CHAPTER 27

3.3K 51 1
                                    

 Neith's friends decided to have a barbeque party at the garden. I saw Alpha, Kuya Altis and Monti arranging the tables and chairs. While Luna and Kaide are busy cooking at the electric griller. Nero and Neith just came from the house with buckets full of ice and beers on their hands. Inilapag nila ang mga iyon sa lamesa at agad ding bumalik sa loob ng bahay.

Naupo na kaming tatlo nina Vera at Lira, nagkukwentuhan habang hinihintay ang mga ito. Muling nagbalik sina Neith dala-dala ang mga baso na may lamang strawberry shake. Tumabi si Neith sa akin at si Nero naman kay Vera. Iniabot nila sa amin ang mga basong dala. Magkakasabay ring nagsiupuan sina Monti at Kuya Altis. Tumabi si Kaide kay Lira habang si Luna ay busy na inihapag ang mga naluto ng karne.

Napapansin ko palagi na lang nasa pang-duluhan ng mesa pinapaupo si Alpha gayon din ang Kuya Altis. Nakasanayan naba nila yun?

'You've done great on your first assignment." It's Alpha talking to Luna.

Tao pala si Alpha? Marunong din palang makipagkwentuhan.

"You know that I pulled trough it with your help guys." She is sweetly smiling at everyone.

"Matatambakan ka ng assignment nyan sa pinakita mong galing." Pagbabanta ni Nero

"Saffiro is always at my side, don't worry." Ani pa ni Luna

"Just be careful." Matiim na tinitigan ni Alpha si Luna. She warmly smiled at him

"Laro tayo." Pilyong ngisi ni Kaide

Lahat ay natuon ang tingin sa kaniya.

"Truth or dare." Pakamot kamot pa ang ulo nito

"Ayoko nun." Angil ni Monti

"SIge ano naiisip mong laro?" patanong ni Neith sa kaniya

"Naisip ko na mag Truth or dare tayo!" mayabang pang sagot ni Monti

"Gago!" magkapanabay pang sigaw nina Neith

"Call, may parusa ang umayaw!" natutuwang sabi ni Luna

Mabilis na tinungga at inubos ni Kaide ang lamang beer sa bote nito at pabagsak na inilapat sa lamesa, ipinahiga niya ang bote at mabilis na iniikot.

Makapigil hininga ang paghihintay naming lahat sa kung sino man ang mauunang maging taya sa laro.

"Kapag nga naman sinuswerte ka." Ngingisi-ngisi sa kasiyahan si Kaide habang nakatingin sa unang magiging taya sa laro.

"Yes!" nagpapalatak sa tuwa nina Nero at Neith sa naging kapalaran ng kaibigan.

"Fvck your as$ Kaide!" pagalit na sigaw ni Monti nang makita na sa kaniya nakaturo ang nguso ng bote nang huminto ito sa pag-ikot.

"May mga babae, your big mouth!" Mabilis na pinalo ni Luna si Monti sa balikat.

"Aray naman Luna, ang bigat ng kamay mo!" reklamo pa nito.

"Don't ask me questions! It's a Dare!" masungit niya pang sambit na lalong ikinatuwa ng mga kaibigan ni Neith.

"We like to see your catwalk." Ngiting demonyo na ang naglalaro sa labi ni Kaide

"Yun lang?" nababanaagan na ang pag-aalala ni Monti sa dare ni Kaide.

"Fvck! I should choose truth instead!" dagdag pa nito

"Walk like a model." Utos ni Kaide

"That's it? So basic!" hindi makapaniwala at nagdududang turan ni Monti

"Maglakad ka na gumigiling ang balakang na parang babae at sa dulo ay umikot ka ng tatlong beses at sumigaw ng malakas sa pambabaeng boses ng "Darna!" mahabang explain ni Kaide

Men In Uniform  (MIU Series 1) Neith Vidar OliverosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon