Wakas

1.6K 36 12
                                    

"WELCOME HOME!" Salubong na sigaw sa amin nila Jai at Lovely ng buksan namin ang pinto ng bahay namin. Pinaputok pa nila ang party popper na hawak nila.

Gulat na gulat ako.

"Akala ko nasa Boracay kayo!" Gulat na sabi ko. Yinakap ko sila dahil miss na miss ko na ang dalawang 'to. Hindi ko alam pero nakita ko naman sila ng pumunta ako sa hospital kaso iba ngayon. Hindi ko sila maalala pero ngayon, naalala ko na sila. And... Inilapit ko ang ilong ko sa buhok ni Jai. Ang bango.

Tinulak nila ako ng mahina para makita ang mukha ko. Nainis ako. Kunti lang. Gusto kong yakapin ulit si Jai.

"Well, galing kami roon pero ng malaman ko na uuwi kayo sa bahay niyo, kaya agad na umuwi kami dahil gusto kong sopresahin kayong dalawa!" Masayang saad ni Jai.

Indeed na-surprise nga kami sa ginawa nila.

"Congratulations, Rosario! Magaling ka na talaga!" Si Lovely.

"Salamat." Tanging tugon ko.

Lumingon ako kay Enzo dahil wala man lang siyang imik. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang mukha niya

Seryoso ang tingin niya sa sahig kung saan nagkalat 'yung mga confetti at iba pang bagay galing sa party popper. Tumingin si Enzo sa amin.

"Kayong dalawa, linisin niyo ang bahay namin." May bahid ng galit na sabi ni Enzo sa kanila.

"Enzo..." saway ko sa kanya. Bakit niya inaaway ang dalawa? Huminga lang ng malalim si Enzo.

Bumalik ang tingin ko sa dalawa. Nakita ko si Jai na nakatitig lang sa mukha ko. Nginitian ko lang siya ganoon rin ang ginawa niya.

"So ano na?! Anong balita? Ano ng mangyayari sa inyo?!" Sabat ni Lovely na walang pakialam sa galit ni Enzo sa kanya.

Tumawa lang ako ng mahina.

Gaya pa rin siya ng dati. Walang katapusan ang pagkahyper. Napailing na lang ako.

"Gaya ng alam niyo, Nakakaalala na si Rosario. Magaling na talaga siya." Sagot ni Enzo. Inis pa rin siya. Eh? Bakit?

"Ah yeah. Alam namin 'yun. Sinabi ko nga kanina diba." Dry na sagot ni Lovely at umupo sa sofa at inayos ang pagkain na nasa maliit na table ng sala. Parang nawalan na siya ng gana. "Seriously wala man lang kayong baong chika..." She looks so disappointed.

Hindi siya pinansin ni Enzo at imbes ay nilapitan niya ako.

Giniya ako ni Enzo palapit sa mesa. Wow. Namangha ako sa mga pagkaing nasa lamesa. Pinaghandaan talaga nila.

May dalawang cake na may nakasulat na 'Welcome Back' at ang isa naman ay 'Congratulations' at tatlong putahe ang nandoon sa mesa. May mga prutas pa. Pinaghandaan talaga nila ang pagbalik namin. Kaya bakit naiinis si Enzo? Dapat nga magpasalamat siya. Ang laking effort ng ginawa nila. May pabarintas pa sila.

"Tsk." Singit ni Jai. "Ako na lang ang may sasabihin!" Presenta ni Jai. Parang mag re-report siya ah. "Hindi ako magpapatalo! May surprise rin ako sa inyo!" Excited na anunsyo ni Jai.

Ah tama. Naalala ko 'yung sinabi ni Doc kanina sa hospital.

"'Yun ba 'yung sinabi ni Doc kanina sa hospital?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. Tama. Buti naaalala mo mahal." Si Enzo na napatigil siya sa pagkuha ng pagkain para sa akin. Mamaya papagalitan ko siya, he's rude to Jai and Lovely. Hindi pa siya nagpasalamat sa sa hinandang surprise party ng dalawa imbes pinagalitan niya pa kanina tapos ngayon, kumakain siya sa pagkaing hinanda nila.

"Ano?" Bored na tanong ni Lovely na ngayon ay kumakain ng grapes. Naglaway agad ako ng makita ko 'yun. I'm hungry.

"Hmmm!" Masayang sagot ni Jai
Parang gusto niyang i-brag ang alam niya.

My Sweet RosarioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon