( 1K Special ; RomCom AU )

13 3 219
                                    

a/n : as per requested by my best fan, fave net person, ilysm mi zure. sorry sa unnecessary angst these past chapters DD: nyway thank you for the 1k reads holy shat ily all.



"Valentines na bukas."

"Pake ko."

Hinampas ni Rikko ang mesa. "Seryosohin mo ko Ji!"

"Kailan ka rin ba naging seryoso sa mga sinasabi ko?" taas kilay na sagot ni Jhian, abalang abala sa pagbabasa ng notes sa Calculus. Ang nakakapagtaka, wala naman 'yang asignatura sa grade nila ngayon. Mema, as usual.

Tinawanan siya ni Rikko. "Kaya walang sumeseryoso sa'yo eh."

"Hayop." Sinara na ang libro. Naku, masama 'to. "Kaysa naman sa'yong torpe. Tanda mo pa 'yung ginawa mo last month?"

Wala na siyang ibang pinaparinggan kundi ang nakakahiyang estado ng kaibigan niya ngayon. Biruin niyo naman, ilang taon na siyang nagkakagusto sa nag-iisang Porphyria Villaflores, pero 'di niya pa rin magawang mag-Hokage moves, 'di katulad ng inaasar niya kay Jhian no'n sa mga crush nito. Hipokrito. Pinaka-latest na attempt ni Rikko, nag-pickup line sa kalagitnaan ng hallway.

Humarap siya kay Porphyria. Sumandal sa pader, nakangiti para pogi points. "Ang kasiyahan ng mga tao ay nagsisimula sa letrang K. Pero bakit sa'kin, nagsisimula sa-u?"

Tinigtigan lang siya ni Porphyria. Tumitig na rin ang mga nakikiraang estudyante. Nakatitig din ang mga guro. Si Miera, nakakabata niyang kapatid, lumayo sa kaniya. "'Di ko 'yan kilala," turan nito.

"Uhm, uh," utal ni Porphyria, parang pinipilit na lang siguro sumimangot para pigilan ang pagngiti sa tawa. "Kasi dyslexic ka?"

"'WAG MO NA IPAALALA!" bulyaw ni Rikko, sinabayan pa ng paghampas ng mukha sa mesa.

Tumawa lang ang sadistang maligno. "So ano plano mo sa valentines?"

"Ingudngod ka sa pinakamalapit na semento."

"Boring. Try mo uli."

Napapikit si Rikko. "Masoschist ka?!" Nang sagutan siya ng mahinang, "tangina mo" at kamot sa ulo, saka na siya nag-seryoso. "May pa-culminating event 'yung school para sa Feb. 14, maraming pakulo 'yung mga clubs at teacher. Ang exciting kaya! Pwede ako kumita sa panghaharana!"

"Ah, 'di loyal."

Sinimangutan siya ni Rikko. "Kilala mo naman ako 'di ba? Kahit na napakaraming nakapila kay gwapong Rikko Miguelz, never ako mangangabit. Kailangan kong kumita sa future namin, Ji! Future! Ayokong maging househusband lang!"

May halong katotohanan din naman ang delusyong iyon.

Dulot ng isang 'di maswerteng hands-on activity sa Home Economics, naging "well-known fact" sa buong grade na takot si Porphyria sa mantika (tumatakbo pagkatapos ilagay ang lulutuin sa kawali), mabagal at bulok manghiwa ng mga gulay (mukhang tinorture pa kamo), humahagulgol sa sibuyas (napapakwento na rin sa namatay niyang aso five years ago), at tanga-tanga utusan (lumpiang shanghai, bakit may toge sa loob?!). Paano mo 'to papahawikin ng kumukulong kawali nang hindi napapatid sa sariling paa?

"Seryoso, bakit ka ba nagkagusto ro'n? Ang sungit pa nga," ngutya ng malignong wala rin namang matinong tipo.

(Bagay sila, dalawang hipokrito.)

Sinimangutan siya ni Rikko. "Love is... uh, unexplainable. Yes, unexplainable. Magugulat ka na lang may gusto ka na sa taong 'to. It's like Diarrhea nga, you can't hold it in."

"Potang analogy 'yan!"

"Eh ikaw nga nagkagusto ro'n sa dugyuting nanghuhuli tipaklong at binubudburan ng powder para sabihing may rare species siyang natagpuan sa damuhan no'ng grade two!"

Wishing For A Happy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon