Kabanata 24
Suicidal teen
"Lilac, kain ka raw muna sabi ni Tatay Isko,"
I turned around and saw Jarson with his casual attire. The over sized striped pink shirt was tuck in on his black pants.
Hindi ko maiwasang ngumuwi, bagay naman sa kan'ya ang suot niya. Mukha siyang koreanong hilaw. Pero fan ba siya ng blackpink?
"H'wag na, mauna na ako Jarson ha." paalam ko sa kan'ya at binaybay ang daan palabas sa barangay nina Ate Cely.
"Samahan na ulit kita, bhie." natatawang sabi niya at inakbayan ako.
Mabilis kong inalis ang kamay niya sa likod ko, lumayo sa kan'ya at nagbigay ng distansiya. I am comfortable on Jarson's presence pero hindi ako sanay na may umaakbay sa aking lalaki bukod kay Dylan.
"Ay, bawal kang hawakan 'teh?" gulat na tanong niya at ginaya ang reaksiyon ng mga beki sa pelikulang napapanood ko.
I just rolled my eyes and walked faster than usual. Sana lamang ay umalis agad siya at 'di na maabutan ni Dylan.
"Wala kana bang gagawin doon, Jarson?" I asked.
Nilingon niya ako at ngumiti nang matamis. Oh, I see. The jolly Jarson is now back. Naku-curious tuloy ako kung bakit ganoon siya nung nakaraan.
"Wala na." umiling siya. "Mamaya ko pa matutulungan si Tay Isko sa paglilinis ng baboy,"
I can sense the excitement in his voice. Oo nga pala, isa rin sa kabuhayan ng mga tao rito ay ang pag aalaga ng hayop. Ang balita ko nga ay may alaga ring baka sina Ate Cely.
We stayed there for almost an hour, paminsan minsan ay nagkukuwentuhan. I texted Dylan earlier to fetch me up, medyo malayo rin kasi ang San Pablo sa Calaca. Dylan was in there ancestral house, I told Manang to tell Daddy that I'll be staying in Dylan's house.
Ayoko na sanang siya pa ang sumundo sa akin dahil malaki ang possibility ma magkita ni Jarson but he insisted. Hindi niya kasi alam na close kami ni Jarson, hindi rin naman kasi kami nagpapansinan sa klase niya.
"Hindi ka pa ba uuwi?" biglang tanong ko.
"Hmnn. Mamaya siguro. Titignan ko kung driver or boyfriend mo susundo sa'yo." he teased me and chuckled.
Napalunok ako nang mariin at nagiwas ng tingin dahil sa sinabi niya. Mukha naman siyang nagbibiro at clueless pero 'di ko maiwasang kabahan.
I only knew Jarson for more than a year, hindi ko alam kung maitatago niya ang relasiyon namin ni Dylan kapag nalaman niya iyon. Pero sana.....sana h'wag na siyang dumagdag sa mga taong ayaw sa relasiyon naming dalawa.
"Oh? Bago ang kotse niyo?" gulat na tanong niya habang nakatingin sa pumaradang pulang sasakyan sa harapan niya.
"A-ah, hindi sa amin 'yan," I trailed off, my hands were sweating.
Kibit balikat siyang naglakad papunta doon habang nakalagay ang dalawang kamay sa black pants niya. Ngayon ay nagsisisi na ako na kung bakit ko hinayaang maging close si Kuya Carlo at si Jarson.
"J-jarson, una na ako ha." I said before giving him a smile.
"Ay, teka lang. May itatanong ako kay Kuya Carlo. Saan ba noon nabili ang palabok na dala niya noon?" walang sabi sabi na kinatok nito ang bintana.
BINABASA MO ANG
Demonic Intake of Diamox (Completed)
General FictionRDS ( Rare Disease Series) #1: Dissociative Identity Disorder Lilac Diamond Broqueza never had the perfect life that many people around her thought she has. Her father merely treats her as his child and her mother left her alone without any one else...