Rosario
Naalala ko noong sampung taong gulang ako, namatay ang ama ko dahil nakuryente siya habang nangingisda sa sapa, dahil doon nagbago ang buhay namin.
Simula pa lang hindi kami namumuhay ng mariwasa, tama lang. Noong buhay pa ang papa ko, ang mama ko ay nasa bahay lang, gumagawa ng gawaing bahay, inaalagan ako at si papa habang ang papa ko ay isang mangingisda sa isang palaisdaan sa amin. Pero nang mamatay ang papa ko, napilitan ang mama ko na magbanat ng buto para may makain kami at may pambayad sa utang na ginamit namin pampalibing kay papa.
Kaya naghirap kami. Pero kahit na ganoon tuloy pa rin ang buhay.
Ngunit may isa pang problema ang mama ko, ako. Bata pa lang ako, mahina na ang resistensya ko. May hika rin ako at dahil malayo ang pagamutan sa aming lugar at mahal rin ang gamot kaya hindi kami pumupunta, sa halamang gamot lang kami kumakapit ng mama ko para gumaling ako tuwing hinihika ako. Kaya ng magkaroon ng isang medical mission sa aming lugar, hindi kami nagpatumpik na pumunta roon.
Bukod sa libreng check-up at gamot, nagbibigay rin sila ng dalawang kilong bigas, mga delata at mga damit. Kaya naengganyuhan kami na pumunta.
Ngunit nang magpa check-up ako roon, sinabihan ako ng isa sa mga doctor na may sakit ako sa puso. Hindi ko maintindihan ang iba niyang sinabi ganoon din si mama. Ang naiintidihan lang namin ay maysakit daw ako sa puso, medical term na kasi ang ginamit niyang mga salita sa mga sunod na sinabi niya. Ang mama ko naman ay agad na natakot para sa kalagayan ko at ako rin mismo. Kasi ang bata ko pa para magkasakit at higit sa lahat wala kaming pambayad sa hospital. Natakot ako ng sobra habang nasa utak ko ang mga salitang, 'maghihintay na lang ba ako hanggang sa mamatay ako dahil sa sakit ko?' Pero sinabihan kami noong doctor na 'wag mag alala dahil pupuntahan niya raw ako sa bahay namin para check-up-in.
Hindi ko alam kung bakit kailangang gawin niya yun siguro naawa siya sa amin. At siguro gusto niya lang talaga ang manggamot kahit walang bayad. Mas mahal niya ang panggagamot kaysa sa pera.
'Yun nga. Pinupuntahan ako noong lalaki sa amin, dalawang beses kada buwan ngunit tumigil din siya sa pagbisita sa amin pagkatapos ang halos limang buwan. Sa bawat pagdalaw niya, palagi niya akong dinadalhan ng pagkain, damit, sapatos, tsokolate, bulaklak, at mga regalo na masasabi kong mahal dahil hindi ko kadalasan nakikita sa lugar namin ang mga bagay na 'yun.
Noong una masaya ako pero habang tumatagal, natatakot na ako. Kapag chine-check-up niya ako, hinahawakan niya ang kamay ko kapag kinuhaan niya ako ng Blood Pressure o ng temperatura sa katawan.
Hindi ako nakareklamo noon dahil si mama ay natutuwa dahil nga tinutulungan niya kami pero iba talaga ang pakiramdam ko sa bawat hawak niya sa akin...
Pero gaya ng sabi ko, hindi na lang nagpakita si Doc Gian sa amin.
Si mama hindi alam ang gagawin dahil nang huling dalaw ni Doc Gian, 'yung doctor ko, hindi niya sinabi kung magaling na ba ako o hindi. Kaya naghanap si mama ng paraan para malaman kung magaling na ba talaga ako o hindi pa.
Dahil hindi namin kaya ang bayad sa hospital, sa albularyo kami o sa mga manggagamot sa lugar namin kami kumakapit... o di kaya naghihintay kami sa muling pagbalik ng mga medical mission.
Hanggang sa marinig ng mama ko ang tungkol kay Ka Impeng.
Dayo siya sa aming lugar. Ngunit makalipas lamang ang ilang araw na paglipat niya sa amin, naging sikat siya dahil sinabi niyang manggagamot siya at kaya niyang gamutin ang kahit na anong sakit.
Una walang naniwala sa kanya pero ng may nakakita sa kanya na may napagaling siya, dumami ang kanyang mga kliyente.
Pinuntahan ni mama ang lugar nila Ka Impeng kasama ako. Ngunit malayo pa lang kami, hindi na kami tumuloy sa paglapit, dahil sa sobrang daming tao. Maraming nakapila. Kaya sabi ng mama ko, babalik na lang daw kami. Mayroon din kasing labada na naghihintay kay mama noon. Gusto lang niya talagang makita kung totoo ba na maraming nagpapagaling sa nasabing manggagamot.

BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
General FictionAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.