CHAPTER 6

4.3K 70 4
                                    

"Fiesta sa kabilang baryo ate, hindi mo ba papasyalan sina Elai at Lita?" busy kaming naghuhugas ni Andeng ng mga pinagkainan dito sa kusina ng mansion.

"Hmmm, magpapaalam ako mamya kay naynay after natin malinis ang kusina. Samahan mo ako, tapos pasyal na rin tayo sa peryahan."

"Mga anong oras tayo aalis?"

Nabigla kaming napalingon ni Andeng. Mabuti na lang at hindi nadulas sa mga kamay namin ang mga hinuhugasang pinggan.

"Luna?" Sa ikalawang pagkakataon, bakit hindi namin naramdaman na nasa likuran namin ito at nakikinig sa usapan naming magkapatid.

"Sabi ko, mga anong oras tayo aalis para makipamyesta?" ngingisi ngising excited na turan pa nito.

"Ahm sasama po ba kayo sa amin? Sigurado po ba kayo?" sabad ni Andeng.

Ayaw ninyo akong kasama?" nalungkot ang berdeng mata nito. 

Kahit naman ayaw ng isang tao na makasama si Luna, mapipilitan pa rin nito na isama siya. Mukha kasing spoiled ito kina Altis. lahat ng gusto nito ay pinagbibigyan. Mahirap yatang pasakitan ng loob ang isang kagaya niya pagkat mukhang marami ang ba-back up sa kanya. Sana all katulad ni Luna.

"Naku Luna, hindi sa ayaw ka namin na kasama kaya lang eh nakakahiya kasi simpleng mga tao lang kami at ang mga kaibigan ko na madaratnan natin sa kabilang baryo." Nagmamadali kong tugon baka kasi makita ako nina Neith na pinalungkot namin si Luna. Ano pang maisip na masama ng magkakaibigan sa aming magkapatid. baka masabihan pa kami nina Neith na nagmamaldita sa kanilang prinsesa. 

"So what? Isasama ninyo ako di ba?" pagpupumilit pa nito.

Napatango na lang kaming magkapatid. mas okay na kasama namin siya para mas masaya. the more, the merrier.

"Yes! Alis tayo ng mga 5pm pwede? Sige magpapaalam muna ako kina Alpha" sabay takbo papunta sa sala kung saan naghuhuntahan ang mga kalalakihang bisita ni Altis.

Nagkatinginan na lang kaming magkapatid.

------------------------------------

Simpleng pantalon at blouse ang suot naming magkapatid. Nandirito kami ngayon sa harapan ng pinakapinto ng mansion at hinihintay si Luna. Agad kaming napabaling sa kanya, medyo maluwang na sleeveless na may hood ang pang itaas nito, ripped jeans at sneakers ang suot niyang pang ibaba. Ang simple lang ng suot niya pero ang lakas ng hatak, halatang halata na galing sa isang mayamang pamilya. Nagmumukha tuloy kaming basahan kapag katabi itong si Luna.

"Ang ganda naman ninyong magkapatid? Nakakainggit kayo!" Nagtatakang napamaang na lang kami sa tinuran niya. hindi yata siya aware na sa aming tatlo siya ang maganda. 

"Tara na? gusto ninyo bang magmotor o hiramin ko yung raptor ni Alpha?"

"Naku ang lapit lang ng baryong pupuntahan natin, maglakad na lang tayo para maexperience mo naman yung magandang tanawin na madadaanan natin."

"Okey then let's walk." Nagulat kaming tatlo nang marinig ang baritonong boses ni Altis. Katabi nito si Neith at parehong naka faded jeans at sneakers. Fitted white v-neck shirt ang suot ni Altis at Long sleeves round neck shirt nman ang kay Neith na inirolyo niya gang sa itaas ng siko ang manggas. Saan kaya ang photo shoot ng dalawang modelo na to?

"Saan ang punta ninyong dalawa?" tanong ng nakangangang si Luna. nakakunot ang noo nito na parang may namumuo ng idea sa utak.

"Makikifiesta kasama ninyo." Tamad na turan ni Neith habang malamig itong nakatingin sa kausap.

Men In Uniform  (MIU Series 1) Neith Vidar OliverosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon