"MAHAL..." tawag sa akin ni Enzo. Hindi ko siya pinakinggan. May iniisip ako. Bakit ganoon? Hindi pa rin maalis sa utak ko ang nakita kong dugo sa kama at yung naramdaman kong 'sakit' kanina... At ang nakakainis pa natatakot akong itanong kay Enzo ang tungkol doon. Somehow, sa puso ko, parang binabalaan akong 'huwag ko na lang itanong sa kanya' na mas lalong kinatatakot ko. Ano just go with the flow na lang ang drama ko? Kasi naman paano kong hindi nga kami mag asawa? Binigay ko ang sarili ko sa kanya ng kusa? Pero kasi... kainis! Mababaliw na ako sa kakaisip!
Napapikit ako nang masuyong hinalikan ni Enzo ang likuran ko. Gising pa siya? Akala ko nakatulog siya...
Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko sa ginawa niya. Nasa loob kami ng kumot, hubo't hubad kaming pareho.
"Enzo, tumigil ka, please..." mahinang daing ko nang bumaba ang mga halik niya. Pumasok siya sa loob ng kumot at tinuloy ang ginagawa niya. Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Napalunok ako nang malapit na sa may bewang ko ang halik niya...
"Enzo please..." Pakiusap ko at napakapit ng mahigpit sa kumot.
Tumigil siya sa paghalik sa akin. "Ayoko." Hinalikan naman niya ako pataas... "Tingin ka muna sa akin..." Mahina at nang aakit na wika niya sa gitna ng paghalik niya. Ramdam ko ang hininga niya na nagpakilabot sa katawan ko. Yumakap siya sa akin ng mahigpit pagkatapos. Nakatalikod kasi ako sa kanya kasi nahihiya ako. Oo nahihiya ako. Kahit na may mga tanong ako, hindi pa rin mawawala ang ginawa ko kanina. Bigay na bigay ako sa kanya. Kaya nga hindi ko maitanong yung gusto kong itanong eh! Kaya hindi ko alam na gising siya! Kasi akala ko natulog na gad siya-yun ang gusto kong isipin! Nakakahiya talaga tuwing naalala ko ang bawat rekasyon ko sa ginawa niya at ang mga pinaggagawa ko! Ang landi ko kanina!
Pero hindi pa rin maalis sa utak ko... Nakagat ko ang labi ko at nilakasan ang loob ko. Kailan ko itatanong sa kanya ito? Yung mas lalong dumami ang tanong ko? O hihintayin ko na lang na maalala ko ang lahat? Pero kailan naman mangyayari yun?
"Sabi mo asawa kita..." mahinang wika ko sa kanya. Napatigil siya sa paghalik sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang pagluwag ng pagkakayakap niya sa akin.
Eh?
Bakit ganito ang reaksyon niya?
Kinabahan agad ako at parang naubos ang laway ko. Hindi ko masabi ang gusto kong idugtong.
"Oo naman Rosario... Asawa mo ako, asawa kita. Mag asawa tayo." Madiin na sagot niya na para bang kinukumbinsi niya ako.
Bakit ganoon... Nakagat ko ang labi ko. Masama bang hindi ako maniwala sa sinabi niya?
Kung mag-asawa na kami, bakit ngayon lang nabasag ang kinaiingatan ko sa kanya? May amnesiya ako pero hindi ako tanga. 'Yung sakit na naramdaman ko ng ipasok niya ang sa kanya sa akin, alam ko. Ito ang unang beses na makipagtalik ako sa kanya. Lumingon ako sa kanya.
"Ano ba talaga ang totoo?" pakikusap ko sa kanya. "Sabihin mo sa akin ang totoo, Enzo. May amnesiya lang ako, hindi ako tanga. Ito ang unang beses na may nangyari sa atin! Sabi mo asawa mo ako, imposible naman na walang nangyari sa atin nung hindi ako na-hospital o noong hindi pa ako naaksidente..." tinitigan lang ako ni Enzo pagkatapos kung sabihin ang gunugulo sa utak ko. Humarap na ako sa kanya ng tuluyan at hinawakan ang mukha niya. "Enzo, alam kung huli na ang lahat para tanungin 'to pero gusto kong malaman, asawa ba talaga kita?" tanong ko sa kanya. Maraming beses ko na natanong to sa kanya pero ngayon, gusto ko malaman ulit ang sagot niya.
Walang naging reaksyon si Enzo sa tanong ko kaya kinabahan ako lalo.
Kung hindi ko siya asawa, ano na? Anong gagawin ko?!
![](https://img.wattpad.com/cover/241185860-288-k236255.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
General FictionAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.