Saglit kong nilinga ang kapaligiran. Madilim, wala akong marinig kahit anumang ingay ng mga kaklase ko sa kanilang mga kwarto.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng pintuan ni Jhian. Kung tama nga si Miera, si Rikko lang ang nandito. Nagtatago siguro. Nag-aalinlangan akong buksan 'to at baka sakaling pinagtitripan lang ako ng batang 'yon pero... ah, bahala na!
Marahan kong binuksan ang pinto at agad na nakita si Rikko na nakaupo sa kama, problemadong problemado sa anumang nilalaro niya sa selpon. Naaaninag ko lang ang dilaw na ilaw mula sa kagamitan.
Teka, kailan siya nagkaroon ng selpon? Kay Jhian ba 'yun?
"Ang weird ng mga laro mo, Ji," daing niya, sobrang okupado sa ginagawa para lingunin ako. "Bakit may Nintendog ka tapos nakapangalan pa sa'kin?"
"...Rikko?" pagtawag ko.
"Oo! Anak ng tinapa, mukha ba akong aso?" Hinarap niya na ako na mukhang iritang-irita. Biglang napawi 'yung simangot niya nang saka lamang rumehistro sa utak niyang transparent.
Nanatili akong nakatayo, nakapamewang.
"P-phyri!" Bumalikwas siya ng bangon, sabay ngiti na halatang nangongonsensya. "Hehe, hi." Tumahimik sa pagitan namin. Nakasimangot pa rin ako sa kaniya.
"Soooo... bakit ka nandito?"
"Bakit ka nandito?" pabalik ko.
Tila ba'y bitbit ang mundo, bumuntong hininga siya nang kay lalim. "Sa pinakamalas na panahong naipanganak ako sa mundong ito."
Naghari muli ang katahimikan. This time, ako na 'yung nakokonsensya. 'Di ko namang mapagkailang biro lang 'yun uli tulad nang noon, pero sa mga nakaraang oras na nakita ko si Rikko, mas madalas ko na siyang nahahalataan. Mga kaunting segundong tumitingin siya sa malayo at napapaisip ng malalim. Tulala at para bang wala sa sarili.
Kung dati 'di ko gaano napapansin at nakakaramdam lamang ng pagkairita sa tuwing gano'n siya, ngayon ay 'di ko na mapigilang malungkot. Kahit na panay biro pa rin siya at tumatawa, ramdam ko nang pilit lang 'yun lahat.
Napalunok ako at nagsalita bago mag-isip. "Sorry."
Kumurap muna ng iilang beses si Rikko. "Why?"
"Erm... sa kanina?" Naghanap ako ng madaliang palusot, at 'yung usapan ang unang pumasok sa isipan ko. Hindi naman 'yun ang pinapatungkulan ko, pero kasama na rin 'yun. Tutal, nakikinig ako sa usapang pribado. Mga sikretong pagkagusto at imahinaryong misyon tungkol sa hinaharap ko.
Napatigil ako.
Teka, tungkol naman sa'kin 'yung pareho ah? Bakit pa ba ako nanghihingi ng paumanhin, mahimatay-matay nga ako kanina? Pareho sa kaba at sa... ehem. Kung wala nga ako ro'n, 'di ko na 'yun malalaman!
"Sorry sa pakikinig sa usapan niyo kanina ni Jhian... na dapat kasama ako." In-emphasized ko 'yung huling part.
Sa 'di ko inaasahang reaksyon, nagmukhang 'di komportable si Rikko. Parang naubusan na siya ng saya ngayong gabi. Bumulong siya na muntikan ko nang 'di makuha, "Sa totoo lang, ako dapat nanghihingi ng patawad." Inilagay niya ang selpon sa bulsa (na hindi tumagos?) at naglakad palapit sa'kin.
"Marami akong 'di nasasabi sayong importante. Akala ko naman maiiwasan yun kapag 'di ko sabihin pero..." Gaya ng nakagawian, hinawkan niya ako sa magkabilang balikat at tinigtigan ako nang maiigi sa mata.
Bumilis ang pagbundol ng kaba ko sa lapit. 'Di ko maipaliwanag kung bakit, pero naramdaman kong pinagpapawisan ang mga kamay ko sa likod. Hindi naman mainit ang gabi, 'di ba...? Anong 'di pa nasasabi? 'Yung... 'yung last na part? Akala ko usapang sibilisado 'to?!
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Teen Fiction━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...
