/12/ Yes, Outside World!

25 10 114
                                    

"Uhm, so nakita mo 'yung—"

"Nahulog kayo, oo."

"Mula sa—"

"Kisame."

"At walang butas o anumang pinanggalingan namin..."

"Nakita ko," pagkumpirma ni Jhian. Nananatiling blanko ang mukha. Akala mo ba aktor ng mga ermitanyong maligno sa GMO Channel. 'Yung gano'n, basta.

Si Porphyria naman kabadong napatitig sa ibaba, iniiwasan ng tingin 'yung nakahuli sa'min. It's my time to shine na siguro.

"Tsk, alam mo, Jonathan-" panimula ko.

"Hindi ako si Jonathan," sabat naman ng isa.

"Shh, manahimik ka. Ikaw si Jonathan. So, eto nga..."

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Isa lang 'tong panaginip. Naglalaway ka na sa unan mo, gumising ka na."

Hindi man lang siya natinag, pero kita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya. "Bakla ka ba?"

Umiling ako sabay ngisi. "Bakit, interesado ka ba?"

"...Baka."

May humila sa'kin palayo. Namumula at nakasimangot si Porphyria, pero 'yung simangot niya nakapunto kay Jhian. "Tama siya, nanaginip ka lang, gumising ka na, bilisan mo!" parang pasigaw na niyang turan.

Napa-surprised Pikachu face ako. Tama ba naririnig ko o nabingi na ako? Nagseselos ba siya? Tsk naman, Porphyria.

Nilingon ko siya. "Phyri, 'wag ka magaalala. Straight ako."

"Huh?" Napaka-humble niya naman para magkunyaring naguguluhan.

Pumamewang ako. "Straight na babae."

Imbes na natawa, may mga namuong luha sa mata niya. "P-Phyri, huy!" natuloy lang siya sa pag-iyak. Sinubukan ko lang naman mag-joke, ano ginawa kong masama?!

May narinig kaming tumawa. Kahit na 'yung umiiyak na si Porphyria napahinto. Mula sa reaksyon niya, isa itong milagro kay Jhian. Milagro ng maligno. Ang funneh ko talaga.

"Ang halata niyo sa umpisa pa lang," patawa niyang sabi, "okay lang actually, hindi niyo na kailangan magpaliwanag."

"Talaga?" 'di makapaniwalang tugon ni Phyri habang nagpupunas ng luha.

"Weh? 'Lam mo na lahat?" pahabol ko naman. Pero syempre, sa umpisa pa lang naman nasuplayan na eh.

Tinuruan niya ako ng daliri. "Isa kang multo at meron kang 'di pa natatapos na misyon. Iniisip mong sa pamamagitan ng pagsunod mo sa kahilingan ni Porphyria," tinuro niya naman 'yung nabanggit, "ay matutupad iyon."

Wow, okay... ang specific naman. Saan kaya iyon galing? Napasulyap ako kay Porphyria, naka-surprised Pikachu face na rin.

"P-paano mo nalaman?" bulalas niya, "sinusundan mo ba kami noon pa?"

"Alam ko ang hitsura ng isang multo kapag nakita ko," pagpapaliwanag ni Jhian, lalo lang humina ang boses niya, "mula sa malabo nitong presensya, sa kulay abong usok na pumapaligid sa kanilang katawan, sa kaputlaang 'di pangkaraniwang sa mga nabubuhay."

Napahinto siya at tumitig sa'kin ng 'di ko inaasahan ay nakakakilabot. Bakit kasi may aircon sa office? "At ang sanhi ng kamatayan nito, may kinalaman sa leeg, tama ba?"

Napalunok ako sabay hawak sa leeg. "Mukha ba akong naputulan ng leeg?"

"Binitin," ngiti ni Jhian. Hayop 'to ah!

Sasabihin ko sanang gusto ko na siyang ibitin na patiwari, kaso lumapit si Porphyria sa harap niya. Wala pa siyang sinasabi, mukhang may iniisip na malalim. Kasal na siguro namin 'yun. "N-nakakakita ka rin?" medyo nakaka-disappoint na tanong niya.

Wishing For A Happy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon