa rooftop?" Takang tanong niya rito na sinuklian lamang nito ng makahulugang ngiti.
Ano na naman ang binabalak ng gagong 'to?
Hindi na siya muling nagtanong, sa halip ay tinignan niya na lamang ang kamerang nakasukbit sa leeg niya. Tinignan niya ang larawan nila ng binata kaninang umaga at kahapon ng nasa chocolate hills sila.
"Ang pangit ko talaga rito. Hindi ko alam kung pangit ba talaga ako sa picture na 'to o pangit ka talagang kumuha ng picture." Aniya sa katabi habang nasa kamera niya pa rin ang tingin niya.
"H'wag ka mag-alala, pangit ka man sa harap ng kamera o sa mata ng iba. Basta para sa akin, pangit ka rin." Anito at binuntutan pa iyon ng tawa. Pinaningkitan niya ito ng singkit niyang mata.

BINABASA MO ANG
Captured Hearts (On-going)
Romance|WARNING: SPG| R-18 | MATURE CONTENT INSIDE| Ang pag-ibig ay katulad lamang din ng isang kamera. Sa isang pindot mo lang, titigil ang oras sa loob ng larawan na nakuha mo. Sa pag-ibig, kapag nakita mo na ang minamahal mo, titigil ang mundo mo. Sa k...