Cʜᴀᴘᴛᴇʀ: 1

791 26 2
                                    

"THE DAY WE MET"

^^Xian's POV;

Bagong paaralan,bagong mga kaibigan at bagong kapaligiran.

Ako nga pala si Xian Hershey Guevara,18,second year senior high school student,Im straight.

Bakit ako nilipat ng school?simple lang kasi mag ma-migrate na sila mama sa America. At kailangan kong magtapos para ako naman ang magpapa takbo ng negosyo namin sa ibang bansa. Hindi naman yun ganon kalaki pero sapat na para mairaos kami sa araw araw.

Habang naglalakad sa hallway,pinag titinginan man ako ng mga tao ay hindi ko nalang pinapansin. Sanay naman na ako eh,medyo may itsura din naman kasi ako eh,hindi ako kaputian pero tama lang ang hubog ng katawan ko.

Nahagip ng paningin ko ang isang napaka gandang DYOSA na naglalakad palapit sa kinaroroonan ko,at hindi nga ako nabigo ako nga ang sadya niya.

"Hi?ikaw ba si Mr. Guevara?napa tango nalang ako,ang ganda ng boses niya tapos ang ganda niya pa arghh,"Hey,Mr?" Natauhan ako ng bigla niya akong tapikin.

"Ah o-opo ako nga p-po yun,bakit po?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Ako nga po pala yung class president ng section na binigay sayo ni Prof,sunod ka nalang po sa akin."

Out of nowhere nag lakad ako kasunod niya ng may mga ngiti sa labi.

"Now Mr. Guevara,introduce yourself to them"

Ang ganda talaga ng boses niya!

"Im Xian Hershey Guevara,18,sa states ako pinanganak at sa states din po ako lumaki ng 10 years,half American po ako,and yung father ko yung american citizen,tha-----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapansin ng mga mata ko yung isang lalaki sa likod,ang creepy kasi niya,para tuloy akong nasa isang horror movie eh.

"Okay if yun lang Mr. Guevara,you may take your seat in the chair beside Mr. Ignacio."
Pagpapa liwanag nung DYOSA na president daw mg section na ito. Sabay turo dun sa........

Sa lalaking creepy.

fuckkk.....

Umupo nalang ako sa tabi ng upuan na itinuro ni Ms. DYOSA.

Bali dala dalawa lang yung arrangement ng mga upuan dito sa classroom na ito,maganda naman,presko atsaka malinis,kahit na creepy yung katabi ko ang bango niya,pero kanina pa siya walang imik hanggang sa........

"Kuya?may extra boll pen ka po ba?" Tanong ko sa kanya at agad naman siya humarap sa akin.

Teka!!

Kinusot ko ang mga mata ko ng makita ko yung mga mata niya,may suot siyang salamin na parang salamin ni Harry Potter pero nakikita ko padin yung Blue niyang mga mata.

Nagising ako sa reyalidad ng kalabitin niya ako.

"Ahm,ayos ka lang po ba?" tanong niya habang iniaabot niya sa akin ang boll pen na hinihiram ko sa kanya.

Tumango nalang ako at nagpa salamat.

Bakit kaya ganon,parang ang bigat ng pakiramdam niya,hindi ba siya marunong ngumiti? Tapos yung boses niya parang ang bigat din ng dating,parang cold ba kumbaga.

Natapos ang ilan pang mga subject at puro Discussion paper ang binigay nila sa akin,grabe ah ang dami dami,review-hin ko daw dahil malapit nang mag karoon ng Exam. Para din daw sa mga na miss kong discussions.

Hindi padin ako kinikibo ni Mr. Ignacio,ewan ko ba kahit na parang ang bigat mg dating niya ang gaang ng pakiramdam ko sa kanya,I feel comfortable sitting beside him.

Natapos na ang lahat ng discussions at break time na namin.

(Break Time)

Agad na akong pumunta sa cafeteria,in fairness maganda din yung cafeteria nila,lalo na kapag nakikita ko si Ms.DYOSA ang ganda talaga kasi niya ehhh.

Tapos nahagip nanaman ng paningin ko yung Creepy Ignacio na katabi ko,may kasama na siya ngayon na kaklase dim naman ata namin,isang babaeng kulot tapos naka salamis,at isang lalaking mukhang nerd tapos malaki yung ngipin niya sa harapan,parang buns bunny lang hahaha.

Ang harsh ni Author!

Tapos si Creepy Ignacio,hindi parin siya ngumingiti. Pumunta siya sa restroom ata kasi palabas siya ng cafeteria at patungo yung way niya sa may restroom ata eh.

Natapos na akong kumain pero wala padin siya,mukhang pati yung mga kaibigan niya hinihintay din siya,nag cr lang ba yun?bakit ang tagal?parang 20 min's na ata siyang wala ah?

Ewan ko ba pero hinahanap hanap siya ng mga mata ko. Ngayon lang nagyari sa akin ito.

Lumabas na yung lalaking kaibigan ni Creepy Ignacio,hahanapin na siguro niya si Ignacio.

Inalis ko nalang sa isip ko si Creepy Ignacio at itinuon ko na ang aking isip kay Ms. DYOSA,ang ganda talaga niya.

Arghh crush ko na siya.

Naka balik na ako sa room at nandon na din si Creepy Ignacio,nang maka upo na ako naka pansin ako ng kakaiba.

Mayron siyang pasa sa gilid ng labi niya at basa ang uniporme niya,basa din ang mga mata ng ng luha?luha ata?tapos naka tingin siya sa kawalan,may bintana kasi sa tabi namin na malaki. Kasi malaki din naman yung room namin eh. Para tuloy akong naawa sa kanya.

Sino kaya talaga si'ya?at bakit parang pamilyar na siya sa akin,hindi ko lang talaga ma point out.

Tumingin na siya ulit sa harapam ng dumating na yung next prof namin,teka?

Bakla ba siya??

Yung itsura ni Creepy Ignacio!parang hindi siya tunay na lalaki?parang naamoy ko lang,iwwww!!

Parang nga! May katabi akong creepy na bakla pa,kadiri naman oh,sana kasi si Ms. DYOSA nalang katabi ko eh tsk tsk tsk.

------------------------------------------

What about Xian and Ignacio?will they become friends?lalo na ngayon na alam natin na ayaw ata ni Xian sa mga katulad ni Creepy Ignacio.

Bakit din kaya ayaw ni Xian sa mga katulad ni Creepy Ignacio na hindi straight?

Abangan..........

Please vote,comment and follow me:<
Sep,23.2020
@Makatang Malaya14

BAKA SAKALI (BxB STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon