Nakakagulat pero nagawa kong bumalik sa bahay ni Porphyria.Sinalubong ako nina Porphyria at Jhian na may pag-aaalala, pero paulit-ulit ko lang sinabing okay lang ako. Sa katotohanan, ayaw ko lang talaga ng direktang komprontasyon sa ginawa ko kanina. Nakakahiya lalong isipin.
Pero nagawa ko na makipag-usap nang normal. Makipagkamustahan. Whoo Rikko, nice one. Proud na proud ako sa'yo hahaha LMFAO.
Kung 'di lang sana instinktibong lumalayo ang mata ko sa pagtingin sa kanilang dalawa.
Nagpatuloy kami sa panonood ng movies, at dahil nagpumilit si Porphyria sa comedy na genre, nagtiis ako sa cringe na 90s film na pumapatungkol sa yaya na nagiging ipis kapag bilog ang buwan o ewan. Ang alam ko lang ay ang sakit ng kalmot ni Rikko na pusa. Kinaya ko naman para sa kaniya, pasalamat, at mag-aalas dos na nang sinabi ni Porphyria na matutulog na siya.
Nakatulog na nga siya at naiwan naman kami ni Jhian. Ayaw niya pang umalis- kesyo may kinalaman daw sa mga maraming krimen tuwing madaling araw. Maglalaro sana kami ng kahit ano nang nag-blackout pa sakto. Kaya ngayon ay parang nakaupo lang kami sa madilim ng sala. Ang awkward.
Hindi pa ako nakikipag-usap kay Jhian nang maayos bukod sa kaunting tango o tawa sa mga reklamo niya sa pinanood namin kanina. Kaya parang nakakaabala lang lalo na ramdam kong kanina pa siya nakatitig. Bakit ba siya nakatitig? Galit ba siya?
Kalma kalma. Hindi naman siya papatay. Siguro.
Subukan ko na lang muna magsalita. "Uh, kanina ka pa nakatingin?" Teka mali 'yung tono, para akong nang-aakusa!
Ayon sa imahinasyon kong bulok, naka-blanko pa rin 'yung mukha niya. Nakakunot-noo pa 'ata. Pero sa susunod niyang sinabi ay 'di akma sa iniisip ko. "...Okay ka lang ba talaga?"
"Huh?" lito kong sagot.
Ngayon ay biglang bumukas 'yung emergency lights ng kapitbahay sa labas ng bahay nila, nagbibigay ng kaunting liwanag sa loob. Nakita kong natakayo na pala si Jhian sa kinauupuan, nakakrus ang mga braso. Samantalang 'yung pusa sa bandang paanan niya ay ginagawa na siyang scratching post. "Narinig mo ako."
"...Okay lang." Mas okay na. Siguro. 'Di ko alam. Kumpara sa mga nagdaan, medyo maayos naman ang pakiramdam ko ngayon. 'Di ba?
"Alam kong nagsisinungaling ka, Rikko." May diin at pagkairita ang boses ni Jhian. Kahit sa kaunting liwanag lang, mukha siyang handa manakit. Bakit naman na siya galit ngayon?
Nerbyos akong napatawa, dahan-dahang humahakbang palayo. Safety precautions, ika nga. "Pasensya na," mahina kong sabi. Gusto ko muna umalis, nakakasakal ang hangin. Nakakatakot. Asan ba 'yung deus ex machina tuwing kailangan ko?
"'Pasensya na'?" pag-uulit ni Jhian, mabilisang humahakbang palapit. Instinktibo akong napatingin na lang sa ibaba nang tinaas niya ang mga kamay.
Hindi dumating ang impake.
At pinunas niya lang sa sariling... mukha? Ano ginagawa niya? Umiiyak siya? Si Jhian, blankong mukha at mapang-asar, umiiyak?
Napatitig ako, parehong naguguluhan at 'di makapaniwala. "Ji...?" maalinlangan kong tanong.
Huminga siya nang malalim. "Ako-" Pumiyok siya sa nanginginig na boses. 'Di mapigilan ang tuloy tuloy na gabutil ng luha. "Ako dapat nanghihingi ng pasensya sa'yo."
Nanatili lang ako sa pwesto, 'di alam kung ano dapat sabihin.
Nagpatuloy lang si Jhian, "Sa mga panahong nangangailangan ka ng tulong... 'di ko napansin, wala ako nagawa. An-ano klaseng kaibigan ako?" Humikbi siya.
"Pase-" Nagawa kong kagatin ang dila. "W-wala ka dapat ika-sorry. Hindi mo naman..." Kasalanan? Alam? Kontrol?
Sinubukan kong ngumiti. Para sa kaniya, para sa'kin. "Ginawa ko naman 'to sa sarili ko. Ako mismo ang nagdala nito, kaya..."

BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Teen Fiction━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...