Pabalik na ako sa office ni Neith nang biglang may mabilis na humintong itim na van sa aking harapan, hindi ko sana iyon papansinin pero nabigla ako nang mabilis na lumabas mula sa van ang dalawang lalaki na nakasuot ng bonet sa mukha.
Nahihintakutang tinignan ko ang mga ito. Waring nakapagkit ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Mabilis nila akong nahila papasok at tinakpan ng panyo ang aking ilong at bibig.
Hindi ko na nagawa pang humingi nang saklolo. Napakabilis nang mga pangyayari.
Neith please help me yun na lang ang huli kong nasambit bago nagdilim ang aking paningin.
----------------------------------
Nadatnan ko si Del Mundo na naghihintay sa lugar na aming napag usapan. Halos sabay kami ni Monti na nakarating doon.
Dala-dala na ni Monti ang lahat ng pwede naming magamit. High powered guns and ammos, protective gear, tear gas, daggers and ear piece to connect us with one another.
Mabilisan naming isinuot at inayos ang sarili.
"Bakit nandito ka Del Mundo?" matalim ang titig ni Monti
"Our queen invited me here." Tamad nitong sagot.
Nakita naming nagmamadaling lumabas sa kaniyang sasakyan si Altis at mabilis akong binigyan ng suntok sa panga.
"BullSh!T Monteclaro!" mariing inawat ni Monti si Altis habang sapo sapo ko ang aking panga
"Tangina ka! Bakit nakidnapped ang kapatid ko?" nagbabaga ang galit nito sa mata
"Tumigil na nga kayo!" dinig naming sabi ni Kaide na kadarating din.
Binitawan ni Monti si Altis at sabay sila ni Kaide na nagsuot ng gear.
"Uy Del Mundo, long time no see." Nakangising pansin ni Kaide
Del Mundo throws his middle finger.
"Tapos na kayo? Para kayong mga bata?" rinig naming lahat si Luna sa aming mga earpiece.
"Nasaan ka?" I asked her.
"I can see you fvckers! Isang kalabit ko lang at paglalamayan kayong lima riyan!"
Tumingala ako sa isang abandonadong building sa malapit, we knew that she's there. She is our lady sniper.
"What's the plan?" tamad pang tanong ni Del Mundo habang pinupuno ng bala ang lahat ng magazine nito.
Halos sabay-sabay naming kinasa ang mga hawak na baril.
"Luna, can you see my wife?" I nervously ask
"Yeah, isa nga siyang Monteclaro. Tahimik lang at mukhang nag-iisip kung paano makakatakas."
"If someone touches her, kill them!" I command her
"Tsk, pu$sy Neith!'' she tease
"Nero, May mga paparating pa ba?" it's Kaide
"Wala na, don't worry, I'm at your back." Mabilis na tugon ni Nero sa kabilang linya. alam na alam namin na nakaharap na naman ito sa computer at binabantayan ang location namin.
"Okay lets party." Excited na sabi ni Monti
"We need a plan gago!" sambit ni Altis
"Luna" tawag ko sa kanya
"Okay, Oplan Iligtas si Zandy. Yun ang plano." Sagot nito
"Ang galing ng plano mo!" nagpapalatak na si Kaide
![](https://img.wattpad.com/cover/242404860-288-k163876.jpg)
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Ficción GeneralPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...