My life seems flowing smoothly. Wala na akong mahihiling pa.
Lolo Nick invited us to his mansion and have dinner together. Masayang masaya ang matanda, kitang kita sa mga mata nito ang sigla lalo tuwing tinititigan niya ang nakaumbok kong tiyan.
I am eigth month pregnant, isang buwan na lang at malapit na akong manganak.
Excited ang dalawang abuelo na makita na ang kanilang apo sa tuhod.
"Maganda ang Nickolo sa name ng apo ko. Nickola kung babae" mayabang na liyad ng dibdib ni lolo Nick.
"At bakit ipapangalan sa iyo ang magiging apo natin? Maganda ang Alejandro o Alejandra!" angil ni lolo Jandro. Napapailing na lang ako sa matatandang ito.
Pare-parehong mga isip bata. Idagdag pa si Neith na pilit ding pinapapangalan sa kaniya ang magiging anak namin.
Hindi pa nila alam ang gender ng magiging anak ko. Inilihim ni Dra. Issa ito sa amin, iyon kasi ang nirequest ko sa kaniya. Gusto ko na masurprise kami sa pagluwal sa magiging panganay namin ni Neith.
"Nick apo, ikaw dapat ang mag udyok sa asawa mo na ipangalan sa akin ang anak nyo." Utos ni lolo Nick kay Neith. Napakamot na lang sa ulo ang aking asawa.
"Zandy, ako ang lolo mo at maganda sa pandinig ang pangalan ko.'' Masungit na saad naman ng aking abuelo.
Narinig naming tumatawa si Vera. Nakavideo call kami dahil nasa Europe na si Vera at dun na nag aral sa kolehiyo.
"Sayang ate, wala ako dyan. Kapag girl, Vera na lang ang name ha?" pang aasar din niya.
"No way! Lalaking maarte ang anak ko gaya mo! Ayoko!" masungit na tugon ni Neith.
"Whatever kuya!" pairap na sambit ni Vera
Sabay sabay na kaming nagpunta sa hapag at inumpisahan nang kumain ng hapunan. Naroon din si Kuya Altis na matamang nakikinig sa mga usapan about sa business.
"Neith iho." Sambit ni Lolo Nick
"Bakit po?"
"Inayos ko na ang mga papeles na pagmamay-ari ninyo ng apo kong si Vera kay Attorney."
"You don't need to do that." He eyed his lolo Nick
"I have to do it, you're on your own na. May sarili ka ng pamilya. Magiging ama ka na kaya mas lalo mong pag-igihang pagtrabahuin ang mga ari-ariang ipamamana ko sa iyo."
"Pero lolo"
"Wala ng pero pero pa, salamat kay Zandy at muling naging maayos ang buhay natin. Siya ang dahilan kung bakit nagiging malapit na naman tayo sa isat-isa." Malambing akong tinignan ni lolo Nick. Nginitian ko siya.
"Pero kapag gumawa ka ng kalokohan, maraming pupukpok sa ulo mo, sinasabi ko sa iyo!" matalim ulit ang titig nit okay Neith.
Napabungisngis ako sa tinuran ni Lolo Nick. Nailing iling naman ang aking asawa habang natatawa sina Lolo Jandro at kuya Altis.
Magsimula kasi ng mabuntis ako ay mas lalong naging pursigido si lolo Nick na magkaayos sila ng asawa ko. Lagi na lang itong namamasyal sa bahay namin at kung anu-ano ang mga gamit at laruan ang pinapasalubong niya. Nakita ni Neith ang paggiging malambing ng kaniyang lolo sa akin at ramdam ni Neith ang paghahanap ng karamay ni lolo Nick.
Unti unting binuksan ng aking asawa ang kaniyang puso upang ang sama ng loob sa isat-isa ay maglaho na. Gusto ko rin naman na maging maayos na ang lahat. Kung anuman ang hindi nila pinagkasunduan noon ay ilimot na lang at iwan ang nakaraan. Mas maganda pa rin ang mamuhay na puno ng pagmamahal sa iyong pagkatao.

BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 1) Neith Vidar Oliveros
Fiksi UmumPaano mo mapapaibig ang asawa mo kung sa una pa lang ay napilitan lamang siya na pakasalan ka? Paano mo mapapaamo ang isang malamig at snob na si Neith Vidar Oliveros? Kumusta kaya ang buhay may-asawa sa piling ng isang lalaking malamig pa sa yelo...