11th Intake

52 4 0
                                    

Chapter 11

Chance

"Hindi mo ba gusto rito, Diamond?"

Mula sa pagkakatungo ay nagtaas ako ng tingin kay Dylan. He's still handsome with a simple shirt and pants, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na narito siya sa tabi ko at kasama ko.

"We can cancel our orders, lilipat tayo sa lugar na gusto mo." he said.

Tinignan ko lang siya bago umiling nang bahagya, he ran a shaky hand through his hair, baka kabado dahil sa mga kilos ko.

I am just uncomfortable, 'yon ang totoo. I am comfortable in his presence pero 'di sa mga bagay na tumatakbo ngayon sa isip ko.

"Do you want wine?" he suddenly asks.

"Ahm, pwede din." lutang na sagot ko.


He stared at me for a moment before he smiled. Napakurap ako dahil sa biglaang eye contact, ngiwi ata ang dating sa kan'ya ng ginawa kong pagngiti dahil mas lalong lumawak ang ngisi n'ya.

"Your hair grew longer than usual."

"Pinahaba ko talaga, gusto kong kulutin ang hulihan," I said, timidly.

Tumango lamang siya sa sinabi ko, 'di nag respond. Pakiramdam ko tuloy ay ito ang sinasabi nilang hearzoned, ganoon ba kapag ayaw sa'yo ng kausap mo?

I calmed myself and regain my self esteem. Ayokong isipin n'ya na ganoon pa rin ako, walang pinagbago. The same old Diamond that they deceived.

I cursed at the back of my mind, humigpit ang hawak ko sa laylayan ng table cloth. Laking pasasalamat ko at hindi ko ito nahihila pababa.

"Did you like my gift?"

Napalingon ako sa kan'ya, his fierce eyes never leaves mine. Nakakatunaw ang mga titig n'ya kaya sa huli ay ako rin ang unang nag iwas.

"Yes, ahm. Thank you nga pala doon." my voice was a lil bit shaky.

"That was nothing, I hope that you'll wear it everyday." he flashed his panty-dropping smile.

"I am actually using it right now, "

Tinagilid ko nang kaunti ang ulo ko at itinuro ang aking buhok. I saw amusement in his eyes.

"Nakakatuwa naman at bagay na bagay sa'yo. It added more beauty to your angelic face." his voice has a hint of admiration.

Pino kong kinagat ang ibabang labi dahil sa papuri n'ya. Ngayon ko lamang ulit narinig na may pumuri sa panlabas na anyo ko, kahit naman noon ay wala siyang palya sa pagpapaalala sa akin ng mga magagandang bagay na meroon ako.

He never failed to remind me on how worthy of a person I am.

"Ahm, ikaw kumusta.... ka naman." I uttered, pinching my hands.


"I've been struggling for the past years, nothing changed. Same as before." he seriously said.

I opened my mouth to speak pero walang lumabas na salita doon. His sentence rang inside my mind, iniisip kung double meaning ba 'yon or sadyang ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa sinabi n'ya.

"Ah, ganoon ba."

I imagined that someone kicked me, napakawalang kwenta kasi ng sagot ko. Parang ang labas ay wala akong pakialam sa sinabi n'ya at balewala siya sa akin.

Demonic Intake of Diamox (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon