"Kapag sinabi ko talon, talon!""'D-di ba tayo makikita nito?!"
"Aw shush, kaya mo 'yan! Whoo, sige na! Sasaluhin naman kita! Pipikit ako pramis para 'di ko makita 'yung ano mo-"
May humampas sa'king sapatos sa mukha.
"Ikaw talaga..." daing ni Porphyria bago pumwesto para tumalon sa bintana. Tumawa ako sa kabila ng sakit.
Kanina, ang naturang suhestiyon sa pamamasyal ay agad na tinanggap nang walang komento. Kulang na lang ay tumalon siya sa kasiyahan, kaso bigla itong napalitan nang dinagdagan kong tatakas kami mula sa binatana na wala anumang paalam sa mga kaguruan at kaklase.
"You know, 'yung parang Romeo and Juliet," dagdag ko no'n na nakangisi, "with a twist nga lang. Itutulak kita sa dark side. Emo angst ang ating theme for tonight."
Namula agad si Porphyria. "A-ako naman 'yung mapapagalitan!"
"Ayaw mo 'yun, may thrill? At saka ang romantic kaya, pwede kang ma-guidance."
"Kailan naging romantic 'yung ma-suspend ako?!"
Ngayong sa kasalukuyan... buset, paanong natamaan ako ng sapatos? Ansakit sa gwapo kong mukha at pride!
"Okay... eto na!" sambit ni Porphyria. Ibinaba niya ang paa niya at...
...Agad niya namang naapakan 'yung ibaba. Kaya 'di ko maitindihan 'yung kadramahan nito kanina eh. 'Di naman na kailangan tumalon para makalabas at mababaw naman ang tatalunan!
Kumpara sa ma-judgmental kong tingin, kabang-kabado naman si Porphyria kung makahawak sa dibdib. "Ah... first time ko lang lumabas ng 'di nagpapaalam..."
"Phyri," tugon ko, "lumabas tayo sa tyan ng nanay na'tin nang walang pahintulot. Matagal na tayong rebelde, panindigan na lang na'tin!"
"...Sure." 'Di naman siya mukhang kumbinsido. "So, saan tayo pupunta?"
Huminto ako. Ah, yes. Mukhang masyado ako naging excited lumabas kanina at napakakapal na ng atmospera. Hindi ko napag-isipan ng maigi kung saang lupalop ba kami pwedeng mapadpad. Hindi pa nga kami mismo nakakalabas ng Villa- may mga nag-papatrol na staff. Katakot.
Oh well.
Hinawakan ko si Porphyria sa magkabilang balikat, na muntikan na mapatalon sa gulat. Bago man siya makapag-protesta, ngumisi ako. "Alam mo, life is an adventure..."
Napasinghot kaagad si Porphyria sa dunong kong mahiwaga.
***
"Next time talaga, pwedeng ilipad na lang kita sa Japan."
Hindi madali makalabas sa Villa. May mga matatandang naka-flashlight at umiikot-ikot na akala mo ba ay discount pulisya mula sa Robbery Rob. Sobrang tahimik din ng kapaligiran, kaya kahit isang tapak mo lang ng ligaw na dahon eh rinig ka na. Parang pamilyar na senaryo lang kapag nagluluto ka ng noodles sa madaling araw.
Paano nga ba kami nakalabas? Haha. Lumipad kami.
Sabihin na lang na'tin na, sobrang nabigla si Porphyria.
"B-ba-bakit 'di mo na lang s-sinabi sa'kin na gagawin mo 'yun?!" Nakakapit na lang siya ng sobra sa dingding ng saan mang ligaw na kalye ko kami ipinadpad. Medyo malapit-lapit sa Villa, pero 'di gaano kalayo. Goldilocks zone, sakto laaang.
Madilim na ang kapaligiran, wala masyadong katao. Kaya walang makakakita na mukhang engot na nanginginig at sumisigaw sa hangin si Porphyria. Hindi naman, actually. Kung meron man magsasabi no'n, sasakalin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/241736675-288-k573462.jpg)
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Novela Juvenil━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...