( tw : mentions of noncon )
Maraming napapahinto at napapatitig sa display ng sobrang kaliwanagan. Sa katotohanan, kung dadaan ba ako rito sa abandonadong estraktura na malapit-lapit sa sibilisasyon, punong puno ng mga taong karamihan ay matatanda, lahat nakaluhod at nakaharap sa kung anu-anong ilaw na nakapalibot sa makalawang na pinto habang ang isa naman ay sumasayaw, magtataka talaga ako kung anong klaseng kulto ito.
Ngayon parang gusto ko panandaliang mawala sa kahihiyan.
"Uuuuu ohhhhhh~" May kumakanta at sumasayaw pang matanda sa harap, hawak-hawak ang patpat na may tela o papel na 'di ko maitindihan. Nakaupo ang iba at nagdadasal, kumakanta na rin sa boses na nakaririndi. Ano 'to, Japan?
"'Nay, tama na. Marami na tumitingin," daing ko sa wakas. Tinigtigan ako kaagad ng masama.
Nilingon ni Nanay— ang matandang nakasuot ng mahabang bestida at mga alahas na may iba't ibang disenyong 'di ko maitindihan— 'yung isang nakatayong lalaki sa gilid. "Paalisin mo mga nakapalibot. Hindi matatapos ang seremonya," demanda nito.
Seremonya? Wala akong maitindihan ni isa. Tinawagan ko lang si Ate, bakit sumama na 'tong mga mokong na 'to?! Kung pwede lang sumigaw sa publiko at paalisin 'tong mga nanghihilot ng paa at kumakausap sa kandila! Bakit ba ganito pamilya ko?!
Kalmado akong umupo sa gilid.
Samantalang itong babae sa tabi ko ay parang naiiyak na. "D-dalawang oras na sila ro'n..." bulong ni Porphyria, kung sa'kin ba o sa sarili niya, 'di ko alam.
Sa panahon na ito ay papatahanin siya ng kaibigan at ngingitian ng may buong kumpyensa, sabay sabing, "Okay lang 'yan, 'wag ka na umiyak" at magiging maayos na ang lahat. Nais ko rin gawin, ang kaso nga lang ay 'di kami gaano magka-close. 'Di rin ako ngumingiti ng gano'n at kung magawa ko man 'yon ay aakalain nilang sinasaniban ako.
At saka, 'di maaring maayos ang lahat sa panandaliang saglit lang.
Awkward na lang ako tumingin sa gilid, bago bumuntong hininga at naglabas ng tissue galing sa ibang matatandang nagbigay kanina at iniabot ko sa kaniya. "O," tanging sabi ko.
Isang segundo siguro ang lumipas bago niya pa tanggapin. "Salamat..."
Tumahimik sa pagitan namin. Hinayaan kong luminga-linga ang mata ko sa dami ng mga taong nakapaligid sa abandonadong estraktura. Hindi ko mamataan si Ate, pero naroon si Althea sa magkasalungat na upuan namin ni Porphyria. Bakit 'di siya umupo rito para tabihan kaibigan niya?
Nahuli niya kong nakatitig. Agad naming pareho na nilayo ang tingin. Tsk. Bumuntong hininga ako ng malalim at ipinokus ang paningin sa ibang lugar. Pakiramdam ko 'di ako makahinga. Siguro sa sobrang lamig ng gabi, panigurado malapit na mag-alas onse. O alas dose. 'Di ko nakikita ang oras ngayon kaya't 'di ako sigurado.
"Ano... pwede bang magtanong?" biglang salita ni Porphyria. Tinanguan ko lang siya. "Kaibigan mo si Rikko noon pa, 'di ba...?"
Kung tama ako, ang ibig sabihin ng "noon" ay 'yong buhay pa siya. Tumango na lang ako ulit, pero 'di na nagpaliwanag pa. Sa totoo lang, ayaw ko magkwento kung saan ako nagkulang.
"Alam mo bang malaki ang pasasalamat niya sa'yo?" Agad akong napatingin, pero nagpatuloy lang si Porphyria, "Tu-tuwing kinukwento ka niya napapangiti siya... kahit na 'di niya direktahang sabihin sa'yo, alam kong masaya siyang nakilala ka niya."
Bumukas ang bibig ko, pero walang lumabas. Ngayon lang ako napatahimik ng ganito. Napatitig na lang ako kay Porphyria, ngayong nakataas na ang mata niya, diretso sa'kin. Inilayo ko kaagad at ayaw ko makita ang kapalaran niya.
Nagsalita pa siya, "Kaya... kung anuman ang iniisip mo, 'di ka sisisihin ni Rikko. Paniwalaan na'tin sila ni Mie... na makakalabas."
"Paanong...?" Namatay 'yung susunod na salita sa lalamunan ko, pero naitindihan naman iyon kaagad ni Porphyria.

BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Teen Fiction━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...