Cʜᴀᴘᴛᴇʀ: 23

83 10 1
                                    

"TRUTH"





^^Carl's POV;





Eto na siguro yung araw na kailangan na natin magpaka totoo,yung araw na kailangan na nating aminin yung tunay nating nararamdaman. Dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala.



Ngayong araw kami magkikita ni Jiro.



"Oh Carl ang gwapo mo talaga,handa ka na ba?" Si Rose yun,pano simula nung nalaman niya yung sakit ko ayaw na niya akong iwanan mag isa.




"Ma'am Korina Sanchez?ikaw ba yan?" Bigla naman niya akong binatukan.


"Ulol,may sakit ka na nga nagawa mo pang mag loko." Kung alam mo lang Rose.





May bigla namang humintong taxi sa harapan namin,at naka sakay naman na kami agad.




Habang nasa biyahe,hindi ko maiwasang mapa-isip,pano kapag namatay ako,pano nalang yung mga kaibigan ko,pano nalang kung wala na ako. Sino nalang yung mag-aalaga at mag po-protekta sa kanila. Hayss.







"Oh nandito na tayo sa bahay nina Jiro Carl oh,sunduin nalang kita mamaya ah,pupunta pa ako sa Mini Mart." Para ano?para kumain nanaman?Hahaha



Napa nod nalang ako sa kanya,si Rose talaga,chismosa na matakaw pa hahaha all in one,pano kaya kapag naging sila ni Jake?





Hahahah I can't help not to think.





May maid na nagbukas ng gate at nag turo sakin sa kinaroroonan ni Jiro.


Naglalakad palang ako pero sobra na akong kinakabahan. Nakaka kaba talaga ito ng sobra haysss.






Habang naglalakad,napansin kong may mga parang yarn sa paligid ng mga halaman na may mga picture. Inisa isa ko ang mga ito.



Hahaha mukhang tanga naman itong mga picture namin ni Jiro dito,lagi nalang stolen.


Teka yung ibang picture..........


"R-renz?" Kaba at lungkot ang naramdaman ko ng makita ang mga lumang litrato ni Renz.






Yung ibang litrato.......







Kasama niya ako,pero anong konekta ne'to kay Jiro?


"Kuya Carl,nandiyan ka na pala." Si Jiro.



Agad ko naman siyang hinarap at pinakita sa kanya ang mga nakita kong litrato.


"Jiro ano ito?bakit meron ka ng mga ito?" Parang wala siya sa sarili niya.



Katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa.






"Nagpunta ako dito Jiro para sabihin na hanggang kaibigan lang ang nararamdaman ko sayo,pero ano ito?bakit nandito si Renz? Sumagot ka naman oh!" Sa puntong ito,namumuo na ang mga luha ko.











Jiro ano ba kasi ito. Ayaw kong magalit.









"Mahal na kita Carl,kaso kailangan ko nanaman mag paraya." Jiro?ano nga?


BAKA SAKALI (BxB STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon