/08/ Jumbo Cheese-filled Hotdogs

33 12 43
                                    

"Porphyriaaa!"

Natigil ako sa pagdidilig, muntikan ko na ring bitawan ang hawak kong watering can. Tumingala ako sa taong tumawag ng pangalan ko, at agad na napangiti.

"Althea!"

Nakita ko na naman ang maaliwalas niyang mukha, may hawak na cupcake at ang bag niya naman sa kabilang kamay. Nakaayos ang kaniyang buhok sa magkabilang tali. Masaya siyang ngumunguya ng pagkain niya nang sampalin niya ako sa likod.

"Sensya na! Napa-absent tuloy ako ng isang buong linggo dahil sa trangkaso."

"Kumusta naman pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya habang nagpapatuloy sa pagdilig.

Saglit na dumilim mukha niya. "Okay lang!"

"Uhm, sure? Kanina parang—"

"May bagong release pala yung Aldwin and the Cheapmunks!"

"Omg, weh?" Teka, pinalitan niya ba 'yung topic?

Tumawa lang si Althea. "Pakita ko sa'yo maya! Eh ikaw, 'di ka ba inaway ni Gretch?"

Napahinto ako. "Uh, hindi syempre. Hah Hah Hah."

Kita ko sa taas ng kilay niya na hindi siya kumbinsido. Pero ningitian niya lang ako. "Mhm mhm. As long na walang pakailaman, okay lang sa'kin." Inubos niya na ang kinakain niyang cupcake. "Sige, pasok ko lang muna bag ko. Maya, daldalan!"

"Okay!" Kumaway ako sa kaniya at nagbalik muli sa pagdidilig. Napapaisip sa sarili. Ano kaya nangyari kay Althea? Parang may mangyaring something eh... Tahimik na sana ang paligid kung 'di lang siya nagsalita.

"Sino 'yun?" Lumingon ako kay Rikko.

"Kaibigan ko."

Nagulat ako nang makita ang mata niyang maluha-luha na. "M-meron ka pala no'n?"

Napahampas ako sa likod niya. "Syempre! Ikaw nga wala, bleh!"

"Luh, eh sino ka?"

"Ahah, walang kaibigan!"

"Hoy taksil! Akala ko ba may something na tayo?!"

"Huh? No way ah!"

"Hmmmmm, baka 'di lang kaibigan tingin mo sa'kin." Ngumiti na naman siya na parang manyakis.

"Ikaw—"

"Villaflores."

Napahinto ako sa isa na namang tumawag ng pangalan ko. Napahinto rin si Rikko.

Si Jhian, nakatingin at nakaturo ang isang daliri sa kasamahan kong multo. "Kaano-ano mo 'yan?"

...


'Di ako magaling magpalusot. Agad akong nakaramdam ng kaba nang sabihin 'yun ni Jhian kay Rikko. 'Yung pakiramdam na para bang mabubunyag na ang sikreto mo. Ayaw kong sabihin ang totoo at malaman nilang baka nababaliw ako. Pero kung nakikita naman, ay bahala na!

"A-ano, kaibigan ko."

Nag-iisang salita na pumasok sa isip ko. Pero si Rikko na ine-expect kong tumawa sa tugon ko ay mukhang seryosong seryoso.

Tumaas ang kilay si Jhian. "Bukod kay Thea?"

Ano 'yun? Si Althea lang ba nagiisa kong kaibigan? Nakaka-insulto! At bakit ba siya masyadong curious?! "Syempre! Kaya ko rin kaya makipagkaibigan!"

"Bakit ka ba masyado nakikiusyoso?" Nagulat ako nang sumabat si Rikko.

"Nagtatanong lang." Nagtinginan lang ang dalawa. Ang intense. Inilapag ko ang watering can sa may gilid, awkward na nanonood.

Wishing For A Happy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon