/30/ Bata Tula, Makataong Dula

24 5 100
                                        


Normal lang ba sa multo mag-delusyon?

Mula sa dilim, tanging liwanag lang na maaninag ko ay ang galing sa telebisyon. Makulay na pelikula, pumapatungkol sa... sa totoo lang, 'di ko matindihan. 'Di ako nanonood nang maayos.

Sumingkit ako at sinubukang mag-pokus sa matandang lalaki sa palabas. May napakalaking bigote at balbas, parang mananakal. "HARRY!" kalmado nitong pagtawag, "diD yOu pUt yOur nAmE oN tHe gObLEt oF fiRe?!"

Napabuntong hininga ako. Wala akong maitindihan.

Samantalang 'yung nasa gilid ko ay prantikong nakatitig sa'kin kanina pa, mukhang 'di rin nakapokus sa pinapanood. "Okay ka lang Rikko? Gusto mo isa pang unan? Na-boboring ka ba? Palitan na'tin movie? Ano gusto mo? May pagkain sa kusina," sabay sabay na tanong ni Porphyria.

Sumulyap ako sa napakaraming nakabalot na kumot sa'kin. "...Okay lang," bulong ko, napalayo ng tingin. Sa totoo lang, ang sikip masyado puta. Ayaw ko lang aminin at kanina pa ako mismo nag-aaalala sa babaeng 'to...

Dinagdagan niya ng kumot 'yung likod ko.

Tama na please.

"Ah!" biglang wika ni Porphyria, "gusto mo inumin? Meron do'n kahit ano."

Baka matapon ko lang sa sapin, pero sige. "Kahit ano."

"Okay, so milo!"

"Hahaha..."

Nang umalis si Porphyria para maghanda, agad kong binaon ang ulo sa tatlong unan na nakabalot sa harapan ko.

...

Masyado na ba akong malalim sa pagkukunwari na nakalimutan ko na kung paanong umaktong "normal"? Sa katotohanan, nahihiya ako sa ginawa ko noon. Lalo na sa inakto ko kay Porphyria. 'Di ko mapigilang mahiya na lang sa presensya niya.

Huminga ako ng malalim.

Ang cringe ko puta.

Parang gawain lang ng abnormal... ano ba pinaggagawa ko no'n? Humuhugot na parang tanga. Paano na ako umakto sa kanilang lahat? Gusto ko mismo maging bato na lang habambuhay. Kung lamunin ako ng lupa ayos lang sa'kin. Sulatan ko pa ng thank you letter.

Huh. Kuhang-kuha ko pa rin naman umaktong "normal."

Huminga uli ako ng malalim. Kahit ba naman sa usapang sarili, nakakapagod. Parang naduduling na rin ako sa palabas, ang sakit sa mata ng liwanag. Masakit pa mangalmot 'tong si pusang Rikko, parang may galit. May posibilidad bang may mamamatay-multo at saksakin ako bigla? Sana.

"Aba, ang aga aga kung anu-ano iniisip!" daing ng pamilyar na boses sa likod ko. "Tatanda ka ng maaga niyan!" Ngayon naman ay bumuntong hininga lang ako at 'di siya pinansin.

"Snob ka, kuya! Pinapaiyak mo na naman ako eh!"

"'Di ka totoo," bulong kong nakangitngit ang ngipin.

"Weh? Eh ano ako?"

...Normal lang ba sa multo ang mag-delusyon?

"Maybe?" tawa ng yawang kaboses ni Mie, "I mean, kung alam mong 'di ako totoo ibig sabihin aminado kang napapraning ka na!"

Praning na kung praning, umalis ka na.

"Sheesh... eto pa naman akong subconscious mo concerned sa'yo ta's pinapalayas mo? May pagka-masochistic ka ano?"

Agad akong napaangat ng ulo sa galit. "Putang-"

"Rikko?"

At mas mabilis pa sa alas kwatro nang dumating si Porphyria ay nawala na ang pekeng Mie. Nilingon ko siya, pero 'di diretsuhan sa mata, at nagbigay lamang ng maliit na tango. Iniabot niya sa'kin ang baso ng gatas at ininspeksyunan.

Wishing For A Happy LifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon