"SINO KAAAAAAA?!"
Bigla niyang sigaw nang namalayan niyang may ibang tao na pala sa bahay niya.
"Isang multo!" biro ko, pero biglang nakaramdam ako ng sampal. At hindi iyon tumagos!
Napabulalas ako, "Masakit 'yun!"
"U-umalis ka rito! Akyat bahay!" Tinulak niya ako hanggang sa labas ng kwarto. Ano sabi niya? Akyat bahay?! Ang gwapo ko naman masyado para mapagkamalang akyat bahay, sakit no'n sa pride ko!
Kahit maraming tumatakbo sa isip ko, wala akong masabi kung ano magandang sabihin bilang depensa, kaya napabulalas na lang ako na, "Ako yung nilalamayan kanina!"
Walang kwenta 'di ba? Syempre, ako si Rikko eh.
Napatigil naman kaagad si Porphyria. "Hindi! Sanggol lang 'yon! At buhay ka pa!"
"Sige nga, meron bang pinanganak noong 2003 na namatay na sanggol pa rin sixteen years later?!"
Sinipa ako sa likod at natumba ako palabas ng bahay. Binagsakan niya ako ng pinto at nakarinig ako ng pag-lock. Paano na 'to, 'di ako makakapasok dahil nakasara na—
Nag-slowmo utak ko ng ilang segundo bago ko naisipang multo naman ako. Nakakahawak ako ng mga kagamitan kapag nagpopokus ako. Pero kung hindi naman... nilapad ko ang kamay ko sa pinto at tulad ng inaasahan ko ay tumagos ito. Nang makapasok ako, nakatayo pa rin si Porphyria, ngayon ay napatakip sa bibig.
"P-paanong..."
"Multo nga ako," pagdidiin ko. Nag-demonstrate ulit ako ng pagtagos sa pinto at mga pader na akala mo ba mahikero. Parang gano'n na nga.
Inabutan ako ni Porphyria ng flower vase. Sa una ay nahawakan ko pa, pero sa pangalawa ay tumagos lang sa mga kamay ko.
"Oh, ano na?"
"P-pwede, pwede bang pasampal ulit?"
"'Wag nama— ARAY!"
"Nahahawakan kita, pero bakit ka tumatagos sa ibang mga bagay... hindi kaya..."
"Multo talaga ako?"
Umiling si Porphyria. "Hindi! Nababaliw na ako!"
Napaupo siya sa sahig habang nakayakap sa tuhod, hindi makapaniwala sa kaniyang maaring ikakahantungan. Napabuntong hininga na lang ako, tumabi sa kaniya, at iniabot ang mga kamay.
"Pahawak ulit?"
Hindi pa sumagot no'ng una si Porphyria. Lumipas ng ilang segundo ay maalinlangang siyang nagbigay ng maliit na tango. Nanginginig niyang inabot ang kamay niya na maingat kong hinawakan. Agad kong naramdaman ang pamilyar na sensasyong 'di ko na naisipang madama ko uli.
Init.
Hindi ko alam kung nililinlang ako ng paningin ko pero parang nagkukulay pula ang kamay niya. Ngayong tinitigtigan ko siya nang maayos, mayroon akong naaaninag na asul at lila sa paligid. Parang maliwanag na usok... awra?
Anuman 'yun ay muli kong naramdaman ang pagkabuhay sa init, pero mas higit pa sa inaakala kong epekto. Pakiramdam kong normal lang ang lahat. Na masaya ako, may kontrol sa sarili. Ligtas. Nakikipag-hawak-kamay sa taong...
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Novela Juvenil━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...
