Cʜᴀᴘᴛᴇʀ: 2

327 16 0
                                    

"SAME BOARDING HOUSE"

^^Carl's POV;


Minsan talaga kung sino pa yung tao'ng gusto mo yun pa yung mananakit sayo,yung mag iiwan sayo ng karanasan na hindi mo na nanaisin pang maranasan kahit sa susunod mong pagka buhay.

Im Carl Natel Ignacio,18 years old,isang nerd na walang kwenta,tanging pamilya at mga kaibigan ko lang ang nakaka kita ng halaga ko.

Kung nandito ka lang sana Renz.

haysss.

Iniisip ko parin ang mga nangyari sa akin kanina,kung mapag bibigyan lang sana ng diyos yung hiling ko na ibalik yung kaibigan kong si Renz. Hindi sana kami mamaliitin at sasaktan ng mga taong mas matataas sa amin at matataas din ang tingin nila sa sarili nila.

Ewan ko ba,gusto ko nalang mamatay para matapos na lahat,pero pano yung mga maiiwan ko?lalo na yung mga kaibigan ko.

Marami akong iniisip ngayon sa kwarto ng boarding house na tinutuluyan ko.

Habang nag mumuni muni,bigla nalang may mga tulo na nalaglag galing sa gilid ng mga mata ko.

oo,umiiyak nanaman ako.

Bakit naman kasi ang hina hina ko eh,hayss. Hindi ko tuloy mapag tanggol ang sarili,basta ang alam ko,gagawin ko ang lahat para sa mga kaibigan ko,yun yung huling habilin sa akin ni Renz.

Naalala ko na may papalapit na pala kaming quiz,kinuha ko yung bag ko at nag review,habang nasa kalagitnaan ng pag re-review,nawalan ng tinta yung boll pen ko,mukhang kailangan ko na atang bumili ng bagong mga boll pen ah.

Agad kong kinuha ang wallet sa aking bag at pa-ika ikang naglakad palabas ng kwarto ko.

Ang sakit padin talaga.

Habang naglalakad nag simula nanaman tumulo ang mga luha ko,naalala ko nanaman yung nagyari sa akin kanina.

Naglalakad na ako sa hallway ng biglang..........


^^Xian's POV;

Eto na lang yung pinaka malapit na pwede kong upahan ngayon. Occupied na lahat ng boarding house na napuntahan ko,at pang lima na ito.

Naka usap ko naman na yung landlady at pwede na raw ako pumasok at puntahan ang kwarto ko. Agad naman na akong pumasok sa loob ng boarding house,tama lang maganda naman siya.

Umakyat na din ako para tignan yung magiging kwarto ko.

Bigla akong naka tanggap ng message mula kay mama.


Mama:
How's your day?is it horrible?o baka naman gusto mo ng bumalik dito?

Agad ko namang rineplayan si mama.


Me: no ma,i can,kaya ko na mag isa lang ako dito.

Habang hinihintay ang reply ni mama,may nabangga yung maleta ko na isang lalaki.

Hala shit!napa upo yung lalaki kaya agad akong naalarma,the hell hindi ko yubg sinasadya,pinilit ko siyang itinayo.

"Kuya?ayos ka lang po ba?gusto niyo po ba munang mag pa hinga?sorry po ah hindi ko po kasi kayo nakita eh." Natataranta kong pagpapa liwanag sa kanya.

Teka,may tumutulong likido na sure akong galing sa mga mata niya.

Nagulat ako ng maaninag ko ng malinaw ang mukha niya.

BAKA SAKALI (BxB STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon