Nasa loob lang ako ng opisina ni Enzo habang hinihintay siya. Kausap niya ang doctor ko ngayon. Dito kasi ako pinapunta ni Enzo pagkatapos kung magpacheck-up.
Palakad-lakad ako habang tinitigan ang mga display, design at mga gamit ni Enzo sa opisina.
Nakita ko ang organizational chart ng buong hospital at napalunok ako nang makita ko ang pangalan ni Enzo sa itaas ng Chart at may nakalagay na president.
Alam ko na mayaman si Enzo.
Hindi niya man sinabi sa akin pero alam ko na mayaman siya.Sa kilos, gawi at pananamit niya, alam ko ng mayaman siya. Pero hindi ko akalain na sobrang yaman pala ng asawa ko.
Bukod sa doctor siya na nagpapakadalubahasa sa sakit sa buto, pagmamay-ari rin ng pamilya nila ang hospital na kung nasaan kami. Si Enzo rin ang nagma-manage nito ngayon.
Sinabi sa akin noong isang nurse na nag aalaga sa akin dito noon, ang swerte ko dahil asawa ko ang isang tulad ni Dr. Lorenzo Garcia Jr. Galing sa mayaman na pamilya, gwapo, mabait at matalino. Wala ka na daw mahahanap na tulad niya.
Napangiti ako.
Oo, alam ko na ang swerte ko!
Bumukas ang pintuan ng opisina ni Enzo kaya napalingon ako doon.
Nakita ko si Enzo roon.
Nang magkasalubong ang tingin namin ni Enzo, nginitian niya ako.
Namula agad ang pisngi ko at nahihiyang ginantihan siya ng ngiti.
"Nabagot ka ba?" Tanong niya at pumasok sa opisina niya at sinirado ang pinto.
Lumapit siya sa akin agad at yinakap ako.
Tumango lang ako sa tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Anong sabi ng doctor ko?" Tanong ko sa kanya.
Kinuha ni Enzo ang kamay kong nakaipit sa pagitan namin at pinalupot 'yun sa bewang niya.
"Sabi niya normal lang daw ang mga bagay na 'yun. May mga mga mag fla-flash na larawan o pangyayari sa utak mo lalo na kapag may nagkakatrigger noon." mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Magandang senyales 'yun na unti-unting na raw na bumabalik ang alaala mo."
Natuwa ako sa balita niya kaya hindi ko na pinansin ang boses niyang parang nadismaya noong sinabi sa akin na bumabalik na daw ang alaala ko.
"Talaga?" Masayang tanong ko. Kailan kaya ako tuluyang gagaling? Gusto ko ng maalaala ang lahat-Bigla kong nakita ang itsura noong lalaking palagi kong naalala at napapanigipan-Si Ka Impeng.
Napahawak ako sa damit ni Enzo sa likod.
Lumakas bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Kapag naalala ko siya, kinakabahan at binabalot ako ng takot. Mas humigpit ang hawak ko kay Enzo.
Gusto kong itanong kay Enzo ang tungkol sa lalaking 'yun pero natatakot ako.
Sobrang natatakot ako.
Hindi kinukwento ni Enzo sa akin ang tungkol sa lalaking yun, ibig lang sabihin noon, hindi kilala ni Enzo si Ka Impeng.
Ang nakukuwento lang niya na ako si Rosario Cortel, beinte anyos, asawa ni Lorenzo Garcia Jr, anak ako nina Rosa at Helberto Cortel. Patay na ang nanay at tatay ko.
"Yeah..." sabi ni Enzo. Inilayo ako ni Enzo sa kanya ng kaunti. "May nilista pala siyang gamot, ipapadala ko na lang 'yun sa bahay natin, gusto mong kumain muna tayo sa labas?" Nakangiting alok niya sa akin. Napakurap ako ng mga mata siya sa sinabi niya. "May bukas kasing restaurant malapit rito..." dugtong ni Enzo

BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
Aktuelle LiteraturAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.