Kabanata 1
Depress
If you were given a chance to change your life, will you do it? How pathetic I am to think that way, samantalang nasa akin na lahat ng mahihiling ng isang tao. The beauty, brain, wealth and fame, so what else are those things that I never had?
Bumuntong hininga ako at hinilig ang aking ulo sa kaliwang bahagi ng aming bintana. You can see the beauty of sky here, ang papalubog na araw na unti unting natatakluban ng makapal na abong ulap. I smiled bitterly at the thought of it.
Mabuti pa ang araw at nakakapagpahinga sa lahat. May buwan na handang humalili sa kan'ya sa gabi, may mga bituin na handang tumulong sa kan'ya.
Nagising ang aking diwa sa narinig kong pagkatok sa aking pintuan. I rolled my eyes and closed the curtain of our window.
"Señorita, dumating na po galing Korea ang Señior Romualdo. "
Bumungad sa aking paningin ang nag iisang dalaga naming katulong na si Daisy. I smiled at her a little, tinanguan siya, senyales na bababa rin ako saglit.
"Dad," mula sa pagkakatalikod ay humarap sa akin ang aking ama. "You never told me na ngayon ang balik n'yo." I kissed his left cheek.
"Iha, hindi ko rin alam na apat na araw lang pala ang itatagal ko doon." he slightly hugs me, " Your tita Gina did everything while I was there."
My eyes landed at the woman who's talking to our maid. Hindi ko kailanman matanggap na isang 32 anyos na babae ang ipinagpalit ni Daddy sa aking ina.
"Ronna, kumusta naman si Diamond nung wala kami? Did she eat on the right time?"
Kahit na malayo kami ng kaunti sa kanilang pwesto ay naririnig ko pa rin ang mga tanong at bilin niya sa aming mayordoma. Pathetic, that's what she is to me.
"Honey, naman. Mukhang sinasabon mo na agad si Manang kakarating lang natin." Dad cracked a joke.
"Tinatanong ko lang ang mga binilin ko sa kanila, Roman. Mukhang maayos naman ata." hindi siguradong sagot niya at hinilig ang ulo sa balikat ni Daddy.
I balled my fist, inis na nagmartsa pabalik sa aking kwarto. I looked sadly at my mom and dad's wedding picture.
"Mom, sana hindi kana lang umalis noon." I whispered, "Sana walang Gina na pumapapel kay Daddy ngayon." iritable kong pinahid ang mga luha ko.
I bit my lower lip, lalong nanlabo ang mga mata nang makita ang malaking litrato sa second floor namin. It was my dad and that Gina's wedding picture. As much as I wanted to throw it away, I can't. Wala akong karapatan sa anumang bagay sa bahay na 'to.
Hangga't anak lang ako ni Daddy at asawa niya ang babaeng 'yon ay mas lamang siya sa akin. I loathed her to core, she stole everything from me. She took away every precious things that I once had.
"Tapos kana ba sa plates mo?" Pyeona, my best friend asks.
"Hindi pa nga, eh. Hindi ko pa nasisimulan." sagot ko sa kan'ya habang nililigpit ang mga gamit ko.
"Yes! That's a relief to hear! Mcdo tayo after class," she beamed happily.
Tatanggi pa sana ako nang ilabas niya ang atm na hawak n'ya. I slowly nodded my head, nakipagtawanan sa kan'ya.
"Sabi na nga ba at mahina ka sa tukso ng libre, Diamond!" she stated.
Pyeona is true to her words, after our last subject hinila na kaagad niya ako sa katabing Mcdo ng aming school. Siya na rin ang umorder ng aming pagkain dahil sabi niya masyado raw akong abuso kapag nililibre.
BINABASA MO ANG
Demonic Intake of Diamox (Completed)
Ficção GeralRDS ( Rare Disease Series) #1: Dissociative Identity Disorder Lilac Diamond Broqueza never had the perfect life that many people around her thought she has. Her father merely treats her as his child and her mother left her alone without any one else...