Chapter 12
Happiness
"Ano ba, tinatanong kita, Dia! Puro ka iling at tango!" iritadong sabi ni Pyeona.
Tumaas nang sabay ang dalawang kilay ko dahil sa singhal n'ya. Nagtatakang tiningnan ko siya at tinanong.
"Bakit ka ba kasi nagagalit?" nakangiwing tanong ko.
She turned her back at me and keep herself busy, hindi ako nililingon. Napanguso ako sa inasta n'ya, kasalanan ko ba na nagtanong siya sa akin ng mga oras na lutang ako at may iniisip?
I looked at the basket that I am holding, napangiwi nang makitang wala pa pala iyong laman bukod sa makapal na bond paper at isang set ng lapis.
"Pyo, patingin nga niyang mga binili mo," I poked her shoulder.
Irita siyang humarap sa akin at pinakita ang basket na hawak n'ya. Malapit na iyong mapuno ng mga gamit na pinamili n'ya. Alanganin akong ngumiti sa kan'ya at tumalikod din pagkatapos.
"Ano ba 'yan, ganoon ba ako katagal nag daydream?" mahinang tanong ko sa aking sarili.
I looked outside, maraming tao ang nasa labas nitong shop at naglalakad. Today is Monday, at hanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa nangyari kagabi.
We had our first date after two years of ghosting! Gusto kong sumigaw dahil sa kilig pero parang ang OA naman ata noon.
Hinila lamang naman ako ni Pyeona rito sa isang shop para sa mga archi and engineering students. Mabuti na lamang at nandito ata ang lahat ng gamit na kakailanganin namin sa pasukan.
I placed the scaler ruler in my basket, nandoon na rin ang tracing paper na lubos na kailangan ko. Lahat ata ng makita kong material na alam kong gagamitin ko ay inilagay ko doon.
"Tapos kana ba, Dia?" Pyo asks.
Compared kanina mas maganda na ata ang mood n'ya, hindi na kasi mataray ang tabas ng mukha n'ya. At maayos na rin ang pagkakatanong niya sa akin.
"Ahm, parang may nakalimutan pa ako, eh." I bit my lower lip, trying to remember what it is.
"Ano naman 'yon? Sa tagal mong namili may nakalimutan ka pa?" she asked calmly.
"Ayon! T-squre! " I exclaimed.
Dinala niya ako sa helera ng mga rulers, marami sized doon. Sa huli ay isang 36 inches T-square ruler ang kinuha ko. Kumuha na rin ako ng dalawa pang sizes para naman sigurado na rin.
"Matulog ka ulit sa bahay namin mamaya, Dia." she said, almost beaming.
Natigil ako sa paghakbang, nagda dalawang isip kung papayag sa gusto n'ya or hindi. Tinignan niya ako nang nagtataka bago inirapan.
"Hindi pwede, Pyeona. Alam mo naman si Daddy, pinayagan lang ako noon kagabi kasi tinawagan siya ni Tita." kunwari ay malungkot na sabi ko.
Dylan texted me earlier that he would call me. At alam ko na kapag nalaman ni Pyeona iyon ay pipigilan niya ako at pilit na ipapamulat sa akin ang katotohanan.
I don't want to wake up from my fantasies yet, gusto ko munang ienjoy ang kung anong meroon kami ni Dylan. No label but still committed.
"Edi tatawagan ulit siya ni Mommy," she insisted.
I abruptly cut her off, kumunot ang noo n'ya dahil sa biglaan kong kilos, i know that she already concluded something inside her mind. Pero wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Demonic Intake of Diamox (Completed)
General FictionRDS ( Rare Disease Series) #1: Dissociative Identity Disorder Lilac Diamond Broqueza never had the perfect life that many people around her thought she has. Her father merely treats her as his child and her mother left her alone without any one else...