Rosario
Naaliw ako sa paglalaro sa mga bata nang tumunog ang telepono ko.
Inilagay ko yun sa mataas na mesa sa gitna ng minnie playground para hindi maabot ng mga bata. Tatayo na sana ako sa pagkakaupo sa play mat nang biglang may mga munting kamay ang yumakap sa akin mula sa likod at sa harapan ko rin.
"Gotcha!" Sabay na sigaw ni Eon na nakayakap sa likuran ko at si Gail na nasa harapan ko.
"You can't escape!" Sigaw ni Eon at hinila niya ako pahiga.
Nanlaki ang mga mata ko.
Jusko!
"Ah!" Tili ko nang matumba ako. Mabuti na lang at pinilit ko na patagilid ang pagtumba ko para hindi maipit si Eon na nasa likod ko kaso ako naman yung nasaktan.
"Eon, Gail!" Saway ni Lovely sa kanila. May dalawang bata ring naglalaro kay Lovely. Iniwan niya yung mga batang binabantayan niya tapos tumayo para hilahin ang dalawa palayo sa akin. "Nasasaktan niyo na si ate Rosario niyo." May halong inis na sabi ni Lovely.
Pinagsabihan ni Lovely ang dalawang bata pagkatapos ay nag aalalang tumingin sa akin. "Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya.
Tumango lang ako sa kanya at yung dalawang bata ay tumatakbong lumapit sa batang binabantayan ni Lovely. Naghilahay na sila ng damit tapos nag takbuhan.
Napangiti na lang ako.
Iba talaga ang mga bata mag isip.
Tumayo na lang ako, tinulungan naman ako ni Lovely. "Salamat." Mahinang wika ko sa kanya.
"Okay lang." Sabi niya at kinuha niya ang telepno ko at binigay sa akin. "Baka si Doc Enzo na yan." Sabi niya. Tumunog ulit kasi ang telepono ko.
Ngumiti lang ako sa kanya. Sumilip ako soon sa screen. May limang miss call at 30 text kay Enzo.
Hindi ko yun binasa at tumingin ulit kay Lovely.
Hindi kami nagkaroon ng oras para magkwentuhan kanina kung mayroon naman, puro lang hinging tulong sa mga bata, lalo na noong pinapakain namin sila kaya hindi ko na natanong yung nangyari kanina sa kanya. Yung pag iyak niya habang nakatitig sa akin.
"Nga pala kanina..." simula ko. "Bakit ka umiyak nang makita mo ako-I mean..." nakagat ko ang labi ko. Mali. Hindi naman kasi siya umiyak nang nakita niya ako. Umiyak siya noong nakita niya akong nakikipaglaro sa mga bata.
"'Yun ba..." nahihiyang napakamot siya sa ulo niya at napayuko pero muling nag angat nang magsalita ulit siya. "Tears of joy po 'yun." Ngumiti siya ng matipid pagkatapos. "Natutuwa po akong makita kayo. Natutuwa po akong nandito kayo, nakikipaglaro ulit sa mga bata. At higit sa lahat natutuwa akong makita po kayong masaya...." madamdaming wika niya. May namumuong luha pa sa mga mata niya.
Parang hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Parang nasasabi ko tuloy sa sarili ko na ang bait-bait ko kaya maraming nagmamahal sa akin.
"Salamat..." wika ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
Ngumiti lang din si Lovely na kinatulo ng mga luha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang sinapo ni Lovely ang mukha niya at humikbi.
"Lovel-
"Sabi na nga ba eh! Kaya hindi ko makontak ang asawa ko dahil kay Lovely." Narinig ko ang boses ni Enzo at lumingon sa likuran ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/241185860-288-k236255.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Rosario
General FictionAng gusto lang ng nanay ni Rosario ay ang gumaling siya pero iba ang nangyari sa kanya at nagbago ang buhay niya.