Hay salamat!!! Buntong hininga ko habang palabas ng university, wala si Prof. Ismael ang aming last subject kaya naman medyo maaga akong makakauwi sa boarding house, nasa isip ko ang maglaba muna bago kalkalin ang mga assignments ko ngayong araw na to.
Uy Tatang Nick, nakarami na ba tayo dyan ng kita? Ngiting tanong ko kay tatang na naka pwesto sa gilid ng gate ng university ang paninda niyang kendi at ballpens.
"Diyaskeng batang ire, tama lang ang benta ko sa araw na to, bakit nga pala nandito ka eh mamaya pa lamang ang iyong labas?"
"Wala po kasi si Taba eh." Tugon ko sabay halakhak. Iiling iling at napapaubo na lang si tatang sa sagot ko at alam na alam naman nya kung sinong taba ang tinutukoy ko, walang iba kundi ang last subject prof ko na sobrang sungit.
"Tatang sige na po at umuwi na kayo, iba na po ang tunog ng ubo nyo medyo tahol aso na po eh." Ngisi ko kay tatang pero alam nya na nag aalala na ako sa matandang to.
Bakit naman kasi naisipan ng matandang to na di mag asawa kaya naman tumandang walang kasama sa buhay. Halos isang taon ko ng kakilala si tatang, ewan ko ba pero ang saya saya niyang kasama, marami kang words of wisdom na makukuha sa kanya. May itsura naman si tatang kahit matanda na ito. Mukha ngang aristokrata mula sa mga lahing espanyol ng sinaunang panahon. Ang tangos ng ilong, malamlam ang mga mata at medyo kaputian ang balat na idagdag pa ang pagiging matangkad nito. Kung di nga lang sa suot nyang kupasing damit at tindang kendi eh mapagkakamalan pa siyang mayaman sa tindig nito.
Ako na po ang bahala sa mga paninda nyo, di po ako mangungupit, pramis!" dagdag kong litanya kay tatang Nick.
"Sige na tatang, shuuu alis na dyan. Pahinga ka na muna sa bahay nyo" pagtataboy ko pa sa kanya.
"Ikaw na muna Zandy ang bahala ha, kailangan ko nga siguro ng pahinga". Malungkot na tugon nito.
Binilang muna naming lahat ng kita ni tatang at kanyang isinilid sa kupasin nyang pitaka. Naisip ko na mamya bibilhan ko sya ng bagong lagayan ng barya. Nag iwan lamang ng bente pesos na barya si tatang sa latang lagayan niya ng kita upang magamit kong panukli.
Isang oras pa at matatapos din naman ang klase ng ibang mga mag aaral sa university, malamang may kikitain pa ako sa isang oras na iyon. Wala akong pakialam sa mga tingin ng mga estudyanteng padaan daan sa pwesto ni tatang, malamang iniisip ng mga yun bakit ang magandang tulad ko ang nagtitinda ngayon. Yung mga kakilala kong napapadaan ay pilit kong sinasabihang bumili kaya naman after one hour kumita pa ako ng lampas isang daang piso.
"Yes! Matutuwa si tatang nito" sabay ligpit ko sa mga paninda at ipinakisuyo ko sa guard house.
Hay oo nga pala, naisip ko agad mga lalabhan kong uniform at assignment pero nangiti din ako bigla dahil yung peburit kong tatang eh natulungan ko. Sarap din sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa lalo na sa taong itinuring mo ng kadugo. Madali lang naman yung essay na assignment ko sa isang prof namin.
Ano kasi yung pamagat ng assignment? How to become a 21st Century teacher? Parang ganun ata! Oo kumukuha ako ng education sa university. Eh yun ang pangarap ng nanay ko sa akin na maging isang guro balang araw at magturo sa aming baryo.
Hindi naman sa ayaw kong maging guro at napipilitan lang ako sa pangarap ng aking ina pero anong magagawa ko kung di naman namin kakayanin ang tuition fee ng nursing na pinapangarap ko o kaya naman yung number two na dream ko ang HRM!
Scholar ako ni Don Jandro Monteclaro kung saan naninilbihan ang aking ina. Bilang ganti raw ng Don sa aking ina sa pagiging matapat nito eh binigyan ako ng pagkakataon na makapag aral ng libre. Oo ngat Dean's Lister ang kagandahan ko, malaki pa ring tulong ang pag aabot ng Don sa pambayad ng renta ng boarding house at mga pangangailangan sa loob ng university.
Pero syempre din man sapat na libre lang ang pag aaral meron din ibang gastusin tulad ng pagkain ko sa araw-araw kaya naman gat may pagkakakitaan gina-grab ko agad, ayung mag part time waitress ako sa catering ng mga magulang ni Trisha isa sa mga kaibigan at kaklase ko sa university.
Nakakatuwa nga minsan pinapangarap ko ang mag bake ng mga desserts na nakikita kong nilalapag sa handaan tuwing ako ay magpapart time sa catering nila.
Minsan naman ako ang taga gawa ng mga assignment ng mga kaklase ko, mamaya nga yung essay na assignment namin ay may nag pagawa na ng tatlo sa mga kaklase ko, tig bebente din bayad nila sa akin. O di wala na ako problema sa kakainin ko mamyang gabi at bukas ng umaga. Sa makalawa pa kasi magpapadala si nanay kaya naman kailangan kumayod ako kung hindi nganga ang beauty ko.
Sabado naman bukas kaya tatao muna ako dun sa karinderya ni Manang Nelia, sayang din isang daang pisong ibabayad nya sa akin, libre pa nun ang pagkain ko.
Tuwing Weekends di ako umuuwi sa probinsya, kailangang magtipid, yung ipamamasahe ko eh gagamitin ko na lng sa mga gastusin sa university tulad ng pagpapaxerox ng mga aklat na kailangan sa ibang mga subjects or ang mga walang katapusang singilan sa loob ng klase!
Oh diba, di lang ako maganda kundi napakasipag ko pa!
Hay tama nga naman ang kasabihang mahirap maging mahirap! Pero mahirap ang di ka maghirap para umahon sa kahirapan! Ang daming hirap nun ah!
"Parang may mali? Kanina pa ako nakakaramdam na may mga matang nakaantabay sa akin habang nakatayo ako at nag aabang ng masasakyang jeep.
OMG! Bka may gustong kumidnap sa akin? Baka marape ako! Masira ang kinabukasan ko at mawasak ang phem-phem ko!"
Palingon lingon ako sa aking paligid, wala naman akong nakikitang kahina hinalang tao na may masamang tangka sa akin! Feeling talaga ako, pero iba talaga sa pakiramdam. Mabuti na lamang at saktong may jeep na pumara sa tapat ko kayat isa ako sa mga nakipagsisikan upang makasakay at makauwi na sa boarding house.
---------
"Siya po ba Senyor?' turo ng lalaki sa matandang senyor sa babaing nakipagsiksikan upang makasakay sa jeep.
"Yes Andres, I like her. She's perfect and I won't take a No from her!" "My decision is final!" maawtoridad nitong bigkas sa driver, "Let's go, I have something to do." Pakling bigkas ng matanda na ikinagulat ngunit agad na sinunod ng lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/242404860-288-k163876.jpg)
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Fiction généralePaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...