"Go to Jail."
"H-huh? Wala akong ginagawa!"
Inabot ni Jhian 'yung manggas ko at naglabas ng tatlong isang-daan. Ningitian ko siya. "Ah... hahaha, sa'n 'yung galing?"
Nakasimangot si Jhian. "Jail."
"Hindi mo ba naiitindihan sitwasyon ko Ji? Tignan mo pera ko, bente na lang... hanggang saan aabot 'to?"
"Sa kulungan." Boluntaryong nilapag ni Jhian ang pamato kong aso sa jail corner. Suminghap ako ng hangin, problemado sa daming baon ng utang. Bakit ba ang hirap mabuhay? Gusto ko na mamatay!
Nerbyos na tumawa si Porphyria sa gilid ko. "Uhm, mukhang seryoso kayo masyado ah?" Dumako ang tingin ko sa kaniya, desperadong desperado.
"P-Phyri... alam kong andami kong kasalanan sa'yo, pero pwede bang makahingi para mabayaran ko utang ko...?"
"Rikko, ako 'yung inuutangan mo." Tinignan niya pa 'yung notes pad niya. "Four thousand and six hundred. Lumapag ka pa kanina sa Ayala Avenue ko, lagpas na sa minimum natin."
Napakuyom ako ng palad. Sana mabulunan na lang ako sa hangin at mamatay na nang tuluyan. Baon na nga ang dalawa kong paa sa hukay pero eto pa rin ako stressed na stressed sa Bobopoly... Saka ko lang siguro napagtantong malas ako kahit saan.
Ah... oo nga pala, konteksto...
Naabutan kami ni Porphyria nagkakalat kagabi nang dadaan sana siya sa banyo. Tumitig siya sa'min nang matagal, tahimik. May umihip na malamig na hangin. Sa ilang segundo lang ay blanko na uli mukha ni Jhian.
"No homo," bulalas nito, nakataas pa ang kamay na parang hinoholdap.
"Ah... hahaha... haha... okay... " Sa tono ni Porphyria parang 'di kumbinsado.
Awkward na lang ako umupo sa tabi at tumalikod. Putang panahon 'to, bigla na lang ako nahiya maging malungkot. Pwede bang mawala lang muna ako saglit?
"Hindi pwede," biglang sagot ng delusyon ko.
Puta, 'di pa 'to tapos? "Bakit."
"Kapag nawala ka nang saglit, baka matuluyan ka na!"
"Good," singhal ko.
"Uhh, Rikko? Okay ka lang?" maalinlangang tanong ni Porphyria sa likod.
Dali-dali akong nagpunas ng mata. Tapos tumawa. "Swag..." Nais ko nang hagkan si Kamatayan.
Ramdam ko ang titig nila ni Jhian sa likod ko. Sa dulo, 'di na nakatulog si Porphyria at nag-aya na lang manood ulit o maglaro. Sumikat na ang araw at naglalaro pa rin kami ng Bobopoly pero ako naman itong kanina pang niyayakap ng kamalasan, baon na baon sa utang.
At saka, bakit ayaw pa umuwi nitong asungot?
Sinimangutan ako ni Jhian. "Oh?"
Niyakap ko ang tuhod ko, nakatingin ng masama. "Kailan ka pa uuwi?" Gusto ko ng quality time na hindi ako nahihibang sa presensya ng isang maligno.
Umiling lang siya nang dahan-dahan, mapang-asar pa nga. "Marami ngang krimen sa madaling araw."
"Eight na!"
"Eights still not the right time," biro nitong proud na proud.
Nagtinginan kami ni Porphyria. "Hahaha..." tumawa pa 'yung anghel, halatang pilit naman, "ang... punny mo."
Tinigtigan ko na lang siya para makonsensya sa bulok niyang humor. Pero bago pa magsalita ang isa sa amin ay tumayo si Porphyria. "Banyo lang saglit," paalam nito.
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Teen Fiction━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...
