/01/ Nakalimutan Mo 'Ata Magpagpag

100 22 59
                                    

Sinundan ko uli si Porphyria sa pagpasok ng school kinabukasan. Sa sobrang pagmamadali niya, nakapunta siya ng maaga at madilim pa.

Umulit ang nangyari kahapon. Mga tsismisan, pangungutya, pagtulala niya sa klase, pagbagsak sa mga pagsusulit.

Hindi ko alam kung bakit siya iniiwasan ng iba, hindi naman siya mukhang uod- pasensya na sa figurative speech- para pagdirihan 'di ba?

At kung tutuusin naman, maganda siya. Sabayan pa ng magandang tirintas ng kaniyang alun-along buhok sa magkabilang bahagi. Mahinhin din siya kumilos- pero lampa pa rin.

Taragis, 'di ko mapigilan tawa ko nang madapa siya nang walang dahilan. Ang problema nga lang ay mas matangkad siya sa'kin ng... apat na sentimetro 'ata. Kahit na, salamat shope.

Baka naiinggit lang sila?

Habang palutang-lutang sa hangin, mayroon akong narinig na tsismis. "Bes, alam mo ba? Yang babaeng 'yan, mag-isa na lang sa buhay." Kitang kita ko sa taas ng ulo niya yung mga gumagalaw na kuto sa buhok niya.

"Huh! Hindi lang 'yon! Sabi ni Mina kanina, na sa hirap niya, nakita niya daw siyang nagkakalkal ng basura kasama mga aso sa may kanto," sabi naman ng isang babaeng parang sausage ang labi sa kapal.

"Pfft! Tignan mo nga suot niya, sapatos niya sira sira na. Pati nga palda niya, tahi-tahi na eh!"

"Kakain na lang niyan ng insekto."

"Tapos nagbebenta ng plastik sa may tabi tabi."

"O kaya mangangalakal na lang. Kapag nakita natin siyang gano'n, picturan mo tapos i-post mo sa Kapusa Ko Jessica Suha. Sabihin mong nakakaawa para tulungan niya tapos-"

"Kukunin natin yung sari-sari store?"

"Hindi! Manghingi tayo ng Cash! And then..."

Anak ng tinapang usapan 'yan. Lumayo na ako kaagad bago ako makarinig pa ng 'di kaaya-ayang mga bagay.

Anong pagkain ng insekto? Sopas nga almusal niya eh! Pero... kahapon, 'di siya kumain ng tanghalian at hapunan. Na-gets ko na ang pinaparating ng tsismis. Magaling pala sila gumamit ng figurative speech.

Dumating na ang lunch break at lahat ay pumunta sa kantina. Pero ngayon, hindi na pumunta si Porphyria. Sa bagay, ano sense sa pagpunta kung wala ka naman doon gagawin kundi umupo at tumulala? Bilang pampalipas ng oras, nagsusulat na lang si Porphyria ng kung anu-ano sa kwaderno niya.

Sa klasrum naman, may namalagi ring barkada na magkakatabing kumakain sa likuran niya. Rinig na rinig ang mga daldalan nilang sakit sa tenga.

"Oh my God, Sardines na naman dish ko!" banggit ni Conyo-Girl.

"Ay, really? Gretch, bakit ba kayo nagtitiis sa pagkain mahirap?"

"I know right, Mina. Sabihan ko nga si Mama na i-fire na si Yaya." Puta, what.

Akmang tatayo sana si Gretch-betch para pumunta sa trash can ng klasrum nang biglang tumunog ang tiyan ni Porphyria. Malakas. Napakahawak siya sa tiyan niya at tumingin sa baba.

Narinig iyon ng magkakabarkada at nagtawanan.

"Sige na, ikaw na."

Wishing For A Happy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon