In our group I was tagged as the Snob Nieth, and I don't care at all.
Nagsimula akong mapasali sa grupo nina Alpha ng palitan ko ang aking ama sa posisyon nito sa organisasyon. My parents met an accident, both of them died at that moment.
Naiwan kaming dalawa ni Vera sa pangangalaga sa ilalim ng malamig at istriktong abuelo Nick. I was just fourteen years old then and Vera was just six years of age.
"You will fill the spot of your father. You will train under the organization and you'll be part of the young master's knights. " Seryosong saad ng abuelo
"I don't want to be part of your stupid group." Matamlay kong sagot sa kanya
"That stupid organization is your only answer to regain revenge Neith." malakulog na dumadagundong ang boses ng aking abuelo, tila nagalit sa pagsabi ko ng hindi kagandahang salita laban sa kaniyang kinabibilangang organisasyon.
"Hindi namatay ang mga magulang ninyo sa aksidente, they were murdered!" galit na sambit nito.
Late ko na lang nalaman na sadyang pinapatay ang aming mga magulang. May bombang ikinabit sa makina ng kotse ni daddy kaya sabay na namatay ang parents ko ng sumabog ang sinasakyan.
At ngayon ipinapaalam na sa akin ng Lolo Nick ang tinatago nilang lihim. Ang tahimik na organisasyong kinabibilangan niya at ng aking ama, na di maglalaon ay magiging parte na rin ng tahimik kong buhay.
"Ang organisasyong iyon ang siyang nagpatibay sa ating negosyo, nagpaganda sa ating buhay! Isa itong pader na hindi kailanman magigiba kaya dapat pangalagaan dahil maraming tao ang nakasandal dito! Ang bawat miyembro nito ay habambuhay ng magiging parte rito. Even your son and grandson will be part of it." Matiim na tinitigan ako ng aking lolo
"If you reject the organization, Vera will fill in! Iiwan mo ba sa iyong kapatid ang tungkulin? Maatim mong akuin ng iyong kapatid na babae ang mga bagay na ito?"
"Ikaw din ba ang nagpilit kay dad para makasali sa grupo?" madilim kong tanong kay lolo Nick
"I am one of the pioneer of the group, we are called Suppremos, it is then the prerogative of my son to be part of it." Nakakita ako ng hapdi sa mga mata ng lolo.
"So it was also you who lead your son to face his own death!" Galit kong sigaw. Nakita ko ang hapdi na gumuhit sa mga mata ng aking lolo. Nasaktan ito sa aking tinuran.
Wala na akong pakialam kung nakapanakit ako ng damdamin. Mas masakit sa akin ang pagkawala n gaming mga magulang. Napakabata pa ng kapatid ko. Kaming dalawa na lamang sa mundo.
"I will accept to be part of it, I wont let Vera suffer! Ako na lang! And as long as I live, I will never going to forgive you! You yourself killed my parents!"
--------------------------------------------
"The organization is more important than your life! Better be dead than lose it!" matigas na sambit ng isa sa aming mga trainor.
"In every battle, don't come first and don't come last! You have each other, be each other's backbone!"
"Always be brave even if you are a coward!"
"The organization has no respect for weaklings so Don't ever beg for mercy!"
"Do not choose where to be but rather go where you are to be deployed!"
"Lastly, don't get yourself kill!"
At a young age we were trained! Alpha, Altis, Monti, Kaide, Nero and I, even our queen Luna hindi nakaligtas sa hagupit ng mga pinapagawa nila upang maging handa kami na maipagtanggol ang organisasyon.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Ficção GeralPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...