/27/ Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim, Dilim Dilim DILIM DILIM

24 5 196
                                    

( tw : implications and mentions of noncon, violence & self harm )

"Tangina."

Hinampas ko uli pabukas 'yung pinto, pero 'di pa rin gumana. Ngayong napapaligiran na ng lumot at kalawang, mukhang makaluma na 'to kumpara sa pinasukan namin kanina, walang anumang bahid ng atraksyon at dekorasyon ang makikita.

Wala na 'yung Salamin-Bahay anumang kayawaan no'n. Nang makalabas kaming tatlo, naiwan sina Rikko at Miera- panigurado may koneksyon 'yon sa pagkamulto nila. Dapat nasiguro ko no'ng una pa lang kung maayos ba ang papasukan namin. Masyado ako naging kampante sa presensya ng matanda at ng mga dekorasyon-peryahan, kahit na may malaking posibilidad na ilusyon lang 'yon lahat.

Kasalanan ko 'to.

"W-wala 'yung Manong Ticket..." suplay ni Porphyria nang makatapos siya luminga-linga. Rinig sa boses niyang nanginginig na sobrang nag-aaalala siya. Mangiyak-ngiyak na.

Nilapitan siya ni Althea para pakalmahin, pero kahit siya 'di rin mapigilang mangamba. Malapit sila ni Mie 'di ba? "Ano na gagawin na'tin...?"

Huminga ako ng malalim, pampakalma, bago ko kinapa ang bulsa ko. Walang laman bukod sa nilamukos na papel at napakaliit na lapis.

...Na kay Rikko pala 'yung sinumpang selpon.

Nilingon ko 'yung dalawa. "Selpon, pahiram."

Agad na inilabas ni Porphyria 'yung sa kaniya at inabot sa'kin. Pagbukas ko, bumungad ang mukha ng pusa na nakasuot ng Sprito Bottle, umiiyak sa malalaking mata. "Seriously...?" 'di ko mapigilang bumulong.

"S-sige na!" ngiwi niya, namumula na sa kahihiyan.

Tinamaan ko 'yung dial gamit ang ma-lag na keyboard at tinawagan ang pinaka-pamilyar na numero sa isipan ko. Habang hinihintay tumunog, napapakuyom ako ng palad. Parang oras ang ring sa bawat segundo. Sumagot ka, please.

Tumunog. "Hello?" boses ng babaeng matamlay ang sumagot sa kabila, "Dragonfruit...?"

"Mama mo," sagot ko.

"Bwiset ka Jiji! Bye!"

"Teka, huwag mo muna i-hang!" bulalas ko habang tumatalikod sa dalawang nakatitig sa'kin ng sobra, "kailangan ko 'yung ano mo- basta alam mo na. Punta ka rito."

"...Pinagsasabi mo? Address nga, yawa ka."

Habang dinidictate ko ang lokasyon ng perya,, narinig kong bumulong- kahit malakas- si Porphyria kay Althea. "Sino 'yon?"

Bago siya sumagot, saglit ko silang nilingon. "Ate ko lang, may alam siya," tipid kong sabi. Natahimik kaagad si Althea, nakalayo kaagad ang tingin. Nilayo ko na lang din ang sa'kin.

"Sabi ko 'di na nga ako sangkot diyan eh," daing ng kabilang linya sa selpon, "ano ba nangyari? De minsan ka lang tumawag ng ganito!"

Bumuntong hininga ako. "Rikko."

Panandalian siyang napatahimik. "Shit. Okay papunta na ko."

"Update agad."

Namatay na ang tawag pagkatapos at hinarap ko na ang gulong-gulong Porphyria at nakasimangot na Althea. Nilabas ko 'yung papel sa bulsa at nagmadaling nagsulat, pagkatapos ay iniabot sa kanila. "Hingi kayo ng kahit anumang nagbibigay liwanag sa mga stall at booth," instruksyon ko, "kandila, christmas light, ringlight, kahit ano. Bigay niyo lang 'tong papel."

"Pirma mo ba 'to...?" usisa ni Porphyria, lalong nalilito.

"Basta, bilisan niyo!"

Nang makaalis na ang dalawa ay nag-dial ako ulit. Pero ngayon ay ibang numero. Sumagot kaagad ang isang matandang boses, "Sino 'to?"

Wishing For A Happy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon